Chapter 8- His Sleepless Night

11.6K 390 11
                                    

Rose

Madaling araw ng lumabas ako sa bahay nila Aling Susan para manguha ulit ng itlog sa pugad. Napansin ko si Lego na naglalakad pabalik sa sitio galing sa bukid. Suot niya pa ang damit mula kagabi ng magwalk-out siya sa bonfire.

"Lego," Tawag ko sa kanya sabay kaway para makita ako.
Tumingin siya sa akin. Nahinto sandali, marahil ay nagdadalawang isip kung lalapitan ko. I decided na ako na lang ang lumapit.
"Hindi ka pa ba natutulog?" Tanong ko sa kanya. Hawak ko ang flashlight na nakuha ko sa bag ni Michelle.
Malamlam na ang mga mata ni Lego at halata na rin ang eye bags.

"Bakit ikaw, gising ka pa?" Balik na tanong niya.
"Kagigising ko lang. Nangunguha na nga ako ng itlog. Kailangan mong matulog, Lego."
"Huwag mong sasabihin kay Star na nakita mo ako." Sabi nito at saka tumalikod.
"Hindi ko sasabihin kung kakausapin mo ako." Bigla na lang lumabas ang mga iyon sa bibig ko pero hindi ko na mabawi. Nahinto siya sa paghakbang palayo.

"Kailangan mo ng kausap, Lego. Kailangan mong ilabas lahat iyan."
"Ano ka Psychologist? Psychiatrist?" May talim lagi ang pananalita niya.
Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "Kaibigan na handang makinig."
"Kakilala lang kita Rose, hindi kita kaibigan."
"Eh di kakilala na handang making." Balik ko sa kanya.

Humarap si Lego na mukhang naiirita sa akin. Itutukan ko siya ng flashlight sa mata kaya napapikit ito at tinabingan ang mukha ng braso.
"Ano ba..." Naiinis na sabi niya.
"Makikinig ako. Pangako, hindi ako magsasalita. Hindi ko rin sasabihin kay Star ang nangyari sayo. Makikinig ako sa iyo, Lego."
"Huwag mong sasbaihin sa kapatid ko na nakita mo ako ngayong umaga." Sabi niya at tuluyan na akong iniwan.

"Eto na ang mga it..." Nahinto si ako sa may pintuan ng kusina ni Aling Susan ng makita ko si Sir Blaze. "Wow, ano ang nakain mo Sir?" Ang fresh talaga. Parang may pictorial lagi at may extrang bango.
"Baka makasunog na kayo ng tuluyan ng bahay kung hindi ko kayo tutulungan." Luh, chinachorot mo kami. May alam ka na ano?
"Ikaw din ang magluluto?" Tanong ni ko. Baka makalusot eh.
"I do believe na kaya nyo yan." Naningkit ang mata niya sa akin.
"I stand here today because someone believed in me and we owe it to our children to believe in them." Bet na bet ko talaga si Ateng Catriona.
"Rose,"
"Yes, Sir." Pinipigilan kong tumawa.
"Kahapon mo pa ako niloloko." Sabi ni Sir Blaze.
Nagtawanan kaming tatlo nila Star at Michelle. Hindi niya pa pala nahalata kahapon iyon. Jusme Sir, di ka updated sa Miss Universe.

"Kaya nyo na ba yan?" Tanong ni Sir.
Tumango kami. Palihim akong nag-observe kay Sir Blaze.
"Sure kayo?" Tanong niya ulit. Ay iba, may nalalaman na ito.
"Parang gusto mong magstay, Sir. Why ah?" Tanong ni Michelle. Oo nga Sir. Bakit?
"Okay, have a LOVELY day." Sabi ni Sir at nanlaki ang mata ni Star.
Confirm, may alam na nga si Sir. Paano niyang nalaman? Nahalata kaya?

"Bakit ang landi ni Sir?" Tanong ni Michelle pag-alis ni Sir Blaze na ikinatawa ko.
"Hindi kaya bading si Sir?" Biro ko sa kanila. Hinampas ako ni Star sa braso.
"Aray ko naman." Grabe sa reaction.
"I doubt. Hindi pogay si Sir." Sagot ni Michelle.
Hindi nga. Sarap lang asarin ni Star.

Gusto kong maglupasay sa tawa ng hilahin ni Lego si Star papunta sa tabi niya ng pauwi na kami. Katabi ko si Michelle sa upuan at tinitingnan namin si Sir Blaze.
"He is acting strangely." Bulong ni Michelle sa akin.
Strange is not the right word but jealous. Tiningnan ko si Lego at Star. Nakasandal ang ulo ni Star sa kapatid at nagpupumilit matulog.
"Do you think he has an idea?" Bulong pa ni Michelle.
"About what?" Singit ni Kenshin na nasa likod namin at dumukwang pa talaga.
"Jusme, wala." Mabilis na sagot ko.

"May gagawin kayo after nito? Nood tayong sine, samahan nyo kami." Tanong ni Kenshin.
"May pasok ako." I replied.
"Saan? Wala namang school ngayon." Giit niya.
"Jollibee. Si Michelle na lang ayain mo." Tinuro ko si Michelle na nakalingon kay Kenshin.
"Saang Jollibee?" Tanong ng kapatid niya.
"Along C5."
"Ahhh, sige tambay kami doon." Sabi nilang dalawa.
"Sama ako." Sabat naman ni Michelle.
Bahala kayo, basta ako matutulog.

Naalimpungatan ako ng gisingin ako ni Michelle.
"Manong, para na po." Sigaw ko sabay tayo kaya napahinto agad ang driver. Muntik na akong masubsob sa nasa unahan ko. Natingin lahat sa akin. Doon pa lang ako nagkamalay na wala pa pala kami sa Ateneo. Nasa Nlex pa pala kami.
"Ay, sorry. Nanaginip ako." Nahihiya akong umupo at nagtago sa likod ng bag ko.
Tawa ng tawa si Michelle at ang dalawang kumag sa likod ko.

"Bakit kasi ginising mo ako?" Naasar na tanong ko kay Michelle.
"Baka kasi gusto mong kumain. Hihinto daw sa gasoline station." Tumatawang paliwanag ni Michelle.
"Wag na. Mahal ang pagkain d'yan."
"Sus, libre ka namin. Napapasaya mo kami." Sagot ni Kenshin na nakadungaw sa upuan namin.
"Balakayo. Matutulog ako." Bumalik ako sa pagtulog at hinayaan sila sa balak nila.

Una, wala akong oras para kumain. Pangalawa, wala akong pera na pangkain. Tulog is life sa akin. Balakayojan.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon