Chapter 31- The Process of Letting Go

13.8K 468 44
                                    

Rose

Holy fucking shit...

"Okay ka lang?" Tanong ni Ryker sa akin ng makabalik kami sa table.
"Nakita ko siyang naghihintay sa iyo and I thought why not save you."
"Thanks," I murmured.
Inabutan ako ng tubig ni Ryker.
"Akala ko hindi siya pupunta."

"Siya pala ang iniyakan mo." Tukso ni Ryker.
"At muntik ng ikamatay, yes."
"Gusto mo bang kausapin? Mukhang gusto kang kausapin eh."
Umiling ako. "I can't. Baka tumakas na lang ako dito. Tapos na ba ang program?" Magmumukha lang akong tanga na kausap si Lego.
"Kumain ka muna. Promise, samahan kita para hindi ka niya macorner."
"Okay. Sige, huwag kang aalis sa tabi ko." I pleaded.
"Clingy ka." Biro ni Ryker sa akin.

Para akong sinisilihan. Jusme, pinagpapawisan ako kahit malamig ang hangin.
"Natatae ka ba?" Bulong ni Ryker sa akin. Naupo lang kami sa table habang sumasayaw sila Star at iba pang bisita.
"Huwag kang magulo." Hinampas ko siya sa braso. Tawa siya ng tawa.
"Kasi," Hindi maituloy ni Ryk ang sasabihin sa kakatawa. "Ngayon ka lang nawalan ng hirit, Rose. Naamaze ako kung paano ka natatahimik ngayon."
"Maamaze ka na lang ng hindi tumatawa." I hissed at him na lalo niyang ikinatawa.
"Hindi pwede." Sagot nito kaya siniko ko.
Nadukmo na si Ryker sa likod ko.

"Gusto ko ng umuwi." Yaya ko kay Ryker.
"Sige, paalam na tayo. Ang cheesy nila, nauumay na ako, tangina." Sabi niya. Tumayo si Ryker at inalalayan akong tumayo. Jusme, Rose, huwag kang lilingon. Taina ka, tatagan mo yang leeg mo. Huwag kang lilingon.

"Pre, uwi na kami." Paalam ni Ryker ng makalapit kami sa grupo ng friends namin.
"Aga naman." Angal ni Brix.
"Naglalambing na si Bebe." Biro ni Ryker.
"Malambing ka pala, Bebe Rosie." Biro sa akin ni Kenshin.
Biglang nanayo ang balahibo ko sa batok.
Fuck, Lego is near.

"Masakit na ang paa ko." Hahaha, taena, para nga akong natatae kung ngumiti. Hindi ako lumilingon pero nakikita ko ang palitan ng tingin ni Star at Michelle. Nasa likod nga si Lego.
"See you soon, Rose." Yumakap sa akin si Michelle. Sumunod si Star.
"Congrats ulit sa inyo." I told Brix.

"Pano mga pre, iuuwi ko muna ang date ko." Nakipagfist bump pa si Ryker bago umalis.

"Bakit ba taw aka ng tawa?" Naiinis na tanong ko sa kanya ng makalabas kami ng venue.
"Wala. Basta." Sabi nito.

Hinatid ako ni Ryker sa tinutuluyan kong apartment. Umalis na ako sa Marikina ng makapagtrabaho ako. Habang nag-aaral ako to be a Clinical Psychologist, nagtatrabaho naman ako sa company nila Michelle as an HR officer. Malapit na akong matapos sa pag-aaral, sa ngayon, OJT ako sa hospital habang nagtatrabaho.

Balisang-balisa ako habang paikot-ikot sa maliit kong apartment.
"Waahhhh..." Sigaw ko sa unan habang nanonood ng TV na hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Diyos ko, nandoon si Lego. Tapos ang lecheng panahon pa naman ngayon ang kulimlim. Nagcollab ang panahon at kalungkutan, taena. Magaling din si Mother Nature manuya.

Hindi ko maintindihan ang pinapanood ko. Grrrr... Pinatay ko ang TV at binuksan na lang ang radio. Makinig na lang ako sa madaldal na DJ.

Kung di rin tayo sa huli...

"Putangina, pati radio nakiayon." Pinaghahampas ko ang radio kahit pa pinapatugtog ang kanta na ginawa namin nila Sir Blaze. Ayaw niyang mamatay... naiinis akong hinila ang plug mula sa outlet.

Hinga Rose... Humngi ka lang ng malalim. Kalma, ganyan nga.

Nagsindi ako ng isang lavender na candle galing kay Michelle. Damihan ko kaya para kumalma ako? Mga lima? Parang brown-out sa bahay ko dahil sa mga kandila na nakabukas.

Sininghot ko na lahat ng amoy ng kandila, ligalig pa rin ako. Hindi na nga ako nakakain ng hapunan ligalig pa rin ako. Naubos ko na ang kandila, wala pa rin epekto.

Bandang alas dies ng gabi ng may kumatok sa pintuan ko.

"Sandali, ano ba?" Bulyaw ko sa kung sino man ang kumakatok na pagkalakas-lakas.
Binuksan ko ng kaunti ang pintuan para silipin kung sino ang walang hiyang umistorbo sa meditation ko.

Pagsilip ko, nakahawak si Lego sa threshold ng pintuan. Nakasandal ang ulo sa gilid at nakapikit.
"Lego?"
"Hi Rose. Pwede bang pumasok?" Tanong nito. Amoy alak ang damoho.
Kahit naguguluhan kung bakit nandito siya, niluwagan ko ang pintuan. Pumasok si Lego sa sala ko at parang nasakop niya na ang lahat ng space. Wala na ang jacket niya at necktie. Natira na lang ang polo na natanggal na sa tuck in at ang slacks.

Nahiga si Lego sa sofa sabay pikit. Nakatayo ako harapan ng sofa at nakapamewang.
"Saan ka ba galing nyan?"
"Sa kasal. Nakita mo naman ako kanina, di ba? Hindi mo lang ako pinansin" Sagot niya. Lasing ang isa na ito.
"Bakit nandito ka?"
"I don't know my way home so I went to you." He replied habang nakapikit.
Eh paano niyang nalaman ang bahay ko?

"Tawag ko na lang kapatid mo para masundo ka."
Biglang hinablot ni Lego ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Putaragis, muntik ko na siyang madaganan kong hindi ako napatukod sa pader.
"Huwag mong tawagan si Star." Sabi niya.
"Sila Kenshin na lang kung ayaw mo sa kapatid mo."
"Don't..." He open his eyes and look at me. Naiilang akong tumayo ang deretso at hinila ang kamay ko na hawak niya.
"I just want to talk to you." He said.
"The last time we talked, it cost me my life," I replied and why I saw the pain in his eyes.
"I know. I'm sorry, Rose." He murmured.
"Sige, magpahinga ka lang hanggang sa kaya mo ng umalis."
Tumalikod ako at pumasok sa kwarto ko. Sumandal ako sa pintuan at pilit pinipigilan ang mga luha na ewan ko ba kung bakit gustong kumawala.

I can't love a cheating heart.

"Well Kyla, can you please stop beating for him? You had your chance and you ruined it. Give me a chance to move on." I whispered to my heart.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon