Chapter 28- I'm Back

13K 420 24
                                    

Lego

"Kelan ang uwi mo?" Tanong ni Ken habang kasausap ko siya via video call. Nag-aayos ako ng gamit ko para sa flight.
"Sa kasal ni Mitch." I replied. "Ang kulit, panay tawag sa akin."
"Hindi ka lang mahagilap nun, pinuntahan nga ako dito sa Japan eh. Kasama ang designer niya para sukatan." Natatawang kwento ni Kenshin. Ang kulit...
"Ikaw Ken, kailan kasal mo?"
"Namo ka." Sagot nito na ikinatawa ko.
"Hingan mo na kasi ng tulong ang ate mo para mahanap mo si... ano nga name nung babae mo?"
"Dominique." Sagot nito.

"Speaking of ate ko, naalala mo ba si Ms. Rodriguez?" Tanong ni Kenshin.
"Alin? Yung babaeng maepal na nagpakick-out sa akin sa Ateneo?"
Tumango si Kenshin. "Narinig ko lang kay Ate Sakura na naka-line daw ang plano nila. Kausap si Jacob eh. Sa tingin mo may ginawa ang mga iyon?"
Napaisip ako. "Buhay pa ba si Ms. Rodriguez?"
"The last time I heard, walang trabaho at nakikikabit lang sa mga mayayaman. Kaso, everytime na merong kakabitan, nahuhuli agad sila. Hindi ba nakakapagtaka iyon? Unless binabantayan si Ms. Rodriguez ng mga shadows para guluhin, ang laki ng Pilipinas para mahuli agad."
Natawa ako ng bahagya. "Honestly, wala akong pakialam sa kanya. Pero gusto ko siyang makita pag-uwi ko."
"Para ano? Sagasaan ng eroplano?" Biro ni Kenshin.
I smirked at him. "Sige Ken, may flight pa ako. Talk to you soon. Kita tayo sa Pinas."
"Sige bro. Ingat."

Three years... Napailing ako.

The night before ng wedding ni Michelle, dumating ako sa bahay at para akong bata na pinaghahalikan ni mommy sa magkabilang pisngi.

"Bakit ba hindi kayo nagpapasundo?" Nagtatampong tanong nito.
"Laki na nyan, mommy." Sabat ni Ate. Nakangiting yumakap sa akin si Ate Sky.
"Wala ba kayong lovelife at nakayakap kayong dalawa sa akin? Nasaan ang mga asawa ninyo?" Biro ko sa kanila.
"Nasaan na nga ba yang magaling mong ama? Bakit hindi ka sinundo?" Tanong ni mommy.
"Ma, piloto ako. Kaya kong magpalipad mag-isa." I reminded her. Natawa ng bahagya si Ate at lumayo na sa amin. Hinabol nito ang isa sa triplets. Bakit ang laki na nila?
"I am aware of that. Hindi ka nga umuuwi." May halong pagtatampo ang boses ni mommy.

"Maayos ba ang kwarto ko, ma?"
Nakangiting tumango si mommy. "Tinanggal ko na ang mga multo sa kwarto mo." She replied.
"Thanks." I kissed her on her cheek and went to my room.

"Well, parang hindi ko ito kwarto." I murmured.
Pinalitan lahat ni mommy ang gamit ko. Bagong pintura din ang kwarto. Hay, tinanggal nga lahat ng multo. Pati naman lumang memories ko tinanggal na din.

Wala na ang mga picture namin nila Kyla at Noah. Pinalitan na ng pictures namin nila Kenshin at Raiden.

Naupo ako sa kama at kinuha ang picture frame sa bedside table. Natawa ako ng bahagya. Loko talaga si mommy. Isang quote ang nakalagay sa picture frame. It says:

I love you from the bottom of my Hypothalamus

Makikita ko siya bukas. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ang backspace sa phone ko ang mas nakakaalam ng gusto kong sabihin sa kanya. Every time I compose a message to her, I end up deleting it. I don't know how to start a conversation with her. Do I start with sorry? Do I start with I am such an asshole before? Saan ako mag-uumpisa?

Kamusta na siya?

Ang alam ko lang ay ang mga kinukwento ni Kenshin. Sarado ang bibig ni Michelle at Star tungkol kay Rose. At alam kong mayroon silang sariling groupchat na wala ako. Ang groupchat naman na kasama ako, wala si Rose.

Dahil may jetlag ako, hindi ako makatulog kaya rinig ko ang boses sa labas ng bahay. Sumilip ako sa bintana at nakitang palabas sa kotse si Star. Kasama si Blaze? I rolled my eyes and decided to go down and check on her.

"Star," Tawag ko sa kapatid ko na mukhang napadami ang inom. Nakatayo ako sa porch at nakapamulsa.
"Uy Kuya, you're back." She said. Nakaalalay si Blaze kay Star.
"Napadami sila ng inom ni Mitch." Paliwanag ni Blaze.
"Kailan ka pa dumating Kuya?"
Naningkit ang mata ko kay Star. "Pumasok ka nga."
"Bye Blaze. See you tomorrow." Nagkiss si Star sa pisngi ni Blaze na ikinataas ng kilay ko.

"Sungit." Tukso ni Star pagkalagpas sa akin.
"Can I talk to you?" Tanong ko kay Blaze ng makapasok si Star sa bahay.
Bumaba ako sa porch at naglakad kasabay ni Blaze papunta sa

"Kailan ka dumating?" Tanong ni Blaze sa akin.
Huminto kami sa tapat ng kotse niya at sumandal.
"Kanina lang." I replied.
"Jetlag?"
"Sanay na ako." I murmured.

Natahimik kaming dalawa.
"Sorry nga pala Blaze sa nangyari."
"Wala yun. Misunderstanding lang pre. Ayaw lang maniwala sa atin ng Ateneo." Sagot ni Blaze na ikinailing ko.
"Ano nga pala ang nangyari after akong makick-out?"
Nagkibit ng balikat si Blaze. "Hindi na ako bumalik ng masuspend ka."

"Kayo na ba ni Star?"
"Mahal ko ang kapatid mo." Sagot ni Blaze.
"Naniniwala na ako sa inyo. Huwag mo lang sasaktan."
Umiling si Blaze. "I will never intentionally hurt her."
Tumango ako sa kanya.

"Pupunta ka ba sa kasal ni Michelle?"
Natawa ako ng bahagya. "Hindi mo alam kung paano ako kinulit ng babaeng iyon. Pupunta ako bukas."
"Sige pre, kita na lang tayo bukas." Sabi ni Blaze. He offers me a fist bump and I accept it.

Umalis ako sa pagkakasandal sa kotse niya at pumasok na si Blaze sa loob.

"Blaze," Pigil ko sa kanya.
Naghihintay si Blaze sa kung ano ang sasabihin ko.
"Kamusta siya? Kamusta si Rose?"
Ngumisi si Blaze sa akin. "Akala ko ay hindi mo na itatanong. Sarcastic pa rin sumagot." He replied na ikinangiti ko. "Makikita mo siya bukas. Maid of Honor."
"Sige, bukas na lang." Kaway ko kay Blaze.

Kung may mga bagay akong pinagsisisihan, iyon ang tinawanan ko si Rose ng sabihin niyang mahal niya ako. Sana hindi pa huli ang lahat...

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon