Chapter 16- May Pagbabanta

11.5K 384 15
                                    

Rose

"Magsasarado na kami. Baka naman pwede nyo ng ubusin yang kinakain nyo." Tanong ko sa dalawa na kanina pa nag-uusap.
Nag-angat ng paningin si Lego at luminga sa paligid. Sila na lang ni Kenshin ang naiiwan.
"Anong oras ang out mo?" Tanong niya. Mukhang bad trip si Kenshin dahil hindi na ngumingiti.
"Mamaya pa. Maglilinis pa ako ng..."
"Di ba kailangan mong magpahinga?" Sabat ni Lego sa gusto kong ipaliwanag.
"Sayang ang oras." Katwiran ko.

"Ihahatid ka na namin. Tara na." Tumayo ang dalawa at parang tanga na hinila ako ni Kenshin palabas ng pintuan. Batukan ko nga.
"Mabibigyan ako ng memo. Mamaya pa ang uwi ko." Pinaghahampas ko si Kenshin sa braso. Para akong bata kung bitbitin.
Nag-isang linya ang labi ni Lego at lumapit sa counter.

"Hi, can I talk to your manager?" Tanong nito. At bakit ang sweet ng boses bigla? At ang bakla ay natulala sa counter.
"Your manager, now." Utos ni Lego kay bakla na nagmamadaling pumasok sa office ng manager.

Nagpupumiglas ako pero tinutktukan ako ni Kenshin. Mahina lang naman pero sapat para titigan ko siya ng masama.
"Huwag ka kasing magulo." Sabi nito.

"Yes?" Nakangiti naman ang manager namin.
"Can I talk to you privately?" Tanong ni Lego. Lumabas ni Maam ng counter at lumayo sila ni Lego. Sapat para hindi ko marinig.
"Ano ba yang ginagawa ninyo? Mababawasan ang sweldo ko niyan." Nanggigigil ako sa dalawa na ito.
"Magkano ba sweldo mo? Bayaran ko na lang para makapagpahinga ka." Sabi ni Kenshin na ikinainit bigla ng ulo ko.
"Huwag mo akong insultuhin." Sagot ko kay Kenshin.
"Uy, hindi kita iniinsulto. Nagtatanong lang ako. Masyado ka lang sensitive. Nasanay ka na walang nagmamalasakit sa iyo kaya akala mo nililimusan ka kapag tinutulungan ka. Hindi ganun, Rose." Pangaral ni Kenshin na ikinatahimik ko.

"Rose," Tawag ng manager ko sa akin.
Nakatayo si Lego sa tabi niya at nakapamulsa.
"Yes, Maam."
"Uwi ka na." Sabi nito.
"Ay Maam, huwag kayong naniniwala sa mga 'to. Kailangan ko ng work, saka..."
"Teka nga, kumalma ka. Sabi ko umuwi ka na muna. May pasok ka pa pala sa school nyo. Magpahinga ka para bukas may sigla ka. Alagaan mo ang sarili mo, aba!" Sabi ni Maam at saka kami iniwan.

"Ano ang sinabi mo?" Tanong ko kay Lego. Naku, isa tutuktukan kita.
"Sabi ko lang na kailangan mong magpahinga. Tara na, kunin mo na yung gamit mo." Utos nito.
"Hindi mo kasi maiintindihan na kailangan kong magtrabaho." Nagngangalit ang mga bagang ko sa inis.
Humalukipkip si Lego at naiinis na hurapa sa akin.
"Hindi ko nga maiintindihan kung bakit kailangan mong pagurin yang katawan mo kahit pwede ka namang magpahinga. Kung ayaw mong isumbong kita kay Trevor, uuwi ka at magpapahinga. Huwag mo akong kulitin Rose, pwede kong tawagan si Trevor kahit ngayon." Sabi nito.
Hindi ako tumitinag at lalong naningkit ang singkit na mata ni Lego.

Nilabas niya ang phone niya at tumawag.
"Hello Trevor, si Lego 'to." Sabi nito sa kausap habang nakatitig sa akin.
As if... bluff lang ito..
"Do you remember your patient's named Rose?"
Teka... parang hindi na bluff ito.
"Ano apelyido mo?" Mayabang pang tanong ni Lego.
Hindi ako kumibo. Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay.
"Yung may sakit sa puso na sobrang kulit. Oo, maliit lang siya, mga..."
Aba't gagong ito. Sino ang maliit?
"Ahhh, you remember na? Good, nandito kasi siya sa Jollibee, nagpapakamatay sa pagod at ayaw pang umuwi." Sabi ni Lego. Pilit kong inaagaw ang phone niya pero dahil mataas siya, hinawakan niya ako sa noo at inilayo. Bwisit.
"Kaibigan ito ni Star eh. Baka ilibing na namin bukas kung di titigil." Sabi pang lecheng Lego. Bastos kang leche ka.

"Oh, kausapin ka daw." Inalis ni Lego ang kamay sa mukha ko at inabot ang cellphone.
Kung nakakamatay ang pagtitig ng masama, bumulagta itong si Lego. Mahablot kong kinuha ang cellphone niya na kulang 100 libo ang halaga.

"Hello,"
"Rose!" Sabi ni Doc. Trevor. Siya nga, patay.
"Di ba ang sabi ko sa iyo kailangan mong magpahinga? Pahinga. Uwi." Parang tatay na pinagsabihan ako ng doctor ko.
"Eh kasi Doc,"
"Walang kasi, kasi. Kung ayaw mong sulatan ko yang Jollibee na yan at ipasara,uuwi ka. Ngayon na." Sabi nito. Nanlaki ang mata ko.
"Eto na. Ginising ka ba at bakit masungit ka?" Nakangusong sagot ko. Binigay ko kay Lego ang phone niya at nagdadabog na pumasok sa locker room.

Pagpasok ko sa locker room, sinundan ako ni bakla.
"Rose, uwi ka na?" Tanong nito.
"Hindi, magjojogging pa ako sa labas." Sarcastic na sagot ko.
Hindi ko na tinupi ng maayos ang umiform ko at inisaksak ko na lang basta sa bag.
"Boyfriend mo ba iyon?" Tanong ulit niya.
"Mukha ba akong papatulan nun? Kita mo ngang mas makinis pa sa akin." Panay pabalang ang sagot ko. Inis na inis ako sa mayayaman na ito. Mula kay Michelle na pinilit sa akin ang telepono niya hanggang kay Kenshin na gusto akong bayaran para magpahinga tapos itong si Lego na tinawagan ang doktor ko. Si Star lang ang matinong kausap na nirerespeto ang gusto ko.
"Pero ihahatid ka daw eh." Giit pa ni bakla.
"Grab driver sila sa gabi." Naiinis na sagot ko. Lumabas ako sa locker room at nagpaalam na sa manager ko.
"Rose," Tawag ni bakla hanggang sa makalabas ako ng counter.

Naghihintay si Lego at Kenshin sa akin.
"Ano? Dami mong tanong." Tumaas na ang boses ko ng isang level.
"Grave naman 'to, galit ka agad. Pwede bang malaman ang name ni Kuyang k-pop?" Malandi ka talagang bakla ka.
"Lego... Lego as in Lego. Bakit ba di mo siya tanungin? Gusto mong buuin?" Napatingin sa akin lahat ng kasamahan ko.
"Tigilan mo na kasi bakla. Di ka tumulong dito panay paglandi yang alam mo." Sita ni Tisay sa kanya.

Umuusok pati bunbunan ko ng lumapit ako sa dalawang naghihintay sa akin.
"Let's go?" Tanong ni Kenshin.
"Huwag na nga kayong tatambay dito, ha!"
Natawa lang sila ng bahagya. Naunang lumabas si Lego sa amin.

"Uy Rose." Sinagi ako sa balikat ni Kenshin.
"For the record, ngayon lang nangingiti ulit si Lego. Thank you." Sabi nito.

Nahinto naman ako sa sinabi ni Kenshin. Nauna ng naglakad si Kenshin sa kotse niya.

"Hoy Rose, ano na? Kailangan bang sunduin ka ng banda para tuminag ka?" Sigaw ni Lego na nauna na sa kotse niya.
"Ang saya mo sigurong kasama sa party. Nakaka-enjoy siguro ang company mo." I said sarcastically to Lego. Narinig ko pang tumawa si Kenshin bago nagdrive palayo sa parking.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon