Chapter 23
Afford
Nilagyan nila ako ng corona, sash, at cash. I am so happy right now. Hindi ko akalain na mananalo ako. I guess it's just begginers luck?.
It's not just beginners luck but confidence. Kung wala naman kasi akong confidence kanina ay hindi ako makakarampa.
Maraming nagpa-picture sa akin. Mapababae man o lalaki. Pinapasalamatan ko din naman sila dahil sa supporta.
Mga kalahating oras ang nagastos ko dahil maraming taong nagkakandarapang magpa picture sa akin. Napapatawa nalang ako.
Agad naman akong bumalik sa back stage para makapag ayos. Nadatnan ko naman doon si Mama at Leste na nag-uusap at nagtatawanan.
Ng nakita nila ang presensya ko ay napalingon sila. Malaki ang ngiti ni Mama at ganoon din ang kay Leste. Niyakap ako bigla ni Mama.
"Masaya ako sa'yo anak. Sabi ko naman kasing kaya mo yon e". Nagulat ako ng humikbi siya sa aking balikat.
Ganito ba talaga kapag napa sobra ang saya mo? Napapaiyak kana?. Hinagod at hinaplos ko ang likod nito.
"Mama ano na naman ba ang kinaiiyakan mo?". Tanong ko habang napatawa na sa reaksyon niya. Manang mana talaga ako kay mama.
Ang OA namin!
"Wala lang anak. Just another happy memory. I just remember the day that i was your age. Nanalo din ako sa isang pageant. Baliw na baliw pa noon ang papa mo sa akin". Aniya at nagpahid ng luha.
Ngayong sinabi niya si Papa. Ano kaya ang nangyari sa love story nila. Mukhang napaka trahedya kasi kung iisipin ko.
Hindi nalang ako nagtanong imbes ay tumawa ako."Mama naman. Nanalo na nga ang anak niyo e tapos iiyak ka dyan". I said jokingly.
"Masaya naman ako anak. Tears of joy lang ito. Ang galing galing mo talagang magrampa. Pati yung ikot mo sa swimsuit attire ay naperfect mo kahit naka heels".
Nakauwi na kami ng bahay. Dahil sa pagod na ako ay kailangan ko nang magpahinga. I have a long day awaits.
Agad naman akong ginapangan ng antok hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing sa aking kwarto.
Kinabukasan ay nagising ako alas nuebe ng umaga. Agad naman akong naglinis ng sarili sa banyo. Mga kalahating oras nga ako nagtagal sa banyo dahil makapal ang aking make up.
Nagbihis ako ng sleeveless shirt at palda na hanggang tuhod ko lang ang abot. Bago pa ako lumabas ng kwarto ay dinampot ko ang aking cellphone.
I open my social media acounts at nakita kong marami akong friend request. I confirm them all and change my profile picture in facebook.
Ang picture ay solo ako habang ang kulay itim na curtains ang background while wearing the long gown. Nakangiti ako dito at may suot na korona with a caption of 'Beauty of the Village'.
Isang minuto palang ang lumipas ay halos sumabog na ang notifications ko. Maraming nag like, nag comment, at nag react sa new profile ko.
Tinignan ko ang comments at halos puri lang ang nabasa ko. Napahinto ako sa pag scroll ng nakita ang comment ng aking step sister.
Anthia♥:Bagay sa'yo pero di naman deserving.
Edi siya na ang deserving. Nagreact lang ako sa comment niya. Wala akong pake sa babaeng iyan. Inagaw niya na nga sa akin si Ivion tapos ganito pa ang sasabihin niya sa akin.
Pinatay ko nalang ang aking cellphone at pumunta na ng kusina. Nadatnan ko si Mama na nagluluto ng aking pagkain.
"Mama!". I said and kiss her on the cheeks. She smile at me.
"Umupo ka na dyan. Ihahain ko lang muna ang pagkain mo". si Mama at sabay turo sa isang silya.
