Chapter 25- Help

12.2K 394 20
                                    

Rose

Hindi ko hinayaan ang isip ko na mag-isip ng tungkol kay Lego, kumuha ako ng shift sa Jollibee para malibang.

Bandang alas-diyes ng gabi ng pumasok sa Jollibee si Kenshin, Raiden at Michelle.
"Hi," Bati ni Michelle sa akin sa counter.
"Bakit nandito kayo?" Tanong ko sa kanila.
"What time labas mo?" Tanong ni Kenshin.
"Until 12 am ako." I replied.
"Hintayin ka namin." Seryosong sagot ni Michelle.
Ano kaya ang nangyari.

Tumambay sila sa parking lot hanggang sa matapos ang shift ko. Mukha na silang balisa ng lumabas ako ng Jollibee.
"Suspended si Lego." Bungad agad ni Michelle.
"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko.
"Nagpang-abot sila ni Sir Blaze sa parking kanina. And that Ms. Rodriguez made it worse by making sulsol sa Guidance Office." Sagot ni Michelle.
"Nasaan si Lego?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa Country Club." Sagot ni Raiden.

"What the hell happen to him? Kahapon okay naman siya. Tapos biglang war freak kanina." Nagtatakang tanong ni Kenshin. Nagkatinginan kami ni Rose.
"It's my fault." I said.
"The hell it is. It's not your fault, Rose." Sabat ni Michelle.
"What happened?" Tanong ulit ni Raiden.

Huminga ako ng malalim at tinapat ang kamay ko sa puso.
"I saw Lego at the restaurant yesterday with Kyla's family."
Napapikit si Kenshin at naihilamos ang kamay sa mukha. Si Raiden naman ay hindi nagsasalita.
"Kyla's family invited me yesterday. She was my heart donor. I have her heart." Para na akong pagod magpaliwanag but these are his friend. The least I can do is to tell them the truth so they can understand Lego.
"And Noah... he is Michael Noah, my half brother." I added which made Kenshin looked into the night sky.
"And he is angry to you too, isn't he?" Tanong ni Raiden. Narahan akong tumango.
"Fuckign fate." Kenshin murmured.
"I better go. I need to sleep before I...die" I told them. Iniwan ko sila sa parking lot. They are the only friend I have and they are torn between going to Lego or helping me.

Kinabukasan, hindi na rin pumasok si Star. Kami na lang ni Michelle ang natira sa Campus. Wala rin ang dalawang hapon. Bakit biglanga ng lungkot?

"Kaya pa?" Tanong ni Mitch.
Tumango ako sa kanya.

Lumipas ang ilang araw at napabalita ang pagkick-out kay Lego. Si Sir Blaze nag-AWOL na sa trabaho.
"Ano ba ang nangyayari? Hindi ko na maintindihan." Tanong ni Michelle sa akin habang nasa isang bench kami sa ilalim ng puno.
"Why the hell this school will kick him out? Sinabi na nga ni Sir Blaze na misunderstanding lang." Sabi ni Michelle. "I even gave my testimony because I was there at that time. And this bitch, Ms. Rodriguez, I swear, malapit na siya sa aking bmingo." Nagngingitngit si Michelle habang at naman ay wala ng gana pang magsalita.

I thought I can still see him. Alam mo yun, mamahalin ko na lang sana hanggang tanaw. Pero ngayon, wala na rin siya. Wala na sa school. They take them away the one thing that makes him busy. Now he have all his free time hating himself and everyone...again.

Bago ako pumasok ng gabing yun, tinawagan ko si Star.
"Kamusta ka na?"
"Okay lang Rose. Kayo?" Tanong niya.
"Okay pa." Sagot ko. "Si Lego?"
"Hindi kumikibo si Kuya. Nagkukulong lang sa kwarto niya. Nakatitig sa mga picture nila ni Kyla." Star replied.
Ouch.
"I'm sorry, Rose. Kuya is too broken..." She murmured.
"Okay lang. Ikaw Star, hindi mo ba kakausapin si Sir Blaze?" Tanong ko.
"I don't know. Ang sakit kasi, Rose. Aalis na lang ako. Gusto kong lumayo muna para magheal."
"Balitaan mo ako ha." Bilin ko.
"Ingat ka, Rose. May pasok ka ba niyan?"
"Yes. On the way na ako sa work. Ingat ka din Star. Miss na kita."

Nilunod ko ang sarili ko sa pagod. Pati si Michelle ay nag-aalala na rin sa akin. Kumuha ako ng extra shift noong kasagsagan ng bagyo. At dahil walang pasok ang Ateneo, nagstraight shift ako sa Jollibee. Pinagod ko ang sarili ko para hindi na ako umiiyak bago matulog. Gusto kong mapagod para hindi ko na naiisip ang mga nangyari.

Pagkatapos ng bagyo, nabalitaan ko na lang kay Kenshin na paalis si Star at Lego papuntang America. Doon na daw mag-aaral ang dalawa. Pinilit kong huwag maapektuhan pero sadyang tumulo ang luha ko sa harapan ni Michelle, Kenshin at Raiden. Hinayaan nila akong umiyak habang tinitingnan ko ang oras. Paano ba maging manhid? Gusto ko ng maging manhin para hindi na lang masaktan.

Buong linggo akong puyat. Na kahit pagoda ng katawan ay hindi pa rin magawang makatulog sa gabi. Kusang pumapatak ang luha ko at hindi ko magawang hindi isipin ang huling salita na sinabi ni Lego sa akin.

I can't love a cheating heart.

How ironic?! Kapuso ko si Kyla, kapatid ko pa si Noah. At dahil wala na silang dalawa, ako ang sumalo ng galit ng iniwan nila. Dapat ba akong magalit din? O magpasalamat kay Kyla dahil buhay ako?

Kinabukasan, masama ang pakiramdam ko. Kinakapos ako ng paghinga pero kailangan kong pumasok kaya pinilit ko ang katawan kong pumasok.
"Rose, ang putla mo." Comment ni Raiden sa akin ng makita ko siya sa canteen.
"Dalin kaya kita ng clinic?" Tanong niya.
Umiling ako. Tinawagan nito si Kenshin at Michelle at pinaupo ako sa canteen ni Raiden.

Kinakapos talaga ako ng paghinga at medyo nagdidilim ang paningin ko. My lack of sleep is catching up.

"Hey, Rose." Tinapik-tapik ni Michelle ang mukha ko. Nasa harapan ko nap ala siya.
"You don't look good." Sabi niya.
"Hindi ako makahinga. Nagsisikip ang dibdib ko." I said.
"What? Teka lang... medic." Natataranta si Michelle na tumayo.
"Ken, call the clinic." Utos niya.
"Rose, stay with me... Rose," Sigaw ni Michelle.
"Oh my God, Help..." Sigaw ni Michelle and I felt someone catches me.

Hindi ako makahinga... Hindi ako makahinga.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon