Chapter 33- The Third Wheel

13.4K 438 23
                                    

Rose

"Ryk, nailock mo ba ang bahay ko?"
Tatawa-tawa si Ryker ng tumawag sa akin. Hanggang ngayon tumatawa sila.
"Oo." He replied.
I smile at my colleagues and proceed to our common room sa hospital.
"Yung kwarto ko nilock mo? Nahanap mo ba ang pinabili mo sa akin?"
"Oo."
"Si Lego?" Hindi ko maiwasang itanong.
"Umuwi na. Nilagay ko ang susi ng bahay mo sa taguan mo."
"Okay sige. Thank you."
Tawa pa rin ng tawa si Ryker.
"Bakit ba ang saya mo?" Hindi ko napigilan ang inis.
"Wala. Sige Rosie, malalate na ako sa date ko."
"Ang aga ng date mo, taena." Biro ko sa kanya.
"Ganun talaga para makarami. Bye Rosie. Ingat ka." Biro ni Ryker.
Baliw kausap.

Hindi maalis sa isip ko kung bakit nandoon si Lego sa bahay kagabi. Tulog na tulog pa kanina ng umalis ako. Ang sakit niyang tingnan. Alam mo yun, gusto ko siyang kausapin pero mas natatakot ako sa magiging kapalit. Ang mahal kasi ng singil ng pagmamahal niya.

Kinagabihan, kausap ko si Star at pinag-uusapan namin si Ms. Rodriguez. Nasa bahay lang ako at nakapatay na lahat ng ilaw.
"So I therefore conclude na all this time for the past three years, nakamonitor si Ms. Rodriguez?" Hindi ako makapaniwala sa kinuwento ni Star.
"Nashock din ako noong nalaman ko, but yes, nakamonitor siya ng mga bored na relatives and friends namin." Sagot ni Star. Magkavideo call kami at hindi na namin inistorbo si Michelle. Nasa honeymoon pa ang bakla.
"Grabe, so ano ang chicka sa kanya?" Tanong ko kay Star.
"They are baiting her to send a resume sa company namin." Pagkukwento ni Star.
Parang medyo mali iyon. Bakit ba niya kailangan sa company ang linta?
"For what?"
"My Ate wanted me to turn her down, personally." Sagot ni Star. "Siya din ang nagsulsol na makick out si Kuya Lego so I can't actually dictate my Ate not to be angry with her, you know."
"Katakot si Ate mo."
"Speaking of that, they are inviting you nga pala. I haven't introduced you to them properly. Makikita mon a din si Kuya Chase at ang parents ko." Sabi niya.
At si Lego...
"Sige na, saka yung mga pamangkin kong mga cute para makita mo. Singkit na blue eyes, kainggit."

Sa office naman nila Mitch ang pasok ko kinabukasan. Antok na antok ako at naghihigab pa ng maupo ako sa table ko.

"Ganda, may nagpapabigay sa'yo." Nakangiting binigay sa akin ang bouqet ng roses ng isa sa mga kasamahan ko.
"Kanino galing?"
"Malay ko. Ikaw na ang may admirer." Tukso niya.
Naghanap naman ako ng card, wala namang nakalagay. Agaw eksena ang bulaklak na ito. Maganda pa sa akin ang flower arrangement.

Bandang 4:45pm ng tumawag si Ryker sa akin.
"Rose, sabay kana sa akin? Nasa building din naman ako ng office nyo." Sabi nito.
"Sayo ba galing yung flowers?"
"Anong flowers? Tanga, feeling mo type kita." Tinawanan ako ng gago.
"Gago ka naman. Nagtatanong lang ako eh." Sira-ulo 'to ah.
"Hintayin kita sa reception area. Bilisan mo. Nagugutom na ako."
"Maghintay ka lang. Huwag ka ng maglandi sa receptionist pwede ba?"
Tumawa lang ang sira-ulo.

Naabutan ko si Ryker sa reception area na sobrang makasmile.
"Rosie babe..." Nungad niya na ikinalaki ng mata ko.
"Nagugutom na ako. Tara na." Inakbayan ako ni Ryker at pasimpleng itinulak palabas ng building.
"Para kang abnormal Ryker. Ano nakain mo bakit ang sigla mo? Panay ka tawa. Hibang ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, nag-eenjoy lang ako. Sakay na." Pinagbuksan pa ako ng pintuan.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Anong kalokohan yang ginagawa mo? Hindi ka naman ganyan sa akin."
Ngumisi siya. "Masama bang pagbuksan kita ng pintuan?" Tanong pa nito.

Parang hinahabol ng demonyo si Ryker kung magmaneho. Napapansin ko siyang nakatingin sa rear mirror tapos biglang magcucut sa mga kotse.
"Ano ba, ayusin mo yang pagmamaneho mo." Bulyaw ko sa kanya.
Alam mo yung itsura ng bully na bata kapag nakakita ng ibu-bully? Jusme, ganun ang mukha ni Ryker ngayon.

"Kamusta date mo?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na kami sa table sa resto na pinuntahan niya.
"Churarot, men." He replied at saka tumawa.
"Niyaya kong magswimming. Syempre yung make humulas. Lumabas ang tunay na itsura."
Hindi ko gustong tumawa pero natawa ako.
"May sa mangkukulam yata ang babaeng iyon. Rose, ibang-iba talaga kapag nakamake-up eh." Kwento ni Ryker.
"Buti tangina, wala si Brix. Kundi inulan ako ng kanchaw ng gago. Huwag mong ikukwento ah." Banta niya pa sa akin.

"Mind if I join you?"
Muntik ng mabali ang leeg ko ng marinig ko ang boses ni Lego sa tabi ng table namin. Hindi niya kami hinintay na sumagot. Umupo si Lego sa tabi ko at kinuha ang menu.
"Have you receive the flowers?" Tanong niya.
"What are you doing?" Naguguluhang tanong ko.
Nakamulala si Ryker kay Lego. Hindi ko alam kung natatawa si Ryker o constipated.
"Looking at the menu at the moment. Nakaorder na kayo?" Seryosong tanong niya.
"Huwag kang nagpapagutom, Rose. Order what you want."

Napanganga ako. Unbelievable...

"So, have you receive the flowers?" Tanong niya ulit.
Natatawa si Ryker na nagtago sa likod ng menu.
"Anong pauso ito, Lego?" Tigilan mo ako.
"I rearrange my priorities, Rose. Masanay ka na." Sabi niya. "Waiter." Sabay kaway sa lecheng waiter.
"At hindi ako natuwa sa joke nyo kahapon, FYI." He said at tinitigan si Ryker na tawa ng tawa.

Anong joke? Ano ang nangyayari?

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon