Chapter 4- PGH Saga

13.4K 413 27
                                    

Rose

"Rose, nasaan ka na?" Tanong ni Star sa akin over the phone habang nakapila ako sa doctor ko sa PGH.
"Wait lang dadating din ako sa school."
Tiningnan ko ang wall clock. Kailangan ko ng gumawa ng paraan kung hindi malalate na ako sa excursion na iyan.
"Bilisan mo. Hindi ako sasama kapag hindi ka dumating."
Kasalanan ko pa kapag naunsyami yang love life mo.
"Oo na. Eto na malapit na ako Ma'am. Opo ma'am dadating po ako." Nilakasan ko ang boses ko para marinig ako ng mga nakapili.
"Ano ba yang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Star.
"Ma'am huwag nyo po akong ibagsak. Parang awa nyo na po, papasok po ako ngayon. Huwag nyo po akong ibagsak. Sayang ang scholarship ko, Ma'am." Nagdrama ako at kulang na lang ay mawalling.
"Hoy, okay ka lang Rose?" Tanong ni Star.

"Nene, mauna ka na sa pila kung may pasok ka pa." Sabi ng nasa unahan ko. Natingin ang susunod at ang susunod sa kanya at pinauna na nila ako para makapasok ako sa school at para HINDI NA AKO IBAGSAK ng prof ko.

"Naku, thank you po. Yung prof ko po kasi," Sinobrahan ko sa lungkot ang boses ko.
"Sige po Ma'am Marcelo, ako na po ang susunod sa pila. Opo Ma'am, aabot po ako sa quiz natin." Paalam ko kay Star.

Natingin sa akin ang gwapong doctor pagpasok ko sa clinic.
"Rose, hindi ba dapat last week ka pa nagpakita sa akin?" Tanong nito habang sinusuot ang stethoscope.
"Kasi doc," Huminga muna ako ng malalim. "Nagfull day ako sa work ko saka exam week sa school." Paliwanag ko. Pinakinggan ni Doc. Trevor ang puso ko. Bagong doctor lang siya dito. Pinalitan niya yung doctor na uugod-ugod na at malapit na ding mategi kung hindi pa magpapahinga.
"Bawal sa iyo ang sobrang pagod. Akala ko ba ay malinaw sa iyo yan." Pangaral ni Doc Trevor.
"Doc., kasi ganito yan. Kung hindi ako magtatrabaho, saan ako kukuha ang ipangkakain ko? Ulila na ako Doc." Paliwanag ko sa kanya.

Well that is partly true. Ulila ako sa ina, ang tatay ko, ayaw nya akong makita. Last straw na nga ang pagtulong nya sa akin na mabuhay. Nagmakaawa talaga si nanay noon para lang makahanap ng donor sa puso ko. Nangblackmail pa si nanay para lang tulungan kami ng magaling kong ama na mabuhay pa ako. Kung bakit ba kasi mambabae siya at ng nabuo ako ay kinakahiya niyang nakabuntis siya ng isang mahirap. Katulong si nanay dati sa mansion ng tatay ko. Di ba, pang MMK ang story?! Tapos heto ako ngayon, naiwang mag-isa sa hirap ng buhay habang ang tunay na pamilya ng tatay ko ay nasa Forbes nakatira. Laking kahihiyan nga naman ng mabuo ako. Sabi ni nanay, maswerte pa daw kami at pinalayas lang siya sa mansion. Kung ibang tao daw yun pinapatay pa daw kami.

Napabuntong hininga si Doc. Trevor habang pinapakinggan ang puso ko.

"Mabuti at bata pa ang donor mo. Kung hindi ay hindi mo kakayanin. Maghinay-hinay ka Rose. Hindi madali ang humanap ng donor sa ngayon." Hindi pa tapos mangaral si Doc. Grabeng pangsasabon naman ito.
"At dahil late ka ng 1 week sa check-up, hindi ka rin uminom ng gamot for a week, am I right?"

Uh-oh. Dahan-dahan akong tumango.
"I will give you meds for 2 months. Pero bumalik ka sa akin next week ha!" Banta ni Doc sa akin.
"Thank you po."
"Rose, bawasan mo ang trabaho. Kailangan mo ng pahinga."
Marahan akong tumango at kinuha ang reseta na kabisado ko na ang nakalagay.

Another pila na naman at kinailangan ko na namang magdrama para makasingit na ako. Hindi natuwa ang masungit na pharmacist sa ginawa kong drama.

"Bakit ang dami mong kailangan?" Masungit na tanong nito.
"Iyan ho ang inireseta." Sagot ko.
Binilang ko ang gamot pagkatapos niyang padabog na ibigay sa akin. Mayroon na siyang kinakausap na ibang pasyente ng sumingit ako.
"Kulang ng tig-isang banig ang binigay mo." Sabi ko sa Pharmacist.
"Hindi lang ikaw ang may sakit." Katwiran niya.
"At tax ng taong bayan ang pinapasweldo sa iyo, Ma'am. Huwag mo na akong dayaain sa gamot. Gusto ko pang mabuhay at huwag moa kong unti-untiing patayin."
"Next," Sigaw niya at hindi ako pinansin.

