Chapter 20

61 10 0
                                    

Chapter 20

Beauty Pageant

"Anong gusto mong i-order?". Tanong ko kay Xeon ng pagkaupo namin sa isang bakanyeng mesa dito sa isang restaurant.

Kinuha niya ang menu at tinignan ang mga pagkain nila. Ganoon din ang ginawa ko.

Dito ko napiling kumain kami dahil hindi sa masarap ang pagkain nila kundi mura ang pagkain dito.

"Inasal nalang at kanin tapos drinks. Don't worry ako ang magbabayad". Sabi niya sa akin. Hindi naman ako tumanggi doon, hinayaan ko siya.

Pinuntahan naman kami ng waiter at agad naman naming sinabi ang order. Kita ko pa nga sa kabilang table ang mga grupo ng babae na nakatingin sa gawi ni Xeon. Maging ang waiter nga e.

Hindi ko naman ipagkakaila na guwapo ang pinsan ni Ivion. Siyempre kung siya ay guwapo, ang pinsan niya pa kaya.

There you again Skylla! Your thinking about him again. Nagsabi pa talaga ako na ngayong araw ay makakapag pahinga ako. Mas malala pa nga ang nangyari e tapos may pahinga ka pa dyan.

"So! Why did you come with me?". I ask him. Kanina pa kasi kami tahimik dito at parang nabibingi na ako sa dulot nito.

"Wala naman kasi akong magagawa doon sa plantation at isa pa....mambababae na naman sila". Sagot niya sa inosenteng tono.

"Bakit? Ayaw mo bang mambabae?". Tanong kong nagtataka.

"I'm not that kind of person. I already told you that". Aniya ng bahagya.

Tinanguan ko lang ang sinabi."I know. Hindi lang kasi ako makapaniwala na lahat ng pinsan mo ay ganoon samantalang ikaw ay hindi". Humalakhak ako sa sinabi.

"They said i was a playboy long ago until an accident happen". He answered in a low and sad tone at ito namang si ako ay na curious kaya nagtanong.

"What happened long ago?". Now he got my full attention.

Huminga siya ng malalim."Ang sabi nila ay nasa tabi ako ng daan noon kasama ang isang babae. Sabi din nila ay kinukulit ko daw ang babaeng iyon kaya nairita siguro at bahagya akong tinulak papunta sa daan ng mga sasakyan at timing din daw na may sasakyang mabilis ang pagpapatakbo kaya ayon.....nasagasaan ako". Hindi ko akalain na may mas ikakaawa pa ako sa kanya.

"Dinala ako sa ospital habang nasa kalagitnaan ng kamatayan at buti nalang dahil naagapan pa ako pero kahit naagapan daw ako ay parang patay lang din naman akong tignan". He stop and laugh.

"Bakit ka naman mukhang patay tignan? Buti nalang din dahil naagapan ka pa e".

"Parang patay daw ako dahil sa masyadong na damage ang ulo ko ay ilang month's din akong na paralyze. Being paralyze is very difficult to handle. I also lost my memory because of the impact". Parang kinukurot ang puso ko habang sinasabi niya yon.

"It took me half a year before i recover in my paralyze. Nang naka recover na ako ay para akong tangang tignan. Wala naman kasi akong may naaalala kahit ngayon ay wala pa din naman pero nakilala ko na ang aking mga pinsan at kapatid. Sa araw din yon ay palagi na akong dinidisiplina ng aking magulang".

Kaya pala dinidisiplina siya. Yon ang sinabi niya noon nang tinanong ko siya kung playboy din ba siya.

"So you mean hindi pa gaano katagal ang aksidente mo?". Tanong ko sa curious na tono. Tumango lang siya bilang pag sang ayon.

"It's already half a year now". He answered thoroughly. Hindi ko na dinugtungan pa ang sasabihin.

Buti nalang dahil dumating na ang order namin. Hindi na ako tumingin sa kanya dahil napuno na ng pagkain ang aking mga mata. Sa amoy palang masarap na.

Flipped (DBS#1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon