Chapter 32- Live-in?

13.6K 439 39
                                    

Lego

"Tama na. Ginawa mong tubig yang brandy." Pinipigilan ako ni Kenshin sa pagtungga ng brandy na kinuha ko sa waiter.
"Tang-inang..." Ryker iyon. Kung makayapos ang putang-ina kay Rose.
"Napano yan?" Narinig ko ang boses ni Blaze.
"Kuya. Akala ko okay ka na?" Nag-aalalang tanong ni Star.
"Pagsabihan mo yang kaibigan mo Blaze. Putang-ina niya."
Natawa si Blaze. "Ahhhh... Sige iinom mo lang yang selos mo."
Biglang tumawa si Star. "Kuya, I can't believe this. You act like Kuya Chase and dad combined."
"Ano nakakatawa, Star?"
"You. Look at you... Hindi ka na bato." Sagot ni Star na ikinatawa ng mga kaibigan ko.
"Kami na ang mag-uuwi. Sige na Star." Taboy ni Ken sa kanya.

Inuwi ako ni Ken sa condo ko na lasing pero pag-alis naman nila para akong nagkape sa sobrang alert. Pagod ako at inaantok pero hindi ako makatulog.

Grrrr... Gaya ng dati kapag hindi ako makatulog, nagdrive ako na walang direction kung saan pupunta. I found myself na lang na nasa tapat ng apartment ni Rose. I know her address, Ken once told me.

Hindi yata gumagana ang isip ko. Bumaba ako ng kotse at kinatok ang pintuan ni Rose kahit madilim na sa loob.

"Sandali, ano ba?" Bulyaw ni Rose. Napalakas yata ang katok ko. Tinatamaan na ako ng antok kaya sumandal ako sa pintuan. Binuksan ni Rose ang pinto without asking who I was. Mag-uusap tayo bukas sa safety mo.

"Lego?"
"Hi Rose. Pwede bang pumasok?" Tanong ko. Nakakunot ang noo niya. Tangina, hindi pa pala ako nagpapalit ng damit.
Binuksan ni Rose ang pintuan at binuhay ang lahat ng ilaw. Akala ko brown-out dahil madilim mula sa labas.

Nahiga ako sa sofa, kalahati ko lang ang sofa niya. Alam kong nakatayo siya sa harapan ng sofa pero inaantok na talaga ako.
"Saan ka ba galing nyan?"
"Sa kasal. Nakita mo naman ako kanina, di ba? Hindi mo lang ako pinansin" I replied. Kasama mo nga yung gagong panay dikit mo.
"Bakit nandito ka?"
Magandang tanong yan.
"I don't know my way home so I went to you," I replied.

"Tawag ko na lang kapatid mo para masundo ka."
Iyana ng huwag mong gagawin. Hinablot ko ang kamay ni Rose para pigilang tumawag kay Star. Muntik na siyang mabuhal sa harapan ko kung hindi niya naitukod ang kamay niya sa pader.
"Huwag mong tawagan si Star."
"Sila Kenshin na lang kung ayaw mo sa kapatid mo." Walang gana ang boses niya.
"Don't..."
Dumeretso ng tayo si Rose at hinila ang kamay niya.
"I just want to talk to you."
"The last time we talked, it cost me my life." I replied She replied and the last words that I said to her keep repeating to my head.
"I know. I'm sorry, Rose." I murmured.
"Sige, magpahinga ka lang hanggang sa kaya mo ng umalis."
Tumalikod siya at pumasok sa kwarto niya. Iniwan niya ako na hindi kami nakapag-usap.

Nagising ako kinabukasan na medyo maliwanag na ang paligid.
"Pre, gising ka na pala."
Napaupo ako bigla ng makarinig ako ng boses ng lalaki. Si Ryker. Naka-shorts lang ito at walang damit.
"Gusto mong kape?" Tanong niya.
Ang ganda ng biro mo ah.

"Nasaan si Rose?" Tanong ko sa kanya.
"Pumasok na eh. Hindi ka na ginising." Sagot niya.
Putangina, seryoso ka? Nakahubad kang naglalakad sa harapan ko?
Nagpunta si Ryker sa kusina at kumuha ng kape.
"Bakit nandito ka?" May inis sa boses ko.
Nahinto sa pagsasalin ng kape si Ryker. "Nandito ako kagabi, hindi mo ako nakita?"
Nagpantig ang tenga ko at nagtangis ang bagang ko. Tumayo ako at hindi pinansin si Ryker.
"Teka hatid kita. Kuha lang ako ng damit."
Pumasok siya sa kwarto ni Rose... Hindi ko na hinintay si Ryker. Baka mapatay ko pa ang hayop na iyon.
Live in ba sila?

Tinawagan ko agad si Ken pagsakay ko sa kotse.
"Ang aga naman." Reklamo nito.
"Magkalive in si Ryker at Rose." Pinaghahampas ko ang manibela sa inis.
"Ano?"
"Magkalive in sila Ryker at Rose," I repeated thru gritted teeth.
Biglang tumawa si Kenshin. "Namo ka." Sabi nito.
"Ano nakakatawa? I went to her house last night. Sa sofa nga ako nakatulog. Paggising ko nandoon si Ryker na nakatopless pa ang tarandato."
"Hindi ako aware sa sinasabi mo." Sagot ni Kenshin.
"Umuwi ka nga. What are doing anyway to her house? We left you at your condo last night."
Huminga ako ng malalim. My knuckles turned white on my steering wheel.
"I wanted to talk to her." I reasoned out.
"I don't know how the fuck you drived last night. Hindi mo na nga maidilat ang mata mo kagabi. Umuwi kana bago ka pa mapahamak, Lego. Para kang tuta na nawawala sa katinuan." Pangaral ni Ken sa akin.
"What else should I do? Looks like I am already late." I said before I turn off the phone.

Instead na sa condo ako umuwi, sa Country Club ako dumeretso. Nananahimik akong mag-isa sa Club Zero ng dumating si Daddy at ang tropa niya.

"Masamang umiinom na mag-isa." Sabi ni Tito Marcus. They joined me without an invitation.
"Bakit mag-isa ka?" Dad asked.
"Nag-iisip lang." Maikling sagot ko.
"Babae yan." Tito Tristan pointed out.
"Marcelo ka ba, bata? Mukhang mabagal ka ah." Biro ni Tito Audi at nagtawanan sila.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha. Nilalasing ko ang sarili ko pero parang ang hina ng tama ng beer dito. Mapapadami ka ng order bago ka magkatama.

"Gayahin mo si Ayano, kidnappin mo." Tito Renz commented.
Natatawa si Tito Ayano na umiling.
"Hindi pwede. May sakit sa puso." Sagot ni Tito Kyle.
Napatingin ako sa kanya. Daming alam.
"Ahhh, eh dapat ingatan ang puso. Ligaw kolehiyala dapat." Payo ni daddy.
"Yan, turuan mo nga yang anak mo." Sabat ni Tito Neil.

"Ganito kasi yan Lego, may karibal ka ba?" Tanong ni daddy. Nakatingin sila ng taimtim sa akin. Dahan-dahan akong tumango.
"Para mapasagot mo ang babae, dapat binabakuran yan. Lalo na kapag may karibal." Simula ni daddy.

Okay lang sila? Naamoy nila ang chismis kahit saan. Daig pa sila Tita Diane.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon