Chapter 1- Nightmares

39.6K 644 45
                                    

          Lego

"Kyla, please. I didn't mean it."
"Oh please, Lego. Let's face it, you and I are no longer compatible." She said over the phone.
"Where are you? Pupuntahan kita. This should not be discussed over the phone." Giit ko.
What is wrong with her?

"Lego, just listen. I no longer feel anything towards you." She shouted.
"Kyla, calm down please. Hindi na ako pupunta ng America kung iyon ang ikinakagalit mo." Paliwanag ko.
She laughs without humor in it. "I am actually relieved that you will leave. Just leave, Lego. Leave me alone."

Nagising ako na sumisigaw at basang basa ng pawis kahit nakatodo ang aircon. It's been three years. Three years of madness. Pinilit kong kumalma. Pinilit kong makaramdam kahit ano. Kahit galit basta huwag lang akong maging manhid.

Tiningnan ko ang relo ko. Wala pang ala-una. Hindi na naman ako makakatulog nito so I decided to go out. Para lang kumalma, kailangan kong magmaneho. So far, it's the best therapy for me.

After Kyla, my world stops. It literally stops. I stop pursuing what I want. I stop doing what I love. I stop...living. So when Star begged me na samahan siya sa Ateneo na mag-aral din year, laking tuwa ng parents namin ng mapapayag ako ng kapatid ko na dalawang linggong nag-vigil sa kwarto ko. I didn't understand noong una why she choose to transfer from International School to Ateneo. Then I found out na dahil iyon sa crush niyang Professor dito. Sa sobrang bored ng dalawang hapon sa IS, lumipat din ng Ateneo para may makasama daw ako.

Nakagawian ko na ding tumambay sa isang 7/11 store. Kilala na nga ako ng night shift crew doon.
"Hindi ka na naman makatulog?" Tanong ng isang crew sa akin.
Tumango ako at binigay ang bayad ko para sa isang lata ng beer.
"Hindi ka talaga dapat umiinom kung magmamaneho ka pa." Pangaral niya sa akin sa tuwing tatambay ako dito. Pinapanood ko ang iilang jeep na dumadaan. Pinapanood ko pero hindi ko naman talaga nakikita.

Biglang bumuhos ang ulan kaya ang mga nag-aabang ng jeep sa daan ay nagtakbuhan at sumilong. Ang ilan ay pumasok sa 7/11 para makiupo na din.
"Tangina naman, paano naman kami uuwi?" Reklamo ng isang babae na naiinis sa buhay habang nagpupunas ng sarili.
"Kuya, pakiabot ang tissue." Sabi nito at itinuro ang tissue na naiwan ng ilang kumain kanina.
Hindi ko siya pinansin at pinanood ko ang ulan.
"Kuya, yung tissue pakiabot." Kinalabit niya ako at naiirita akong tumingin sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Rose ng makilala ako. Kilala ko siya dahil sa mga kwento ni Star at nakikita ko silang magkasama although hindi ko siya kinakausap sa school.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Sa iyo ba itong 7/11 na ito?" Tanong ko sa kanya.
"Iaabot mo na nga lang ang tissue."
Inabot ko ang tissue at isinaksak sa kamay niya.
"Salamat." Sabi niya bago pinangpunas sa sapatos na basa ang tissue na napulot.

"Bakit nasa daan ka pa?" Naitanong ko bigla kay Rose.
"Closing ako eh." Sagot niya at dumukmo sa maiit na table sa harapan niya hakap-hakap ang bag.
"Closing saan?"
"Sa Jollibee. Hindi lahat kasing palad mo na may nagbibigay ng pangbaon." Sagot niya. "Gisingin mo ako kapag tumila na ang ulan" Bilin niya pa.

Bakit ko gagawin? Friends ba tayo?

Ilang seconds lang, tulog na nga yata si Rose. Lumaylay na ang isang kamay na nakayakap sa bag niya. Bakit siya masandal lang tulog na?

Naubos ko na ang beer at mukhang hindi titila ang ulan. Tumayo na ako at nakahakbang na palayo ng lingunin ko si Rose na mahimbing na natutulog.

Isa ka na namang dadagdag sa kunsensya ko. Naiinis na sigaw ng utak ko.

"Oy, gumising ka na." Tinapit ko siya sa balikat at naalimpungatan siyang umupo.
"Para po." Sabi nito na ikinatingin ng mga tao sa kanya sa 7/11.
"Umayos ka nga. Nakakahiya ka. Aalis na ako. Sasabay ka ba?"
Luminga-linga siya sa paligid.
"Umuulan pa eh." Sabi niya at bumalik sa pagkakadukmo.
"Halika ka na. Sumabay ka na." Hinila ko ang kwelyo ng damit niya.

"May dala ka bang kotse?" Tanong niya sa akin.
Naningkit ang mga mata ko. Malamang? Lagay maglakad ako?
"Right, nagtanong pa ako." Sabi niya at mabagal na tumayo.
Nauna akong lumabas ng store kasunod si Rose. Napanganga siya ng huminto ako sa tapat ng kotse ko.

"May payong ka ba?"
"Meron naman." She replied at naghalungkat sa bag hanggang mailabas ang payong. Binuksan niya iyon at pinayungan ako. Bagay na nakapagpahinto sa akin sa paglakad.

"Ikaw na lang ang magpayong." Tanggi ko.
"Share tayo. Baka magkasakit ka pa. Bilis na, lakad." Tinulak ako ng bahagya ni Rose.
Pinayungan niya ako hanggang sa makasakay ako sa kotse at saka siya umikot papunta sa passenger side.

"Nakakahiya sa kotse mo, nabasa." Pinunasan ni Rose ang mga patak ng payong niya sa kotse.
"Saan ka nakatira?"
"Sa slums of Marikina."Sagot niya. "And the life there is poor and sad." Dagdag niya at hindi ko alam kung nanloloko na naman ito.

"Ibaba mo na lang ako sa kanto. Maglalakad na lang ako."
Tinuro ni Rose ang isang kanto na maraming nakatambay kahit gabi.
"Sigurado ka?" Nag-aalangang tanong ko.
Baka mapahamak ka, dagdag kunsensya ko pa.
"Jusme, harmless ang mga iyan. Hindi nangangagat, wala ng mga ngipin." Natawa siya sa sariling joke.
"Salamat neh. Mabait ka din pala."

Nagkataon lang na nakita kita.

"Sige na, bumaba kana. Inaantok na ako." I said and open the door lock for her.
Bumaba ng kotse si Rose at nasimula siyang tuksuhin ng mga tambay.

"Rose, syota mo?" Tanong ng isa.
"Hindi ah, bakla yan eh." Sagot nito at humarap sa akin. "Sige na momma, thank you." She said and slam the door.

Etong babae na ito, hinatid na at lahat, nagsinungaling pa. Bad influence kay Star ito, mapagsabihan nga ang isa na iyon.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon