Chapter 18- That Heartache

11.8K 400 11
                                    

Rose

Sinamahan namin si Star sa faculty para hindi halata ang pagsintang tago. Wala pang idea si Michelle sa naganap sa library kahapon kaya medyo tahimik pa kami. Tahimik kaming apat sa faculty pwera sa mga nakaw na tingin ni Sir kay Star na nahahalata na ni Michelle at panay siko sa akin ng pumasok si kagandahang Binibining Rodriguez na parang sa club pupunta at hindi sa eskwelahan.

"Blaze, tama ba ang narinig ko na nagpasa ka ng resignation?" Tanong niya. Aba, may karapatan ka bang mamewang? Nanlaki ang mata amin tatlo. Ako at si Star ay malamang dahil sa alam namin na plano na ni Sir Blaze yan, hindi lang namin sure kung kailan niya gagawin. Si Michelle talaga ang mukhang nashook.
"Yes." Maikling sagot ni Sir Blaze.
"Why?" Ms. Rodriguez asked. Aba, demanding si bakla.
"I don't see why I need to explain my reason to you." Suplado si Sir. Tama nga naman.
Natawa kami ng bahagya ni Michelle. Si Star, nakatingin lang sa kanila. Hindi ko mabasa ang nasa isip. Poker face si ganda.

"Can you please excuse us, girls?" Tanong ni Ms. Rodriguez kay Michelle. As always wala akong bilang.
"We are actually having a special quiz right now." Sagot ni Michelle sa kanya. Naku, minalditahan pa niya ang tunay na maldita. Good luck.
"Actually, istorbo ka nga Ms. Rodriguez. Chinichika mo si Sir, hindi kami makaconcentrate dito."
Naitikom ni Ms. Rodriguez ang bibig niya. Gusto kong gumulong sa tawa.
"Ang mahal ng tuition dito and what would my dad say if I make sumbong that some faculty is not professional during working hours? Hay, what do you think, Ms. Rodriguez? Do I need to be a spoiled rich kid right now or you will leave us in peace?" Tumingin pa si Michelle sa kuko niya sa kamay at parang mukhang bored. Seryoso ka ba gurl?
"Find me when you are finished." Sabi ni Ms. Rodriguez kay Sir Blaze bago parang bibe na lumabas ng faculty.
"Fake naman ang Versace na suot. Jusme, nagmamaganda si Ms. Rodriguez." Bulong ni Michelle.

"Magreresign ka, Sir?" Tanong ko.
"Shhh, huwag kayong maingay. May nagsasagot pa." Naku si Sir... Maechus talaga.
Nahihiyang nagyuko ng paningin si Star.
"Bakit, Sir? Hala mga hipon na ang matitira dito." Tanong ni Michelle. Nahahawa na sa akin. Alam na ang hipon, in fairness.
"Kailangan ko bang mag-explain sa inyo?" Tanong ni Sir Blaze sa amin.
"Hindi nga Sir. Saan ka lilipat? Sa UP?" Syempre kunwari hindi ko alam. Acting na acting ako para hindi halata.
"Sa Overdrive." Maikling sagot niya.
"Ohhh... Sir, pa-autograph na nga baka kapag sikat kana ulit, hindi mo na ako pansinin." Nilabas ko ang isang notebook ko at binigyan ng ballpen si Sir. Nagpigil ng tawa si Star hanggang sa nadukmo na sa table.
"Tigilan mo nga ako Rose. Hindi kita makakalimutan, minura mo ako eh." Binalik ni Sir ang notebook sa akin.
"Nabigla lang ako Sir. Matampuhin ka masyado." Grabe naman. Mapagtanim ng sama ng loob.

Nang matapos magquiz si Star, may inabot na maliit na papel si Sir Blaze. Syempre nakakahalata na si Michelle kaya nagtitilian na kami paglabas ng faculty. Napagalitan tuloy kaming tatlo.

Kinuwento na namin kay Michelle na alam na ni Sir na si Star si Sexylove kaya para kaming bulate na nangingisay sa kilig. Tapos ang lecheng si Sir, kundi ba naman malandi talaga, tumawag pa sa phone.

"Kyaaahhhh..." Namamalipit sa kilig si Michelle at pinaghahampas ako sa braso.
"Ano ba, masakit." Itinulak ko ng bahagya si Michelle.
"Oh my God, Rose. Nangangamoy pasado na sa Math." Nagsayaw pa si Michelle habang namumula sa kilig si Star.

"Samahan nyo ako doon. Nahihiya akong mag-isa." "Pakiusap ni Star sa amin.
"May date kami ni Tala. Si Michelle na lang isama mo friend." Sagot ko. Yang kapatid mo nga kinidnap na ako kagabi, wala na akong suswelduhin. Nakipagkwentuhan lang naman ng buhay niya. Pero mabuti na lang talaga nagsasalita na si Lego.
"Eh Rose, sige na. Mag-absent ka na lang ulit." Pamimilit ni Star. Naku, parehong-pareho kayo ng kapatid mo ay.
"Nu ka, ano balak mong kainin ko sa mga susunod na linggo, pagpag? Kahit gwapo pa sila, hindi nila ako mapapakain sa kagwapuhan nila. Balitaan nyo na lang ako." Sagot ko.

Saka baka magpakita si Lego mamaya...
Nahinto ako, as in, nahinto pati ang tibok ng pusong hiram. Saan galing yun?

Nagmamadali akong iniwan sila sa parking lot. Sa kakamadali ko hindi ko napansin ang dalawang hapon na kasalubong ko.
"Hoy, Rose." Biglang bumulaga si Raiden sa harapan ko.
"Whaaa." Napahawak ako sa puso ko na abnormal na sa pagtibok. Huminto na kanina, ngayon naman sumubra sa kaba.
"Fucking shit." Binatukan ni Kenshin si Raiden at nagsalita sila ng hapon. Natingin si Raiden sa akin na parang siya ang nagulat.

"Hala, sorry." Sabi bigla nito. "Okay ka lang Rose?"
"Okay lang." Sagot ko. Hihinga muna ako.
Parang tanga si Raiden na sinasabunutan ang sarili.
"Dalin ka ba namin ng hospital?" Tanong niya.
Napamaang ako sa kanya. Teka, sinabi ba ni Lego na may sakit ako kay Kenshin at sinabi nito sa kapatid kaya naghapon sila?
"Huwag OA, okay lang ako." I replied. Nilagpasan ko sila at naglakad palayo.
"Hoy Rose, saan ka pupunta?" Tanong ni Kenshin.
"Uuwi na." Sagot ko.
"Hatid ka namin."
Ihhhhh.... Ano ba!
"Huwag na. Hindi ko na alam ang isasagot ko sa tuwing may naghahatid sa akin."
Sinusundan nila akong dalawa na maglakad. Wala ba silang magawa sa buhay?

"Mag-isa ka lang uuwi." Pangungulit ni Raiden.
"Bakit? Kailangan ba by group kung umuwi?" Tanong ko sa kanya. Tinawanan lang ako ng dalawa.

"Ken, si Lego ba yun?" Tanong ni Raiden.
Napahinto ako sa paglalakad at hinanap ang tinitingnan nila.
"Sino ang kausap niya?" Tanong ni Raiden.
Babae... Hindi ba obvious? Nakahawak pa nga sa braso ni Lego yung babae. Singkit kasi mata nyo kaya hindi ninyo makita ng full view.

Teka, bakit parang hindi ako makahinga? Kailangan ko yatang pumunta sa hospital. May kumikirot sa puso ko.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon