Chapter 24- Broken Hearts

12K 376 25
                                    

Rose

So this is what broken hearted feels like. Kaya pala ang iyak ni Star kanina ay ganoon na lang. Para akong sinaksak ng isang libong karayom sa puso ko.

"Rose,"
Hilam ang mukha kong luminga sa pinanggalingan ng tinig.
"I'm sorry, nadadamay ka." Ang sabi ni Mrs. Martinez.
"Galit pa rin si Lego sa amin lalo na kay Kyla." Niyakap ako ng mommy ni Kyla.
"Hindi ko siya masisisi, Rose. Kyla did this to him and we are paying the price." Tinuyo ni Mrs. Martinez ang mga luha ko.

"Aalis na po ako, Mrs. Martinez. Hindi ko po gusto na masira ang araw ninyo." Paalam ko sa kanya. Malungkot siyang tumingin sa akin at itinapat ang kamay sa puso ng anak.
"Kung ano man ang kailangan mo, Rose. Lumapit ka sa amin. Nakikita kong pinabayaan ka ng dapat na nag-aaruga sa iyo."
Lalong tumulo ang luha ko. "Hindi ko po gustong guluhin ang celebration ninyo. Hindi ko po alam na nandito sila..." Hindi ko magawang banggitin ang salitang tatay.

"You have my number, right? I will keep in touch, Rose. Take care of yourself." Hinalikan pa ako sa noo ni Mrs. Martinez bago ako lumakap palayo sa kanya.

Naiintindihan ko si Lego na galit siya. Baka sa susunod, baka bukas, pwede na niya akong pakinggan.

Nanghihina ako ng makarating ako sa bahay, kahit hindi ko gustong umiyak, kusang tumulo ang mga luha ko.

"Nanay," Bulong ko sa kawalan.
"Kaya ko pa ba?"

Kinuha ko ang phone ko na bigay ni Michelle at pinakatitigan ang number ni Lego. Tatawagan ko ba siya? Nagtatalo ang isip ko kung ano ang gagawin. In the end si Michelle ang tinawagan ko.

"Mitch,"
"Hey, wala kang pasok?" Tanong niya.
Hindi ako kumibo at umiyak ng tahimik.
"Rose, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Michelle.
"Okay lang. Kamusta si Star?"
"Umuwi na. Kita na lang daw tayo bukas sa campus. Ano problema, Rose?" Tanong ni Michelle.
"Mitch," Iyak ako ng iyak at hinayaan ako ni Michelle.
"Gusto mong puntahan kita? Baka makasama sa'yo Rose. Wala kang kasama. Yang puso mo." Paalala niya sa ugat ng problema ko.

"I found out earlier na si Kyla Martinez ang donor ko."
Napasinghap si Michelle.
"Kapatid ko si Noah na kasama ni Kyla na naaksidente. And Lego was there sa restaurant when I met Kyla's family."
Hindi siya nakakibo.
"Mitch, ang sakit. I told him I love him but he laughed at my face."
"Rose, susunduin kita. Hindi ka pwedeng mag-isa, please. Saan kita susunduin? On the way na ako." Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan ni Michelle. Narinig ko din ang pagtakbo niya pababa ng hagdanan.

"I'll fetch my friend." Sigaw ni Michelle sa kung sino man ng kausap sa bahay nila.

"Now, saan kita susunduin?" Tanong ni Michelle. Narinig ko na ang start ng engine ng kotse niya.
"Sa may Marikina. Sa SM Marikina na lang tayo magkita, Mitch." Bulong ko.
"Okay, hang on Rose." Sabi ni Michelle.

Kalmado na ako ng magkita kami ni Michelle.

"Sorry, naabala ka pa." I told her ng nasa daan na kami.
"It's fine. You got us, Rose." She replied habang nagmamaneho.

Pinakiusapan ko si Michelle na huwag munang sabihin kay Star ang sitwasyon ko. May problema din ang isang iyon at ayaw kong makadagdag pa. Kinabukasan, nashock kami ng pumasok si Star na parang ibang tao. Ang ikli ng suot at ang taas ng heels.

Nalaglag ang panga ni Sir Blaze, kahit papano, napatawa ako.

"Sorry, I'm late. Traffic eh." Bungad ni Star. Nag fist bump sila ni Mitch habang sinusundan siya ng tingin ni Sir Blaze.

"Nice," Bulong ko kay Star pag-upo niya sa tabi ko.
Nakatingin ang buong klase kay Star.
"Hindi ba ikaw si Sexylove?" Tanong ng isang classmate ko.
Star shrugged her shoulder.
"Hala si Sir, natulaley." Tukso ng ilan kay Sir Blaze.

'Tong lokong si Michelle, nagmessage sa akin pagkatalikod ni Sir.

Nalaglag ang panga ni Sir. Baka maapakan nyo ah.
-Michelle.

Pinigilan kong tumawa at itinago ang phone sa bag. Okay na eh, medyo masaya na kami ng kumatok si Ms. Rodriguez. Nagkaroon tuloy ng current sa hangin.

"Sir Blaze, pinapatawag ng dean si Michelle Salvacion, Rose Licerio and Star Marcelo." Nakangiti pang sabi nito. Tumayo kaming tatlo.
"Regarding what?" Tanong ni Sir Blaze. Star rolled her eyes.
"Oh, just their transferee of class." Sagot ni Ms. Rodriguez.
Taas noong naglakad si Star papunta sa harapan ng klase. Hindi pinapansin si Sir Blaze at deretso ang tingin niya ay Ms. Rodriguez na nawala ang ngiti ng makita si Star.
"Why, Ms. Rodriguez. Aren't you happy to see me?" Sarcastic na tanong ni Star at nilagpasan si Ms. Rodriguez.

"Taray ni bakla." Natatawang bulong ni Michelle sa akin.

Paglabas naming tatlo, hindi pa naisasara ang pintuan ng dumaan sila Kenshin, Raiden at Lego. Bigla akong napahinto sa kinatatayuan ko. Hindi niya ako pinansin.
"Huwow, Star. Pwede ka na naming isama sa mall niyan. Nasaa ang beanie mo?" Biro ni Kenshin.
"Get lost." Sagot ni Lego. Hindi ko alam kung para sa akin iyon. Inakbayan niya si Star at lumingon sa nakabukas na pintuan ng classroom namin.

Nakasunod sa amin si Ms. Rodriguez.
"Follow me," Sabi nito sa amin.
"We know our way, thank you very much." Sagot ni Michelle sa kanya.
Napahinto si Ms. Rodriguez at tinitigan kami.
"Message ko nalang kayo mamaya. Sunod ako." Star told her brother.
Hindi kumibo si Lego. He then turn his eyes on me. And the looks that he gave me made me chill.
Kenshin chuckled. "Nakakahiya ang kotse mo. Sumabay ka na lang sa amin." Sabi niya kay Star.
"I am with my Porsche." Sagot ni Star sa kanya.
"Yunnn..." sabi ng dalawang hapon. Tumango si Lego kay Star without saying a word to me.

Nadudurog ang puso ko. Sabi nga ni Star, which part will I follow? Aling parte ng basag kong puso ang susundin ko?

As I watched him go, I know his heart turned into stone and whose name carved in stone is hard to erase. With that, I heard a silent cry of my heart.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon