Chapter 35- Thank You

13.9K 472 14
                                    

Rose

Hindi ko alam na kaya ko pa lang magsinungaling. Pero naman kasi, ikakamatay ko na kapag bumigay na naman ako tapos iiwan niya ulit ako. Hanggat maaga, ayaw ko na ng umasa. Masyadong mahal ang kapalit ng pagmamahal ko sa kanya. Laging buhay ko ang nakataya. Buhay na ipinaglaban ni nanay noon para madugtungan lang.

Napunta na ako sa Country Club ng mga ilang beses dahil kay Michelle. Usually, sa bahay nila Kuya Jaxx or Ate Margaux kami nagpupunta. I haven't been in this part of Country Club.

Dalawang bahay sa sobrang laki ang magkatabi sa dulong daan. Huminto si Lego sa tapat ng bahay at mabilis na bumaba. Binuksan niya ang pintuan ng kotse for me.
"You really don't have to." Masasanay lang ako sa ginagawa mo.
"But I want to." He replied.

"Hey, you're here." Sigaw ni Star sa may porch. Nagmamadali siyang bumaba at tumatakbong lumapit sa amin.
"Buti naman pumayag ka."
"Wala akong choice." Matabang na sagot ko. Your brother literally drag me palabas ng resto kanina.
"Halika, kumpleto ang family ko."
Nagpatangay ako kay Star papasok ng bahay nila. Nakasunod naman si Lego sa amin.

"Hey guys, Rose is here." Bungad ni Star sa pintuan.
Jusme namang pamilya ito, sino ang parents sa kanila?
"Hi," Bati ng isang lalaki sa akin. Napatulala ako.
"Siya ba si Kuya Chase mo?" Tanong ko kay Star. Lego snorted at my back.
Nagtawanan naman ang iba.
"Si Daddy ko yan. Daddy Cloud." Natatawang sagot ni Star.
Huwat?
"And that's my mom." Tinuro ni Star ang mommy niya na nag-aayos sa table.
"Ilang taon nag-asawa ang parents mo? Twelve?" Medyo nasa inbetween ako ng pagiging amaze at sarcastic.
"They are old... like... older than you." Sabat ni Lego na nasa likod ko pa rin.
Ano na namang issue mo?

"Here is Kuya Chase." Pinakilala ni Star ang isa nya pang Kuya.
Napatulala na naman ako. Wala bang pangit sa kanila? Pambihira, ang gwapo.
"And his WIFE Ate Summer." Pinakadiin ni Lego ang salitang WIFE. Natatawang nailing si Ate Summer.
"Si Ate Sky and her husband Kuya Juancho." Pagpapatuloy ni Star.
"Hello Rose," Bati naman ng Ate Sky niya sa akin.

"Siya pala si Rose." Sabi ni Kuya Juancho. "The healer." Dagdag pa nya.
"Yup, that's her." Sabat ni Lego.
"Anong healer?" Nagtatakang tanong ko.
"Mom, nandito na si Rose." Sigaw ni Lego. Hindi ako sinagot. Anong healer?
Natingin ang mommy nila and although she wore glasses she is damn beautiful.

"Hi," Bati niya sa akin. Lumapit siya at hindi ko ineexpect na yakapin ako.
"It's nice to finaly meet you."
Whoah!!!...
Kamukha siya ni Star sa malapitan.
"Call me Tita Yumi... or mommy." Sabi niya.
"Mom, hindi pa." Sagot ni Star na natatawa. Namula yata ako sa sinabi niya.
"Ay, hindi pa ba? Sorry. Tita Yumi muna pala. Halika, kain na tayo." Sabi nito. Hinila ako papunta sa dining area nila. Namumulala ako sa mga ganap dito sa bahay nila.

Nakakapanliit. Sobrang yaman pala talaga nila.

"Huwag kang mahihiya ha. Kain ka lang." Sabi pa ni Tita Yumi.
"Dito ka na sa tabi ni Lego." Sabi ng daddy niya na hindi pa rin ako naniniwalang daddy niya talaga.
Umupo na sila sa kanya, kanya nilang upuan. At napansin ko na ang babae ay nasa kaliwa ng partner nila. At nilagay ako sa kaliwa ni Lego...
"Stop thinking too much. Just enjoy the meal." Bulong ni Lego.

Pinuno ni Tita Yumi ang plato ko ng pasta.
"Mom, ano balak mo kay Rose? Parang pang three days ang nilagay mo sa plato." Saway ni Lego sa mommy niya.
"Ngayon ka lang daw kasi nagdala ng babae dito." Sabat ni Kuya Chase niya.
Nablush yata pati ang kaluluwa ko.
"Tigilan nyo nga. Rose, kain ka lang ha. Huwag kang mahihiya." Sabi ng mommy niya.

Hindi po ako nahihiya, nanliliit po ako.

After ng dinner, nagising daw ang tatlong pamangkin ni Star kaya nilaro muna namin.
"Ang cute nila." I commented.
"Magkakaroon ka rin." Nakangiting sagot ni Ate Summer.
Nalungkot ako.
"Baka po hindi." I replied.
Nawala ang ngiti niya and she look sad when she looked at me.
"Napalitan po kasi ang puso ko. Hindi po pinapayo ng doctor na magbuntis ako." I said.
Naitakip ni Star ang kamay sa bibig but her Ate just smile at me.

"Rose, the technology is modern now. Don't forget that you can use a surrogate mother and use an IVF if you really wanted to have a child of your own." She replied.
"It's too costly." I murmured.
Nangiti ulit si Ate Summer. "Kaya ni Lego yun." She replied then wink at me. Napanganga ako sa sinabi niya at ang pilya ng asul na mata niya.

"Star, kailangan ko ng umuwi. Paano ba makalabas dito?"
"Ipapahatid na kita." Sabi niya.
"Hindi na. Kaya kong magcommute." Pigil ko sa kanya.
"Hindi papayag si Kuya na magcommute ka. Nabihag mo ang pinakamakulit na Marcelo." Tumatawang sagot ni Star.
"Oo nga... Sobrang kulit nyang si Lego. Lumalabas na ulit ang pagkamakulit, salamat sa iyo." Sabi ng Ate Sky niya. "Ilang taon din kasing nawala. Akala namin hindi na babalik."
"Wala naman po akong ginawa." Nahihiyang sagot ko.
"Akala mo lang wala, pero meron..." Tumatawang sagot ni Ate Summer.

"Tita, Tito, uuwi na po ako. Salamat po sa dinner." Paalam ko sa magulang ni Star.
"Hatid ko lang daddy." Tumayo si Lego na agad kong pinigilan.
"Ay hindi na. Magco-commute na lang ako."
"Sino may sabing magco-commute ka? Hindi ka magco-commute, ihahatid kita." Sabi niya.
"Ang kulit mo." Nahahapong sagot ko.
"You don't have any idea kung gaano kakulit yan." Sagot ng mommy niya. She hugged me again.
"Thank you, Rose, for bringing back my son."

Wala naman akong ginawa. Why they are thanking me?

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon