Chapter 27- Kung 'di rin lang ikaw

13.1K 409 38
                                    

Rose

3 years after

Hindi ko akalain na magtatagal si Michelle at Brix. Parang ang layo ng personalities nila sa isa't-isa. Burdado pa ng tattoo si Brix habang parang gatas si Michelle sa kinis. Sino mag-aakala na ang conyobels, as Brix called Ateneans, ay mabibihag ng isang lagalag na Overdrive?

"Oh it sad to belong to someone else..." Hirit ni Ryker sa mic. Ganito na ang buhay ko ngayon, tropa ng Overdrive. Kasi clingy si Mitch sa pagiging friend. Tangay-tangay ako sa tuwing may practice ang Overdrive. Ayun, libre concert tuloy lalo na sa rehearsal.

Tinapat sa akin ni Ryker ang mic, asking me to sing.
"...kung may ritemed ba nito." Dugtong ko sa kanta na ikinatawa pati ni Ate Margaux.
Gumulong sa tawa si Ryker na katabi ko habang nagja-jamming sila. Miron na naman ako sa kanila.

"Rose," Tawag ni Sir Blaze.
"Sir,"Sagot ko naman.
"Blaze. Tatlong taon na kitang tinuturuan na Blaze lang ang itawag sa akin."
Ganito lagi ang litanya ni Sir sa akin.
"Eh baka sabihin mo na naman hindi kita nirerespeto." Pilosopong sagot ko.
"Nga naman Conyobels." Sabat ni Brix.

"Halika dito, dugtungan mo ito." Tawag ni Sir. Kumakaway pa, parang nene ang tinatawag.
"Eto na naman ang Camp Sawi, hihirit na naman ng hugot songs." Biro ni Michelle. Tinawag kami ni Sir Blaze na Camp Sawi. Sira ulo talaga ang mga Overdrive na ito. Pano kasi, kapag sad song ang sinusulat ni Sir Blaze, sinasama akong gumawa ng lyrics. Eh di super sad. Jusme 'tong Marcelo siblings na ito, 3 years na ah.
"Magbebreak din kayo ni Brix, kala mo." Iyon lagi ang sinasagot ko kay Mitch. Pero syempre biro lang. Masaya ako para sa kanya. Ikakasal na nga sila, ano ba?!

Although muntik ko ng ikamatay ang pag-ibig ko, nakakamove on naman na ako. Unlike Sir Blaze na hinihintay pa rin si Star.

"Ene ne nemen be yen Ser?" Tanong ko kay Sri Blaze at sa notebook na nasa harapan niya. Hawak ang gitara niyang yakap-yakap lagi.

"Oy, patayan mo yang videoke. GUmagawa ako ng kanta." Bulyaw ni Sir Blaze kay Ryker. Pinatay naman ni Ryker ang videoke at nakinig sa tinutugtog ni Blaze.

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan, pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?" Simula ni Sir Blaze sa kanta. Yikes, sawi nga, una pa lang. Teka, yun pa lang ang nakasulat sa notebook niya? So ibig sabihin buong kanta ito? Grabe naman.
"Kung hindi ikaw ay hindi nalang, pipilitin pang umasa para sa'ting dalawa." Tinuloy ko ang kanta ni Sir. Natingin siya sa akin at sinulat ang sinabi ko.

"Tangina, palitan na natin ang pangalan natin. The Hugot Band na dapat tayo." Biro ni Kuya Jaxx. Siyang-siya si Michelle na nakasandal sa balikat ni Brix. Si Kuya Jaxx lang tinatawag kong Kuya baka tadyakan ako ni Ate Margaux kapag first name basis.

"Giniginaw at hindi makagalaw." Pagpapatuloy ni Sir sa kanta niya.

"Bakit di mo bigyan ng jacket Sir, kung giniginaw?"
Iniwasan ko ang ballpen ni Sir na muntik ng umabot sa ulo ko. Tutuktukan talaga ako, salbahe ito.
"Dugtungan mo na. Aarte ka pa, sawi ka din naman." Sabi nito.
"Thank you, next na ang drama ko. Cheret." Biro ko kay Sir. Grabe, ang sama ng tingin sa akin. Gusto kaming dalawa ang miserable. Gusto may kadamay siya.

"Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw." Dinugtungan ko ulit ang kanta. Sinulat na naman ni Sir ang lyrics. Sumabay na si Kuya Jaxx sa ginagawa namin at siya ang tumira sa chorus. Taba ng utak, bilis mag-isip ng kanta.

"Kung 'di rin tayo sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli. Kung 'di rin tayo sa huli..."
What the fuck...bakit bigla kong naalala si Lego? Jusme, sabi ko pa naman thank you, next na ako. Tama na heart of Kyla. Kung kailan ka pinapayagang magmahal ng iba saka ka nagstick to one, leche ka.

Nahinto si Kuya Jaxx. Nag-iisip ng karugtong.

"Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" Dugtong ko. Natingin silang lahat sa akin.

"Tsk...tsk..." Nailing si Ryker. "Tara, iinom natin yan, Rose." Yaya niya sa akin. Syempre charot lang, nalalasing lagi ako sa iced tea kapag nagkakasayahan sila. Kulang na lang lagyan nila ako ng cover para hindi madapuan ng lamok.

Natakot ko yata talaga si Michelle noong inatake ako noong huli. Jusme, yung bulyaw na inabot ko kay Kenshin noong pwede na akong bulyawan, natakot pati mga nurse sa kanya. At ang litanya ni Doc. Trevor, hindi ko malilimutan.

"Rose, kaya hindi ko pinapatuloy ang Pedia dahil sa case na gaya mo. Gusto kong makatulong sa mga may sakit sa puso. Pero kung kasing tigas ng ulo mo ang pasyente, mauuna pa akong mamatay sa iyo dahil sa kunsumisyon."

"Ano kasunod?" Tanong ni Brix. Nagsusulat na rin ito.

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan, pipiliin bang umiwas ng hindi na masaktan?" Sige itodo ko na ito. Langya kayo, hindi lang ako umiiyak pero sinasaktan nyo ako ah.
"Kung hindi ikaw ay sino pa ba, ang luluha sa umaga para sa'ting dalawa?" Dugtong ni Sir Blaze.

"Bakit ako nalulungkot sa ginagawa ninyong kanta? Masaya naman ako kanina ah." Tanong ni Ate Margaux sa amin.

"Bumibitaw dahil di makagalaw, pinipigilan ba ang puso mong ibang sinisigaw?" Nawala ang background music ko. Napatingin ako kay Sir Blaze.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Damang-dama mo ah." Sabi niya at nagsulat sa notebook.

Eh syempre, hindi nga ako mahal eh. Sinisigaw nga ng puso ay iba.

"Kung 'di rin tayo sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli. Kung 'di rin tayo sa huli, aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" Nagduet na si Sir at Kuya Jaxx.

"I won't lie to you. Lego, mahal kita."
"You love me? Bakit ako maniniwala sa'yo eh salawahan yang puso na yan."
"I won't believe you dahil nasa dugo mo ang manloloko. Kapatid mo si Noah."
"Save your love for someone else. I can't love a cheating heart."

"Naliligaw at malayo ang tanaw. Pinipigilan na ang pusong pinipilit na ikaw." Medyo pasigaw na ang kanta ko. Damang-dama ko beh. Nakapikit pa ako feeling singer. Pero wag ka, gusto ko lang itago ang luha ko na nagbabadya ng pumatak. Si Sir Blaze kasi eh, nangdadamay.

————————
A/N
Syempre dahil hindi naman ako composer, hiniram ko lang ang kanta from December Avenue.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon