Chapter 22- Sa Hindi Inaasahang Tagpo

12.5K 433 70
                                    

Rose

Para kang tanga Rose... Sige pa. Uulan ng luha, promise.

Masaya ka naman di ba tuwing magkausap kayo sa gabi? Sige, kakayanin ng puso mo yan.

Yan ang litany ng utak ko sa tuwing mag-uusap kami ni Lego. At sa tuwina ay isinasantabi ko lagi siya. Hindi ko pinapakinggan. Pikit mata akong makikinig sa mga binubuksang ala-ala ni Lego tungkol kay Kyla.

Pikit mata na lang ako sa unti-unting sakit na nararamdaman ko kapag naririnig ko ang pangalan niya. Habang gumagaang ang mundo ni Lego, bumibigat ang dinadala ko. Unti-unti ko siyang minamahal sa kabila ng pagiging hindi niya buo. At ng masilip ko ang tunay na siya sa kabila ng pader na iniharang niya sa pagitan ng iba at ng sarili, mas lalo akong nadadarang na lumapit sa kanya. Tinatangay ako ng kagustuhan kong lumigaya.

"Rose," Pumitik si Michelle sa harapan ko.
"Nagzoom out ka na naman."
Masaya ako para kay Michelle dahil mukhang nagiging strong sila ni Brix. Nabawasan na rin ang pagiging conyo niya. I mean, yung kabaliwan ni Michelle. Hindi pa naman daw sila, but I swear inlove si Michelle.
"May iniisip lang ako." I replied.
"Si Lego." She concluded.
"I'm gonna pick up the pieces, and build a Lego house." Kinantahan ako ni Michelle pero instead na ngumiti ako, nangilid ang luha ko.

"Hey, pinapangiti kita, Rose." Biglang nag-alala si Michelle.
Mabuti na lang at kakaunti ang tao sa library at lagi naming solo ang History Section.
"Mahal mo na ano?" Walang halong pang-uuyam na tanong ni Michelle.
"Hindi ko alam."
"Walang masamang umamin paminsan-minsan." Nakangiting reply ni Michelle.
"Saka kung tutuusin, ikaw lang talaga ang kinakausap ng matino ni Lego."

"Nahihiya ako kay Star."
"Bakit naman? Ang down to earth ng isa na iyon. Alam mo ba kung gaano sila kayaman?" Tanong ni Michelle.
"Iyon na nga eh, ang yaman nila." Tuluyan na akong umiyak. Tumabi si Michelle sa akin at inakbayan ako para itago sa kung sino man ang makakakita sa akin.
"Hindi naman lahat ng mayayaman ay matapobre. Huwag ka ng umiyak, yung puso mo." Paalala ni Michelle sa akin.

"Kilala mo ba si Kyla?" Tanong ko kay Michelle.
"Not personally. I saw her once or twice." She replied.
"She is spoiled to the bone. I don't want to bad mouth the dead but you don't have to compare yourself to her. Wala siya sa kalahati mo, Rose."
"Hindi naman ako nagcocompare. Naiisip ko lang na ang swerte na niya kay Lego. Bakit... bakit pa siya ganun?"

Pinunasan ni Michelle ang mga luha ko.
"Kasi nga, spoiled siya. She likes to compete. Kung ano ang nasa kalaban niya, gusto niyang makuha. I heard but I am not sure if this is true, but I heard that she didn't love Lego talaga."

Kaya pala ayaw sa kanya ni Star.

"Lego was closed with her sister, Karen. Don't know what happen pero nabalita sa circle namin yun, that she made sulot lang kay Karen si Lego. Kaya Rose, she is really nothing like you talaga."

"You are really the type of person na dadalin sa simbahan at papakasalan. Kapag nga tumatabi ako sayo feeling ko makasalanan ako."
Natawa ako ng bahagya kay Michelle.
"He sees you. He may not be ready for now, pero nakikita ka niya, Rose. Don't doubt yourself just because we have something that you don't. Mas marami kang experiences na pinagdaanan na hindi ko kayang lagpasan, and that my friend is the most beautiful thing to you."
"Thanks,"
"Oh...sus... don't mention it. Pagdating sa mga usaping puso, I am expert na. Dami ko ng break-ups my Lord." Bumabalik talaga ang dating Michelle kapag wala si Brix...Hahaha.

Pauwi na ako at nag-aabang ng jeep ng magring ang de goma kong cellphone. Number lang ang tumatawag at baka kako importante kaya sinagot ko.

"Hello,"
"Hi. Sorry, is this Rose? Rose Licerio?" Tanong ng babae sa kabilang line.
"Yes. Who is on the line?" Magalang na tanong ko naman.
"Si Estella Martinez. Nasabi ba sa iyo ni Noel Navarro ang request namin to meet you?"
Parang nanlamig ang buong katawan ko. Alam mo yun, parang lumaki ang ulo ko.
"Hija, I just want to hear my daugther's heart once again. Please, pagbigyan mo na kami. Malapit na ang birthday niya. Gusto sana naming marinig ulit ang puso niya." She pleaded.

A mother who is grieving for her lost. Ano bang karapatan kong tumangi? Binigyan nila ang ng buhay ulit.

"Sige po. Kailan po ba?"
"Thank you Rose. Pwede ba sa bukas?" Tanong ni Mrs. Martinez.
"Sige po. Message nyo na lang po ako kung saan at anong oras. Message ko po kayo ng schedule ko."
"Salamat Rose. I'll see you tomorrow."

Kinabukasan, hindi maganda ang bungad ni tatay sa mga messages niya. Tuliro ako at pinilit ang sarili na labanan ang lungkot. Sinamahan namin ni Michelle si Star sa faculty para ibigay daw ang letter niya kay Sir Blaze.

Ang malungkot kong umaga ay napalitan ng galit ng makita namin si Ms. Rodriguez na nakakandong kay Sir Blaze at naghahalikan sa faculty room.

"Nakakapunyeta ah." Sabi ni Michelle.
"How professional naman the two of you." Sarcastic na humalukipkip si Michelle.
Ako na hindi romantically link kay Sir ay nabigla sa nakita. Natulala ako at hindi ko alam ang gagawin. Nagalit ako syempre para sa kaibigan ko.

"Star," Tawag ni Sir Blaze kay Star ng tumalikod ito.
"It's fine Sir. I will just inform Prof. San Roque that I will transfer to his class. Conflict of schedule on my part. I need time for my Thesis. Tomorrow would be my last day in your class. You can continue whatever we disturbed." Her voice is like a knife. Well, girls before hoes so...
"Make that the three of us." Dagdag ko bago kami lumabas.

Para kaming sinilihan na mabilis nagpunta sa parking. Iyak ng iyak si Star kaya si Michelle na ang nagdrive. Muntik nan gang sagasaan ni Michelle si Sir Blaze ng harangin ang kotse.

Nasa bahay kami nila Michelle, doon muna namin dinala si Star na hindi namin alam ang gagawin. Bukod sa nagalit kami ni Michelle, ano ba ang dapat naming gawin kay Sir Blaze?

"What am I going to do?" Humihikbing tanong ni Star.
"Follow your heart," I replied. Ano ba kasi ang dapat gawin, Star?
"It's broken into pieces, which part will I follow?" She whispered.
I dunno. The one that has the biggest pieces, I guess.

After few hours, nagpaalam ako kay Michelle na may pupuntahan. Hindi ko sinabi sa kanila ang gagawin ko. May problema na si Star, ayaw ko ng mag-alala pa sila.

Medyo malapit lang ang Resto na pupuntahan ko. Ang sabi ni Mrs. Martinez, naghihntay na daw sila doon. Kabado akong bumaba ng taxi at mabagal na naglakad papasok.

"Hi, I am with Mrs. Martinez and Family." Binigay ko ang pangalan ko sa receptionist ng resto at hinatid pa ako papunta sa reserved room ng family.
Nanlalamig ang kamay ko ng buksan ng receptionist ang pintuan. Una kong nakita ang marahil ay si Mrs. Martinez dahil tumayo ito at sinalubong ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit at dinama ang tibok ng puso ko.
"Oh God, she's here. Her heart is alive, dad. Buhay si Kyla." Sabi ni Mrs. Martinez.
At para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.
Kyla?

"Halika, pasok ka. Nandito ang buong family at ang family ng mga kaibigan ng anak ko." Hinila ako papasok ni Mrs. Martinez.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nakaupo sa lamesa. Naroon si tatay kasama ng asawa niya na masama ang tingin sa akin. At sa isang panig ng table naroroon si Lego.

"Lego," I whispered.
"Kilala mo si Lego?" Tanong ni Mrs. Martinez. Pero hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya.

I saw the anger on Lego's face and that is what I am afraid the most, more than my father's wrath.

---------
A/N
Oh no... Kay Kyla ang heart. 😱
At naroon ang tatay ni Rose, does this mean ba na kapatid niya si Noah?

Pero sa Monday na natin sagutin, kasi lalablyf muna ako ng weekend.
Enjoy your weekend mga vhakla. Mwaah!

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon