Chapter 10- iPhone

11.3K 375 14
                                    

Rose

"Hey, Rosie," Hinihingal si Michelle na sumabay sa akin sa hallway.
Paano siya nakatakbo sa suot na heels?
"Where is Star?" Tanong niya.
"Naku, may lagnat."
"What? Like, why? Gosh, can I have her number? I will make sure she's fine."
Nilabas ni Michelle ang bagong phone niya na may mga glitters pa ang casing. Nilabas ko din ang phone ko na may goma na nakatali dahil maluwag na ang back cover at nalalaglag ang battery.
"What the f... Why you have a Frankenstein phone?" Natulala si Michelle sa phone ko.
Na-amaze ka ano?

Hinanap ko ang number ni Star at sinabi ko kay Michelle.
"And your number?" Tanong niya.
I rolled my eyes and gave her mine.
"Paano kita makaka face time? Naka-android ka." Tanong ni Michelle sa akin at naghalungkat sa bag.
"Sayo na iyan." Inaabot niya sa akin ang isang iPhone. Napahinto ako tiningnan siya na parang baliw na si Michelle.
"Come on, sayo na iyan. Lumang model na nga lang pero nakaline naman." Sabi niya pa.
"Una Michelle, wala akong pambayad sa line." Reklamo ko agad.
"Hey, I am not giving you this because of awa. Kinuha ko yan sa ex ko. Actually, binigay ko sa kanya niya dati, but the devil used it para manligaw ng iba. Kapal ng face, di ba? So binawi ko yan. Sayang naman ang binabayaran ko if nakatambak lang sa bahay. As if naman na gagamitin ko yan eh I have my own phone. So might as well gamitin mo na kaysa masayang." Mahabang paliwanag ni Michelle.

"Michelle," Huminga ako ng malalim para sa speech ko na ginagamit lagi kay Star sa tuwing may gusto siyang ibigay sa akin na gamit.
"Oh for fuck sake, gamitin mo na Rose. And please do me a favour na kapag may babaeng tatawag, sabihin mong gf ka ni Teddy para naman makaganti ako sa kanya." Sinaksak ni Michelle ang phone sa kamay ko pati na ang charger.

"Gotta go, see you late Rose. I have that number. I will call you later. Ingat ka." Nagtatakbo si Michelle ng tumunog ang bell. Paano siya nakatakbo sa heels nya?
Aanhin ko ngayon ang iPhone na ito? Magiging mitcha pa ng buhay ko ito. Takaw snatch pa. Hindi naman luma ang phone, parang ito ang last model bago pa naglabas ng bago ngayon. Yung 3rd generation nga ng iPhone, can't afford ko pa eh. Magmumukha akong snatcher nito, langya ka Michelle.

Nakatulala pa rin ako sa iPhone sa hallway ng may bumangga sa braso ko at nahulog ang iPhone.
"Waaahhh..." Yung puso ko na hiram, muntik ng bumalik sa tunay na may-ari.
"Ano ba kasi ang tinatayo mo d'yan?" Naaasar na tanong ni Lego at pinulot ang iPhone.
Tumaas ang kilay niya ng makita ang phone bago ibalik sa akin.
"Huwag kang judgemental, kay Michelle yan." Inagaw ko ang phone at tiningnan kung nabasag.

"Kamusta na si Star? Bakit ba nilagnat?"
Nagkibit ng balikat si Lego.
"Bakit nasayo ang phone ni Michelle?"
I rolled my eyes. Sabi na magmumukha akong snatcher eh.
"Kasi ganito yun," Pinaliwanag ko sa kanya ang pinaliwanag ni Michelle sa akin habang nasa hallway kaming dalawa.
"Ahhh," Sabi lang nito.
"Anong ahhh? Ikakapanaw ko itong cellphone na ito. Kapag ako na-ice pick dahil dito, mumultuhin ko kayo." Nilagay ko sa back pack ang phone bago naglakad palayo kay Lego.

"May klase ka pa?"
Aba, himala at nagsasalita siya. Napahinto ako sa paglalakad.
"Wala pa. Makikiwi-fi lang ako sa library. Bakit?"
Kumunot ang noo nito. "Mayroon data ang phone na binigay ni Michelle." He pointed out.
"Isasauli ko nga yang phone na yan. Okay na ako sa phone ko." Nilabas ko ang phone kong may goma.
"Tago mo nga yan. Nasa Ateneo ka."
"Ano naman kung nasa Ateno ako? Gumagana pa ito." Binuksan ko ang camera na malabo at nagselfie sa harapan ni Lego na nakasimangot.
Grabe ang lalaki na ito, ang gwapo. May lahi kayang Korean sila Star or Chinese kaya?

"Tara, gusto kitang makausap." Yaya ni Lego at nilagpasan ako.
"Ano?" Sumunod naman akong maglakad sa kanya.
"Sabi mo makikinig ka di ba? O baka nakalimutan mo na?"
Wow, hindi ito ang ineexpect ko ah.
Sumabay akong maglakad kay Lego. Hindi naman siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa parking.
"Dito tayo mag-uusap? Sa parking?" Tanong ko sa kanya.
Binuksan niya ang kotse niya na mahal pa yata sa pangalawang buhay ko.
"Sakay," Sabi nito. Eh di sumakay... Jusme, bakit lagi kang galit?

Sobrang comfortable ng kotse na ito. Hindi nga nabibili ng pera ang happiness pero taena, mas masarap umiyak dito sa kotse kaysa sa tricycle.
"Huwag kang matutulog." Babala ni Lego pagpasok niya sa kotse.
Sayang naman ang tulog.
"Saan ba tayo pupunta? May klase ako ng alas dos."
"Saan may masarap na pagkain?" Tanong ni Lego ng magsimula ng umandar ang kotse niya.
"May masarap na siomai sa gilid ng kanto namin." Biro ko na ikinatalim ng mata ni Lego.
"Bahala ka na nga." I said at naupo na lang ng tahimik.
Napipikit ako, amputa...

"Magkwento ka Lego, inaantok ako sa sobrang tahimik."
Hindi naman siya nagsalita. Saan ba kami papunta at bakit nasa EDSA kami?
Mabuti at nag-ingay ang phone na binigay ni Michelle. Akala ko naman siya ang tumatawag dahil walang name na lumalabas kaya sinagot ko.
"Hello,"
"Hello?" Sabi ng babae sa kabilang line.
"Sino ka?" Tanong agad niya.
"Michelle?" Tanong ko naman. Si Michelle ba ito?
"Oh fuck, nagkabalikan kayo ni Teddy?" Sigaw ng babae sa kabilang line at napatingin ako sa phone.
Hindi pala si Michelle. "Pwede ba huwag kang sumigaw, hindi ako bingi." Sagot ko sa babae sa kabilang line.

Nawala si Ate Girl na kausap ko. Gaano karaming babae na tatawag dito? Taena Michelle, isasauli ko na lang nga sa iyo 'tong telepono.
"Sino si Teddy, ex mo?" Usisa naman ni Lego. Sa sobrang lakas ng boses ng babae narinig na nitong isa ang sinabi.
"Hindi ah. Iyon nga ang ex ni Michelle na owner dati ng phone na ito na binawi niya. Di ba pinaliwanag ko na sa iyo kanina?"
"Hindi ko inintindi lahat ng kinuwento mo about kay Michelle" Sagot ni Lego.
Ay, tinamaan ka ng magaling.
"Kasarap mo palang kausap, hindi ka nakikinig."

Wala man lang reaction si Lego. Gwapo ka lang eh, pero ang sama mong kausap. Siguro ang sarap mong kasama sa party. (in a sarcastic tone)

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon