Chapter 15- Tropa lang si Rose, promise

12K 479 45
                                    

Lego

Gusto kong tumawa sa itsura ni Rose ng makita niya ako sa unahan ng pila. Bakit sila natulalang lahat?

Nilapag ni Rose ang large fries at sprite sa tray at nilagyan ng number ang tray ko.
"To follow ang burger mo. That would be..."
Binigay ko sa kanya ang card ko.
"Cash lang, Sir." She said. I rolled my eyes and pull out my wallet. Binigyan ko siya ng 1000 pesos.
"Wala ka bang barya?"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Right, wala kayong barya. Mga Ateneo na ito." Bulong ni Rose.
Iniwan ko siya sa counter.
"Lego, sukli mo." She said.
"Keep the change," I replied.
"Hindi pwede." Mabilis na sagot niya.
Hay, she's making a scene. Binalikan ko ang counter at kinuha ang sukli.

Hindi ko nakausap ang babae na ito kanina dahil kasama ni Star ng makita ko sila. Mukha naman silang nagkakatuwaan dahil tawa siya ng tawa kaya hindi ko na lang inistorbo. Habang nasa 7/11 ako, nagcrave ako sa french fries. Naalala kong may dalang fries si Rose noong unang nagkita kami sa 7/11. Minabuti ko na lang na tumambay dito, maiba naman.

Mukhang nababadtrip si Rose sa katabi niyang bakla sa counter. Nakakunot ang noo niya at umiikot ang mata sa sinasabi ng bakla. Maya-maya pa, lumabas sa counter ang bakla at lumapit sa akin dala ang burger.

"Sir, anything else you need?" Tanong nito pagkalapag ng burger sa table.
"Did I call you?" Tanong ko.
Nawala ang ngiti niya at nagmamadaling bumalik sa counter. Naiiling si Rose ng bumalik sa tabi niya ang bakla at nagsusumbong sa kanya. Natawa lang si Rose sa kung ano mang sinabi ng kasamahan niya.

Inunti-unti ko ang kinakain ko habang kausap ko si Kenshin sa phone.

San ka?
-Kenshin

Jollibee
-Lego

LOLS... Type mo talaga ano?
-Kenshin

Ulol.
-Lego

Hindi ba? So, pwede kong ligawan?
-Kenshin

Gago
-Lego

Man of few words. Samahan kita. Hintayin mo ako sa Jollibee.
-Kenshin

Alam mo kung saan?
-Lego

Of course. Ako pa.
-Kenshin

Anong maneho kaya ang ginawa ni Kenshin at nakarating sa Jollibee within 30 minutes.

"Tangina, nagsolo ka." Bungad ni Kenshin sa akin.
"Gusto mo? Order ka."
"Nandito kami kagabi eh. Kasama ko si Raiden at Michelle." Sabi nito. Tumingin sa counter at kumaway.
"Rosie," Sabi niya kay Rose. Naiiling na nakapamewang si Rose.

"Ano ginawa nyong tatlo dito? Kaya pala ginugulo ako ng bakla, nagpacute ka pala kagabi dito."
Natawa si Kenshin. "Makaorder nga. Manggugulo ako sa counter."
"May cash ka ba?" Tanong ko.
"Nga pala, cash lang sila."
Inabot ko ang sukli ko kay Kenshin. Nagpunta nga siya sa counter para manggulo. Kay Rose pa rin siya pumila.

Bumalik si Kenshin sa table ko na tumatawa hawak ang tray na may fries at softdrinks.
"Inis na inis si Rose. Huwag na daw tayong pupunta dito at nangkakagulo daw mga kasama niya." Sabi ni Kenshin.
"Mayroon bang opening sa company ninyo?" Tanong ko kay Kenshin na ikinagulat nito.
"Aapply ka?" Tanong niya.
"Pasok mo si Rose. May sakit sa puso yan eh. Hindi dapat napapagod."
"Hindi nga? Tangina, kaya pala sabi niya nakastapler lang puso niya. Ginugulat ko pa naman kapag nakikita ko."
Binato ko ng fries si Kenshin. Gago talaga ang isang ito.

"Bakit di mo ipasok sa company ninyo?" Balik na tanong ni Kenshin.
"Nakita mo bang magtrabaho ang mga kapatid ko? Daig pa ang naghihirap sa pagkaworkaholic. Bawal ngang mapagod ang may sakit sa puso di ba? Ipapasok mo pa sa company namin."
"Sa bagay." Sagot niya. "Tingnan ko. Tanungin ko si daddy."
"Huwag mong sabihing sinabi ko sa'yo." Paalala ko. Tumango naman si Kenshin.

"Ano plano mo?" Tanong niya sabay subo ng fries.
"Saan?"
"Kay Rose."
Anong plano? Nakunot ang noo ko.
"Type mo?" Tanong ulit ni Kenshin.
"Hindi ah." Mabilis na sagot ko.
"So pwede kong ligawan?"
Nakatingin sa akin ng deretso si Kenshin at biglang tumawa.
"Tangina ka. Hindi na nga." Biglang sabi nito.

"Nakamove on ka na ba sa ex mo?"
Tumaas ang kilay ko.

Simulan mong magsabi sa mga pinagkakatiwalaan mo, iyon ang sabi ni Rose.

"Kapag ba girlfriend ng kaibigan mo tataluhin mo?" Tanong ko kay Kenshin.
"Tangina, hindi ah. Binibiro lang kita kay Rose. Tropa lang si Rose, promise." Mabilis na sagot ni Kenshin.
"Gago, hindi si Rose. Defensive ka masyado." Napabuntong hininga ako.
"Sino ba pinag-uusapan natin? Gulo mong kausap ah."
Humigop ako ng sprite na lasang tubig na sa dami ng yelo na nilagay ni Rose kanina.

"Magsyota si Noah at Kyla ng maaksidente sila." Mahina lang ang pagkakasabi ko pero dinig ni Kenshin. Nalaglag ang frensh fries na sinubo niya sa narinig. Napatulala siya sa akin saglit.
"Putang-ina." Sabi ni Kenshin ng makabawi. "Mabuti ngang namatay sila. Mga hayop na 'yon."

Napatingin ako kay Rose na nakatingin sa akin. Her eyes are questioning. Nagthumbs up ako sa kanya and she exhale deeply. Tumango siya sa akin bago bumalik sa pag-aayos ng tissue sa counter.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" May halong galit ang boses ni Kenshin.
"Ngayon lang ako natauhan." I replied. Ngayon lang may nagtiyagang mangulit sa akin na may tunay na malasakit.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon