Chapter 20- Hindi ka budget meal

11.5K 392 22
                                    

Rose

"Ay grabe, ang gwapo ni niya talaga..." Lutang na naman si Michelle.
Nakatingin kami ni Star sa kanya na parang nababaliw. Nakaupo kami sa isang table and bench sa ilalim ng puno.
"Sino ba ang tinutukoy niya?" Tanong ko kay Star.
"Si Brix yata." Sagot naman ni Star.
"Malala 'tong si Mitch." Comment ko.
Natawa na lang si Star.

"Kamusta na kayo ni... lam mo na."
Namula ng kauti si Star at dumukmo sa balikat ko.
"Waahh, kinikilig ako." Sabi niya.
"Hala..."
"Eh kayo ni Kuya...ayiiie." Tukso ni Star. Ako naman yata ang namula.
"Kala mo hindi ko alam na nagkikita kayo sa gabi. Pero alam mo, I'm grateful that you've talk to him." Biglang naging serious si Star.

Hinayaan namin si Michelle sa kakatext niya. Busy sa kausap habang kinikilig at tinutukso ang sarili.
"Paano mo nalaman?"
Ngumiti si Star.
"He called me last night. For the first time in three years, nalaman ko ang dahilan kung bakit siya nag-iba."
Hindi ako nakakibo.
"Makulit si Kuya dati. Parang si Kenshin at Raiden. Mahilig silang manggulat. Laging napapagalitan yang tatlo sa Country Club dahil sa kakulitan nila." Pagkukwebto ni Star.

"Kilala mo si Kyla?" Tanong ko kay Star.
Tumango siya. Nawala ang ngiti.
"I don't like her from the start. Pero syempre, girlfriend siya ni Kuya, tinanggap ko siya. During her wake, nakaupo lang si Kuya sa dulong upuan. He didn't even look at her. Pero nandoon siya kahit noong libing. Hindi kumikibo, ayaw makipagkwentuhan. Hindi niya pinuntahan si Noah kahit minsan noong nakaburol ito." Huminga ng malalim si Star.
"I didn't even see him cried before. But last night," Umiling si Star.
"He is full of anger." Dagdag pa niya.
"And I am angry to them too. They kill the life in my brother's eyes."

"Ngayon ko na lang nakikitang ngumingiti si Kuya kahit paano." Bumalik ang panunukso ni Star.
I rolled my eyes and pretend that I am not affected. Kasi, ewan ko ba, gusto ko ng iwasan si Lego. Hindi ko alam kung bakit umiyak ako kagabi habang kausap siya. At sinabi ko pa talaga ang problema ko.

"Hindi ka nga daw pumasok sa Jollibee kagabi. And he is really worried about you."
"Ikaw, inlove ka lang kaya akala mo ang colorful ang life ng lahat ng nakapaligid sa'yo." Sita ko kay Star.
"Hindi ah. Kilala ko lang si Kuya Lego. Close kasi kami dati. Pero ngayon bumabalik na unti-unti."
Siniko ako ni Star at ngumuso sa harapan namin. Parating sila Kenshin, Raiden at Lego. Biglang nagpawis ang kamay ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"May nakalimutan pala akong sagutan na homework. Iwan ko muna kayo." Bigla akong tumayo at napatingin sila Star at Michelle sa akin.
"Sige mauna na ako." I said. Nagmamadali akong lumakad palayo sa kanila.
"Where are you going?" Tanong ni Michelle sa akin.
"Somewhere." Sagot ko.
Hindi na ako lumingon at baka mahuli pa ako na umiiwas lang ako.

Hindi kasi dapat nagtanong pa si Lego kagabi. Haayyy, hindi ako sanay na may nagtatanong sa akin.

Jusme Rose, marupok ka. Tinanong ka lang, feeling mo importante ka na.
Kaya nga ako umiiwas, di ba?!

Waahhhh, nagtalo na ang mga katauhan ko. Nanay, sana nandito ka.

Nagtago ako sa library maghapon huwag ko lang makita si Lego. Aminin na natin sobrang gwapo niya. Pero hindi talaga iyon ang dahilan bakit para akong kulisap na pilit na lumalapit sa kanya kahit mapapaso ako. He is broken and that's why I am attracted. Hay, pashoulder to cry on ka kasi Rose.

Balisa ako ng pumasok ako sa Jollibee. Panay naman tingin ko sa pintuan. Hindi ko alam kung umaasa akong makita silang tumambay dito o inaabangan ko para makapagtago sa kitchen.

Tapos, isa pa 'tong tatay ko. Hindi nga ako makasagot sa request niya. In a way, naawa ako sa family ng donor ko. Baka gusto nilang marinig ang puso ng anak nila kaya gusto nila akong makita. It's been three years na din kasi and never pa silang nagreach out sa akin. Until recently lang, at ang tatay ko pa ang bearer ng news.

"Wala yata ang mga kaibigan mo, Rose." Puna ni Tisay.
Hindi na lang ako sumagot. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh.

Kinakabahan akong naglakad papunta sa 7/11 pagka-out ko. Usually kasi, nandoon lang si Lego. Nakaupo at nakatanaw sa kawalan. But this night, wala siya sa 7/11. Napahinto ako sa tapat ng glass panel at tiningnan ang loob ng 7/11. Baka naman nasa counter? Wala din siya doon.

"Hinahanap mo ako?"
"Putang..." Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ay sorry Rose. Magugulatin ka nga pala." Hinging paumanhin ni Lego.
"Okay ka lang?"
Huminga-hinga ako ng malalim. Kalma... kumalma ka.
"Okay lang. Sige ah." Paalam ko.
"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ni Lego habang nakasunod sa akin.
"Hindi kita iniiwasan." Kaila ko.
"Talaga? So, tambay muna tayo?"
"Kailangan ko ng matulog." I replied.
Pinigilan ni Lego ang balikat ko at lumakad papunta sa harapan ko.
"Ano problema, Rose?" Tanong niya. Hala, huwag kang tumitig, aba. Marupok nga ako.
"Wala. Pagod lang."

Naningkit ang mata ni Lego.
"Huwag mo akong isumbong kay Doc. Trevor. Promise, magpapahinga na ako." Pigil ko sa kanya. Baka ipasara ni Doc ang Jollibee.
"Ihahatid na kita."
"Hindi na." Tanggi ko. Sakto namang may dumaang jeep at nagmamadali akong hinabol iyon.
"Ingat ka." Sigaw ko sabay kaway ng makasakay na ako sa jeep. Naiwan si Lego sa daan na nakapamulsa.

Huminga ako ng malalim. Masasaktan lang ako sayo Lego. Mas maliwanag ka pa nga sa future ko, hindi ka budget meal. Hanggang budget meal lang ang kaya ko.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon