Chapter 2
Guilty
Natapos rin naman ang away sa simpleng pag walk out ni Grilla. Akala niya kasi dahil may alipores siya ay hindi na siya matatalo dahil marami sila. Well think again idiot.
Hindi niya siguro alam na marunong ako sa martial arts, karate, at taekwondo. I'm always prepared in every cases that will happen. Hindi naman kasi natin alam kung kelan mangyayari yon kaya it's better being prepared than being unprepared kagaya ng nangyari kanina kay Grilla.
She's unprepared dahil sa isang sabi lang ng ex niya ay sumuko na kaagad siya. I really hate weaknesses because they use that weakness to you.
So far for me i don't have any weakness. Wala naman kasi akong pake na bantayan ang aking pamilya dahil marami naman kaming security.
We are not rich nor poor either. Normal lang naman ang pamumuhay namin. Yung may kaya lang kaya kapag may emergency maaagapan pa namin.
I continued my day in a normal way. Habang kumakain ng lunch kasama si Warth ay palagi akong nakatingin sa pintuan ng canteen kung may papasok.
Lunch time na pero di parin siya pumunta dito sa canteen. Mayroon namang cafeteria ang school namin pero sa pagkakaalam ko ay hindi siya kumakain don.
Nalaman ko lang kasi dahil palagi ko siyang isinu stalk. Marami narin akong nakitang mga iba't ibang babae na kasama niya. He really is a playboy but that truth can't stop me from loving him.
I love him in eternity. Sa palagay ko nga wala nang mas hihigit pa ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit magsubok ako ng ibang lalaki ay mas lamang parin ang pagmamahal ko sa kanya. Can't belive it but it's really really totally true and i swear.
That thought can make me smile. Nakakahiya na nga dahil patay ang ngisi ko kahit wala namang ikakangisi. Hindi naman kasi ako masaya sa nangyari kanina pero na gui-guilty ako.
Guilty na paaasahin ko lang si Warth. Sa mga ibang lalaking sinubukan kong e relasyon ay ngayon ko lang narealize na nalulungkot ako. Lungkot na nag papa-guilty sa akin.
Pwede ko rin naman kasi sigurong e enjoy ang moment na ito habang kami pa ni Warth. I sounded like i'm going to die or etcetera.
Palilipasin ko muna ang mga buwan bago ko siya hiwalayan. Sa ilang subok ko nang magkarelasyon ay ngayon ko lang naipangako na patatagalan ko ang relasyong ito.
Nagpatuloy nalang ako sa aking pagkain. Kitang kita ko na palaging sumusulyap si Warth sa akin kada sampung segundo.
Binilang ko talaga para makumpirmi.
Parang may lumalambot sa aking katawan habang sinusulyapan niya ako. Yung feeling na kinikilig ka. I admit na kinikilig ako dahil sinusulyapan niya ako like he's guarding me kahit wala naman akong may nagustuhan sa kanya. Slight lang siguro but it's worth it.
Di ko alam pero napapangiti ako. Nakakatawa kasi siyang tingnan na pasulyap sulyap sa akin habang ako naman ay kumakain.
"Bakit ganyan ka makatingin?". Di ko na pigilan ang aking sarili kakatanong.
"Malapit na kasi ang fourth quarter exam kaya magiging busy na ako kakareview. Hindi na tayo makakadalas magkasama. I feel bad". Sagot niya sa malungkot na tono.
"It's okay! We can text and call each other. We can communicate you know so don't be sad. Alam ko naman kasing mahirap lalo na dahil graduating ka pa".
Tumango lang siya."Fine! I love you".
Nagulat ako dahil sinabi niya iyon sa akin."I love you too...". Bawi ko naman sa kanya.
This time i'm even more guilty dahil sa sinabi niya. Those three words and compose of eight letters. It's very a strong word that makes me even more guilty.
BINABASA MO ANG
Flipped (DBS#1) (Published)
Teen Fiction[Darcena Boys Series #1] "Age doesn't matter as long as i will be tied to you"-Ivion. Skylla Vindrell is a girl who can easily get a man by her seductive moves and action. She always does that because she wanted to be noticed by Ivion Haddrick Darce...