Umupo naman ako doon at hinayaan ko nalang siya. Day off kasi palagi ni Mama kapag sunday kaya nandito siya ngayon. She's wearing her usual smile just like yesterday night.
Wearing a normal floral dress and an apron makes her looks stunning. Ngayon ko lang talaga napagtanto na manang mana talaga ako kay mama.
Mata lang at matangos na ilong ang minanahan ko kay Papa. The rest are for my mother's. Naaalala ko tuloy ang sinabi ni Mama kagabi.
Ano kaya ang dahilan?. Alam ko naman ang konte'ng istorya dahil naririnig ko iyan sa mga kapitbahay pero di ko alam ang buong istorya.
"Ma?". Tawag ko. Nilingon niya ako pero ako hindi. Naguhuluhan na ako e. I really have to know.
"Anong nangyari sa inyong dalawa ni Papa?". Di ko na napigilan. Napatikhim si Mama kaya binalingan ko na. Nanghina ako ng nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata.
"I was waiting for you ask me that". Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi. Now i look attentive.
"Ang papa mo ay isang mambababae. Habang ako kagaya mo. Yung babaeng walang may nararamdaman sa boyfriend. Palagi akong kinukulit ng Papa mo. Yon yung mga araw na baliw na baliw ang Papa mo sa akin. Naging kami ng Papa mo at nagpakasal din naman. Mahal na mahal ko ang Papa mo kahit ngayon mahal ko pa naman. Isang araw ay nagulat nalang akong may anak na siya sa ibang babae. Yon din sana ang araw na sasabihin ko sa kaniya na buntis ako. Nagalit ako sa kanya. Naglayas ako at hindi na bumalik pero bago ako umalis ay pinirmahan ko ang divorce paper kaya dito ako tumira. Binuhay kitang mag-isa".
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Sino naman ang tinuturing kong papa noon?.
"Iyong papa na nakita mo ay pinsan niya iyon. Masyadong magkamukha lang sila at yong mga away namin ay dahil iyon sa Papa mo. Ang sabi kasi niya ay pupuntahan daw tayo ng Papa mo dito. Tinanggihan ko naman".
Kaya pala! Pinsan? Kung nandito ang pinsan ni Papa ay malamang nandito din siya. Baka nasa paligid.
"Mama si Panthalia? Step sister ko ba siya talaga?". Tanong ko naman sa kaniya. Iyon naman agad kasi ang pumasok na tanong sa utak ko ehh.
"She's your stepsister. Siya ang sinasabi kong bata na dinadala ng babaeng binuntis ng Papa mo". She answered honestly to me.
"Ang ibig niyo pang sabihin ay totoong stepsister ko siya? At kung nandito siya it means nandito rin ang totoong Papa ko?". I said a bit shock.
"He is here. Baka nagbakasyon lang dito. Hindi rin naman magtatagal iyon. Hayaan mo na. Ang importante ay magkapagtapos ka at makatrabaho ng maayos. Kaya kitang palakihing mag isa. I already done it. Since you were a baby". Sambit ni mama.
Habang kumakain ay yon ang iniisip ko and thinking about my father being a playboy makes me think of him. Parang nanginig ang sistema ko.
Natakot ako na kapag pagbibigyan ko siya ay sa huli iiwan niya akong luhaan. I don't want that to happen. Mas mabuti naring ganito kaysa pagbibigyan ko siya.
It gives me even more idea to be scared. I can't afford if that's going to happen. If my mother can then i can't. I'm scared to death if i can't afford it.
BINABASA MO ANG
Flipped (DBS#1) (Published)
Teen Fiction[Darcena Boys Series #1] "Age doesn't matter as long as i will be tied to you"-Ivion. Skylla Vindrell is a girl who can easily get a man by her seductive moves and action. She always does that because she wanted to be noticed by Ivion Haddrick Darce...