Talagang ginagalit ako ng mahaderang frog na ito. Kinuha ko ang cellphone ko at kahit medyo malabo ang camera nito ay kinuhanan ko siya ng picture, pati reseta at mga gamot na kulang ang bilang. Nanlilisik ang mata ng pharmacist ng makita ako. Lumayo ako ng kaunti ay nagvideo ako ng sarili. Ginaya ko ang mga vlogger kuno na taga Ateneo.

"Heto na nga mga kabababayan, binigyan ako ng reseta ni Doc. Trevor at kulang ang binigay ng Pharmacist sa akin na gamot. Ganito po ang kalakaran sa PGH kapag hindi professional ang mga nakapwesto. May sakit ako sa puso at gusto ni Ateng Pharmacist na huwag akong uminom ng gamot ng dalawang linggo..."
"Hoy," Sigaw ng Pharmacist sa akin.
"Ayan, siya pa ang galit sa ginawa niya. Na parang ang mahirap ay kailangang magmakaawa pa para mabuhay. Nasaan ang hustisya?" Pagpapatuloy ko sa video.
"Eto na ang gamot mo. Nakakaistorbo ka dito." Sigaw ng Pharmacist sa akin. Hinayaan ko lang nakabukas ang video habang binilang ko ulit ang gamot. Ayan, sakto na sa bilang.

"Salamat Ateng. Sa susunod, mag-aral kang magbilang." Umalis ako na may ngiti sa labi at ngitngit sa kalooban. Irereport kita sa 8888 ka babaeng palaka.

Hinihingal akong naglakad papunta sa meeting place sa Ateneo. Ako na lang yata ang hinihintay.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Star.
"Mahabang story." Sabi ko sa kanya.
Ramdam ko ang kilig ni beshie ng ang natitirang upuan ay ang katapat ni Sir Blaze. Nauna akong umupo sa tabi ng bintana para naman magkatabi sila kahit may pagitan na aisle. Pagdaiti pa lang ng likod ko sa upuan, nakatulog na agad ako. Bahala ka na muna sa life mo beshie, tulugan ko muna ang life ko.

Ginising ako ni Star ng humito ang van na sinasakyan namin. Sarap mag-inat, at ang sama ng tingin ni Lego sa akin. Problema mo sa pag-iinat ko?

"This is my life now. I have walked this wilderness and now I will die upon it." Natawa kami ni Star kay Michelle. Ang classmate namin sa ibang subject na sobrang arte. Naloka ako sa dinalang katulong kanina. Feeling niya magpapanjama party lang kami.

"Shut up. We've only been walking for twenty minutes." Sagot ni Sir Blaze sa kanya.
"It feels like an eternity." Sagot ni Michelle. "And there is no gentleman in here." Parinig niya.

Natingin ang F3 sa kanya plus si macho gwapitong teacher.

"You, women, are asking for equality yet you're crying when no one helps you with your shit." Sagot ni Lego. Hala, saan na naman galing ang hugot nito? Napakabitter na tao nito. Hindi lang halata at cute siya eh.
"Hey, I am not one of those women crying for gender equality. I need help." Sabi ni Michelle na magkanda kuba na sa dalang malaking maleta.
"No one will help you. Move along." Taboy ni Sir Blaze sa amin.

Nagtaka ako ng huminto si Star at tinulungan si Michelle na magbuhay. Tiningnan ko sila kung hanggang saan ang itatagal nila. Napatingin ako sa langit at tinawag ang mga anghel ko na tulungan ang puso ko na tumulong sa iba. Nilapitan ko silang dalawa at tinulungang buhatin ang buong bahay yata ni Michelle na dala.

Habang hirap na hirap kami, si Sir Blaze naman ay panay ang sermon. Daig pa ang teacher ko sa Home Econimics dati na sobrang daing sa buhay. Nakausap naman kami ng ilang metro ng mainip si Sir Blaze at literal na hinawi kaming tatlo. Kinuha niya ang maleta at naunang naglakad sa amin. Wow, show off din ng muscles ang isa na ito. Natulala tuloy si Star.

"Thank you." Michelle murmured. "Nakakahiya, I don't know your names."
"I'm Rose and this is Star." Pagpapakilala ko sa amin.
"Ano ba laman ng luggage mo?" Usisa ko. Mukhang marmol sa bigat.
Bumuntong hininga si Michelle. "Actually, mga damit at shoes. I was thinking to give them to some teens in here." She murmured. Nagkatinginan kami ni Star.

Hindi pala lahat ng mayaman ay matapobre. May kawang gawa din pala silang nalalaman.

Hindi kasi lahat ng mayaman ay kagaya ng tatay mo Rose. Bulong ng utak ko.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon