Chapter 6- Broken Lego

12.6K 384 23
                                    

Rose

Natatawa ako kay Star habang nangingisay si Michelle sa tuwa ng mapagtanto nito na si Star si Sexylove na pinapahanap nila sa private investigator. Hiyang-hiya si Star at namumula.

"Sir Blaze will be very please to see you." Pumapalakpak pa si Michelle sa galak. Ang kengkoy niya nakakatawa.
"Shhh..." Tinakpan ni Star ng kamay ang bibig ni Michelle.
"He doesn't have to know." She whispered to Michelle.
"Why not?" Nagtatakang tanong ni Michelle.

"Because..." Star looked at me and pleaded for help.
"Because she wanted Sir Blaze to see her beyond her Sexylove persona," I explained which I found amusing and waste of time. Pero ano ba anamn ang magagawa ko? Decision ni Star yun. She has a reason so I respect her decision.
"I get it." Huminga ng malalim si Michelle. "Gosh, ang shunga ni Sir Blaze."
Natawa ako. Hindi naman. Nalilito lang.
"Believe me, I can't blame him. Kung ako nga na bestfriend hindi ko siya namukhaan, paano pa si Sir na madalang siyang makita." I told Michelle.
"Waahhhh... I can't wait to see his face when he finds out." Yumakap sa akin si Michelle at muntik na kaming matumba na dalawa.
"Secret lang natin 'to ah?" Kinakabahang tanong ko.
"Geez, sureness friends." Sagot ni Michelle.

Jusme, friends na agad. Kakayanin ko ba ang energy ni Michelle?

Iniwan ko si Star at Michelle sa bahay na tinutuluyan namin para humanap ng itlog sa kulungan ng manok. Madilim pa ang paligid at halos tulog pa ang mga taga Ateneo. Tangining gising na nakita ko ay si Lego na nakatanaw na naman sa malayo.

Ano kayang drama nito? Bakit parang galit sa mundo? Parang ang lungkot niya?

"Di ka natulog?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung narinig niya ako ng lapitan ko siya. Hindi naman kasi siya kumibo.
"Ang sarap pa namang matulog dito. Presko, tahimik..."
"Yung nga ang nakakatakot eh," Sagot agad ni Lego. "Yung sobrang tahimik."

"Sinisi mo ba ang sarili mo after ng nangyari sa nanay mo?" Tanong ni Lego.
Naupo ako sa bato na inupuan ko kagabi at tumanaw din sa kawalan.
"Maraming beses," Sagot ko.
"Dumating pa ako sa punto ng buhay ko na parang ayaw ko na." Naiiling akong yumuko.
"Noong unang mga buwan, napapanaginipan ko ang mga nangyari. Paulit-ulit hanggang sa ayaw ko ng matulog. Ayaw kong makita ang nangyari at magising na sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni nanay."

"What change? How can you sleep like a log when your back hit a flat surface?" Nagtatakang tanong niya na ikinatawa ko ng kaunti.
"I forgive myself because that's what my nanay wanted me to do."
"How can you be so sure that she is not blaming you for what happened?" May kaunting galit sa boses ni Lego.
"Because I choose to believe in that way."

Tumayo na ako at iniwan si Lego kahit gusto ko pa siyang kausapin. He has an emotional baggage that is eating him up. Ano kaya ang nangyari sa kanya?

Nagpasintabi muna ako sa mga manaok bago ko kuhanin ang mga itlog nila. Tinuka pa ako ng isa dahil inistorbo ko sa pugad.

"Uy Sir," Batik o kay Sir Blaze na looking fresh kahit kagigising. Hanep.
"Kuha ka ng kuha ng itlog, nagpaalam ka ba?"
"Actually Sir, hindi." Natatawang sagot ko.
Nailing si Sir at sumabay sa akin pabalik sa kubo nila Aling Susan.

"Oh my God!" Michelle exclaimed habang nauubo.
Ano ang drama ng dalawa sa kusina?
"Ano ang nangyari sa inyong dalawa?" Tumatawang tanong ko. Puro uling ang mukha nila, jusme.
"We don't know how to use this thing." Tinuro ni Michelle ang kalan na nagsabog pa ang abo.
Parang naidukdok ang dalawa sa abo. Ang dami nilang abo sa mukha at buhok.
"Nilalagyan kasi ng gaas yan para umapoy." Sabi ni Sir. Tinuro niya ang bote ng gaas sa ilalim ng kalan.
Aba, si Sir, marunong sa buhay? Akala ko anak mayaman ang isang ito.

Pinanood ko sila kung ano ang gagawin. Natawa ako ng sinindihan muna ni Michelle ang posporo bago nilagyan ng gaas ni Star ang kalan. Haay, mali mga nene. Dapat gaas muna bago nyo sindihan.

"Oh God, there's a fire!" Sigaw ni Michelle ng lumaki ang apoy. Nataranta kami dahil malapit ng abutin ang pawid ni Aling Susan. Nagmamadali si Sir Blaze na binuhusan ng tubig ang kalan. Yung dapat na ipapainit naming tubig, naibuhos sa apoy. Nagpigil ako ng tawa habang maluha-luha na si Michelle at si Star naman ay namutla yata.

Welcome, sa buhay mahirap. You're welcome mga friends.

"Good morning, farmers." Bati ng mga timang kong kasama. Sige, iparada nyo sa bukid ang Gucci na sneakers.

"Hey, get off..." Sigaw ni Sir Blaze. Natingin kami sa kanya at binabawalan niya si Kenshin at Raiden na sumakay sa kalabaw.
"Hahaha, taena." Tawa ako ng tawa. Nakunsumi si Sir ng magkarera ang dalawang hapon.
"Come on carabao, run..." Sigaw nila.
Nilabas ni Star ang phone niya at kinunan ng video ang dalawa.
"Tito Ayano will surely have a heart attack." Comment ni Star habang nagtytype sa phone niya.

"I didn't know that carabao can run that fast," Star commented habang sinusundan ng tingin ang dalawang hapon.
"So pwede ng palitan ang horse power ng carabao power?" Biro ko. Tiningnan kami ng masama ni Sir. Grabe naman hindi ba pwedeng magjoke? Napaka-fanatic naman ng Physics si Sir Blaze.

Napakamot ang mga magsasaka dahil sa TULONG na ginawa ng mga Ateneans sa kanila sa pagtatanim sa bukid.
"Hindi nyo naman nailulubog ang ugat eh. Mag-uulit lang ang mga magsasaka sa ginagawa ninyo." Ako lang ang hindi lumusong dahil bawal nga sa akin ang magpagod. At nakakapagod ng husto ang magsaka.
"Why not help us? Nakaupo ka lang d'yan." Tanong ni Kenshin sa akin.
"Bawal sa akin ang magpagod," Sagot ko na ikinatingin ng masama sa akin ni Lego.
"...ng sobra." Dagdag ko.
"Dahilan mo lang yan." Comment ni Lego bago bumalik sa pagtatanim ng punla.

Pagkatapos nilang magtanim, nakijoin kami sa kumpulan ng mga magsasaka. Si Michelle, sobrang tawa ko sa tagalog niya. Mga Ginoo, ika ba naman. Nabaliw sa binabasa, pati sa tunay na buhay, dinala.

"Mga Ginoo, gaano na po kayo katagal na... uhmmm... hapag-lupa?" Tanong ni Michelle. Gusto kong gumulong sa tawa.
"Michelle," Star exclaimed.
"Oh God... Did I used the wrong tagalog word?" Napatakip ng bibig si Michelle habang tawa kami ng tawa. Well, maliban kay Lego. Wala na yata siyang emotions.
"Ano po, ang nais niyang sabihin ay gaano na po kayo katagal na maralita? Ipagpaumanhin po ninyo ang kanyang pananalita at hindi siya maalam sa salitang tagalog." Pagsasapo ni Star. Hala, si author dumali ng tagalog. Napakaextreme ni Star. English kung English, dugo ang ilong kapag kinausap mo. Kapag nagtagalog naman, dugo pa rin ang ilong mo sa tagalog niya.
"Hindi naman kami ganyan magtagalog." Natatawang sagot ng isang magsasaka.
"Kay lalim ng tagalog mo." Sabi ng isa at saka sila nagtawanan.
Nahihiyang nagyuko ng ulo si Star.
"Hindi naman kami pinanganak na mayaman. Nagsusumikap kami upang kahit papaano ay makapag-aral ang mga anak namin. Kahit sila na lamang ang makaahon sa hirap ng buhay." Sagot ng isang medyo may katandaan ng magsasaka. Hindi naman kasi talaga lahat ay pinanganak na mayaman.
"Mapalad ang mga anak na kaya silang pag-aralin ng kanilang magulang sa gusto nilang paaralan." Wika pa ng isang magsasaka.
"Mas mapalad po ang mga anak na may magulang na nagsusumikap para sa kanila." Nakangiting sagot ni Star na ikinangiti na rin ng mga magsasaka.

Hindi ba mas mapalad ang may mga anak na may mga magulang na mahal sila kahit gaano ang antas ng pamumuhay?

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon