Chapter 22

61 8 0
                                    

Chapter 22

Congratulation

"Ladies and gentlemen. Presenting our seven lovely candidates in their Swimsuit attire". Sigaw ng emcee. Parang kanina lang ay natatakot pa ako pero ngayon na excite akong rumampa.

Nagplay ang isang sound as a background at sabay namang lumabas ang candidate number one.

Gaya kanina ay humiyaw ang mga tao at sumisigaw sa kaniya. Agad namang sumunod ang candidate number two ng nakabalik na ang candidate number one.

Sinundan naman siya ni candidate number three. Kita ko pa nga kung paano niya hinubad ang malong na sinuot and revealing her swimsuit.

Parang wala lang siyang paki sa paligid. Nakita ko ang paglawak ng kaniyang ngiti nang napabaling sa crowd. Na curious naman ako kaya tiningnan ko rin.

Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko si Ivion. Kasama niya ang kaniyang pinsan . Siyempre nandoon din si Xeon.

Nahanap ko ang tingin ni Xeon kaya nag wave siya at nag thumbs up sa akin. Pait naman ako ngumisi sa kanya.

Parang nawalan ako ng gana. Kung kanina ay nae-excite ako ay ngayon kalahati nalang iyon. Ang kalahati kasi ay naging kaba.

Feeling ko sasabog ako sa kinatatayuan ko ngayon. Parang tinaniman niya ako ng bomba na sa isang tingin ay sasabog agad. I think i'm gonna lose my confidence.

Galit ka sa kanya Skylla!.

Pagkarating na niya sa back stage ay ako naman ang lumabas. Suot ko pa din ang aking malong. Parang nabuhay ang kalooban ko ng humiyaw ang crowd.

Bahagya pa akong nakatalikod. Agad kong hinawi ang malong sabay harapa at ngumiti sa audience. Kung kanina'y hiyaw palang ngayon nagsusumigaw na sila sa akin.

I confidently walk my way on occupying the whole stage. Sinunod ko ang sinabi at sa huli ay lalakad ako sa mahabang stage. Isang mabagal na ikot ang aking ginawa while raising my left foot.

Pagkatapos kong ginawa iyon ay mas lalo pang lumakas ang sigawan at hiyawan ng mga taong nandito sa loob ng covered court.

Bumalik naman kaagad ako sa backstage. Habang ginagawa ko yon ay ramdam na ramdam ko ang mga titig niya. Kung kanina'y halos sasabog ako ay ngayon naka tanggap ako ng mas magandang confidence sa crowd.

It feel so great when someone is cheering for you. Parang kakaiba talaga sa feeling.

"May i call again our candidates for their question and answer portion. Wag kayong mag alala dahil tagalog ang isasagot niyo".

Agad naman kaming pumuntang pito sa stage. Nakakagulat dahil lahat kami dito ay walang pinractisan tapos nagawa pa namin ng maayos ang linya.

Pa curve and linya namin at infairness pare-pareho ng distansya. Now naniniwala na ako sa adrenaline rush.

"Candidate number please step on the middle". Announce ng emcee. Ginawa niya naman agad iyon.

Bumunot siya sa isang bowl at ipinakita niya iyon sa emcee. Tinanong naman agad ito at sinagot niya naman na nakatanggap ng hiyaw at sigaw sa crowd.

That's what to the other two candidates. Habang palapit sa aking numero ay lalo akong kinabahan dahil lahat ng tanong ay napakahirap.

Nang ako na ang tatanungin ay agad naman akong pumunta sa gitna ng stage. Bumunot ako ng papel sa bowl na nilahad at binigay sa emcee.

Flipped (DBS#1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon