Epilogue

23.9K 589 79
                                    

Rose

"Lego, okay lang ako. No need pang iconfine, nabulunan lang ako ng pusit."
Sobrang nag-alala naman itong isa na ito. Ganito pala ang may nag-aalala sayo, bukod sa mga bully kong kaibigan. Masarap pala sa pakiramdam.

"Sure ka, Rosie?" Tanong ni Lego.
Tumango ako sa kanya. Nasa labas na kami ng hospital. Mabuti na lang at Pinay ang nurse kanina sa ER. Tumawa nga siya ng kinukwento ni Lego ang exaggerated version ng nangyari.

"She can't breathe. We were just eating then she turned blue." Sabi ni Lego pagpasok namin sa ER.
I rolled my eyes and said. "I just chocked with that squid that I didn't chew properly."

"Can you check her heart? She had a transplant few years ago and..."
Kinuwento na ni Lego ang medical history ko na hindi ko alam na kabisado niya. Naamaze nga ako.

Nasobrahan ako ng kain ng street food. Yun lang ang nangyari at nagkumahog agad si Lego. First time ko naman kasi sa Japan at sobrang food trip kami.
"I'm fine, Lego." I assured him.
"On the way na ang iba dito." He informed me at binalik ang phone sa bulsa.
"Jusme, hindi na kailangan."
Natawa na naman siya. "We are worried about you. Let us spoil you, vanilla toast."
Napailing na lang ako. Hindi pa siya nagrerepeat ng endearment. Parang may cavity na ang ngipin ko sa tamis ng mga salita.

"Oh my God...Sorry." Hinging paumanhin ng nakabunggo sa akin.
I tried to catch the lady dahil mukha siyang matutumba.

"Miss... Are you okay?" Nag-aalang tanong ko sa babae. Para siyang kinakapos ng hininga. Napahawak siya sa balikat ko at kumuha ng lakas.
"Lego, call some help."

Nagmamadali namang pumasok si Lego sa hospital.

"Miss..." Inuga-uga ko ang babae na nakahawak sa may bandang puso.
May sakit din ba siya sa puso?

Sinuklay ko ng kamay ang buhok niyang nakatabing sa mukha. Doon ko nakita na sobrang putla na niya.
"Miss, stay awake... Can you hear me?" Nag-aalalang tanong ko. Sumandal na ang babae sa akin. Hindi ko siya kayang buhatin... I am not that strong.
"Help..." I shouted.

Nagmamadaling lumabas si Lego sa hospital kasunod ang mga nurse na may dalang stretcher. Kinuha ni Lego ang pagkakasandal sa akin ng babae at tinulungan ang nurse na maisakay siya sa stretcher.

Sumunod kami ni Lego sa mga nurse. Dinala ang babae sa ER and I followed them.
"Labas ka muna bhe." Sabi ng nurse na Pinay sa akin habang nilalagyan nila ng IV fluid ang babae na nawalan na ng malay. Nilagyan din nila ng oxygen mask ang babae na namumutla na.

"Labas muna tayo, Rose. Sa labas na lang tayo maghintay." Inakay ako ni Lego palabas ng ER.

Nakasandal kami ni Lego sa pader habang naghihintay ng doctor na matatanungan.

"Lego..."
"Yes, barbie doll?"
My smile automatically appeared and I rest my head on his shoulder.
"I love you." I murmured.
"I know Rose. And I love so so very much." He replied. I felt his kiss on my hair.
"Life is too short to waste it... Hospital always reminds me of my time."
My mind went to the lady that is inside of ER. She's young. Parang nasa range ng age namin nila Star o baka mas bata pa nga.

"Kuya, ano ang nangyari?" Humahangos na patakbong lumapit sa amin ang mga kaibigan namin. Si Ken, Raiden, Star at Blaze, Michelle at Brix.
"Okay ka lang ba Rose? Hindi ka ba marunong ngumuya?" Tanong ni Sir Blaze sa akin.
"Okay lang ako Sir." Sagot ko naman.

"Okay naman pala siya. Tara na..." Yaya ni Kenshin.
"Sandali lang. May hinihintay lang ako." Pigil ko sa kanila na patalikod na.

"Miss... gising na ang pasyente. Hinahanap ka." Nalingon ako sa Pinay na nurse na nasal abas ng ER.
"Sinong..." Hindi ko na narinig ang tanong ni Ken. Sumama na ako sa nurse at kasunod ko si Lego.

Napalitan na ng hospital gown ang babae na nakahiga sa isang bed. Una kong napansin ang mga pasa niya sa braso.

Kumaway siya ng bahagya sa akin at pilit na tinatanggal ang oxygen mask.
"No...don't." Pigil ko sa kanya.
"Okay na ako... Thank you nga pala." Sabi nito.
"Pinay ka din. Sino ba ang pwede naming tawagan na family mo? By the way I'm Rose and my... boyfriend Lego." Pagpapakilala ko. Lego beam when I introduced him as my boyfriend. Shocks... hindi pa ako sanay. Namumula pa ako.

"Lego... Rose...aaalis na ba..." Napatingin kami sa likod namin at nahinto naman si Ken sa paghakbang.

"Dominique..." He murmured. And Kenshin looks like he saw a ghost.
"Iwan na muna natin sila, gummy bear." Lego said urging me to move. "Sa labas lang kami, bro." Paalam ni Lego kay Ken. He clapped his shoulder and Ken nodded at us.

"Kilala mo siya?" Bulong ko kay Lego ng makalayo kami kina Ken na hindi pa rin gumagalaw sa pagkakatayo.
"Not personally. Pero baka siya ang hinahanap ni Ken na Dominique." Sagot ni Lego.
"Bakit hindi ko alam yun?"
"Boy talk, munchkin." He tapped my nose.

Bago kami lumabas ng ER, lumingon muna ako kay Ken. He looks... defeated.

"Rose... we will find a way to help her. Huwag ka ng malungkot." Bulong ni Lego sa akin.
"I love you." I told him again.
My Lego smiled. "Love you too, cinnamon."

- The End

-------------------
A/N
Eto na naman ang note ko na hindi babasahin ng iba.

Kenshin is our next... yes... excited
Marami akong nakaline up mga vhakla, pagpasensyahan nyo na ako sa kabagalan ko.
I will try again, to rewrite ang For Me Series.
Yun nga lang rewriting is not my favorite part. (and also editing)

Follow me in IG- wattpad_yumi
FB- wattpad-yumi
FB group - Yumi Girls

Para sa mga chika at chismis ng mga vhakla...
Hanggang sa susunod na story. Mwaahhh

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon