Chapter 14- Aparisyon sa Jollibee

11.6K 398 17
                                    

Rose

Itong si Michelle, hindi ko alam kung itatakwil ko eh. Sobrang clingy nya, friend. Daig pa ang boyfriend, panay tawag. Kinakabahan daw siya dahil hinahanap ni Sir Blaze si Star at mukhang bad trip daw. Sa sobrang taranta niya, sinabi niya ang hide out ni Star.

"Oo nga, nandito na ako sa library." Inutusan pa ako nito. Naku, hindi ko pa nga pala nasasabon ang isa na ito dahil sa pagtambay sa Jollibee kagabi. Nahahawa sa kapilyahan sa dalawang hapon na iyon.

Pagliko ko sa aisle, nakita ko si Star at Sir Blaze na magkausap. Uh-oh!
"Nakita mo na ba?" Tanong ni Michelle.
"Eh, mukha naman siyang okay. Bukod sa namumula siya." Sa kilig yata... Hahaha, naku naku Star. Asarin ko muna si Sir Blaze.
"Star, uuwi ka na ba? Ay, mawalang galang lang Sir Blaze, nandiyan ka pala." Pasintabi ko sa malaking mama. Bakit ba kung makasandal si Sir sa estante ng libro parang model? Malandi talaga si Sir Blaze.
"Okay sige, bye na Michelle. Ang kulit mo." Tinago ko ang cellphone na binigay ni Michelle sa bag.

"Naistorbo ko ba kayo?" Maang-maangan ko.
"Oo, sa palagay ko." Sarcastic na sagot ni Sir Blaze. Hahaha, taena, papatulan na yata ang kakulitan ko ni Sir.
"Ay mawalang galang ulit sir, pero kasi kagagaling lang sa sakit si Star. Huwag nyo munang pag-quizin sa subject mo, nakakababa ng platelets ang quiz nyo eh." Seryosong sermon ko pero huwag ka sa pula ni Star parang heart to heart ang usapan.
"Mukha naman talagang hindi ka gumagalang, Rose." Sarcastic na sagot ni Sir Blaze.
Natawa ako ng bahagya. Napipikon na siya.
"Sige, umuwi na kayo. Ingat sa pagmamaneho, Star." Taboy sa amin ni Sir.
Nahihiyang tumango si Star.

Nang masigurado kong wala si Sir sa likod, inusisa ko na si Star.
"Ano ang drama ninyo ni Sir Blaze?"
"Alam na niyang ako si Sexylove." Sagot nito.
Napahinto ako. "What? How? So talagang naistorbo ko pala kayo? Akala ko sinasave kita sa tiyak na kapahamakan. Loko 'tong Michelle na ito, akala niya galit si Sir Blaze ng tanungin siya kanina kung nasaan ka." Jusme, nakaistorbo ako ng lovelife nya. Sasakalin ko itong Michelle na ito.
"'Di, okay lang. Buti nga dumating ka, gusto ko ng maging libro kanina sa sobrang hiya ko."
Tumawa ako ng pagkalakas-lakas kaya napatingin sa amin ang ibang student. Hinila ako ni Star hanggang sa mapunta kami sa parking lot.
"Paano niyang nalaman?" Tanong ko ulit.

Sumandal si Star sa kotse niya at kinagat-kagat ang labi. "Nung excursion, nakihiram siya ng phone sa akin. He was trying to call...me. Eh di My Number ang lumalabas doon."
Tawa ako ng tawa. Taena si Sir, nanghiram pa ng phone. Sabi na eh, may pagkamalandi si Sir nung pauwi eh.
"So, ano na ang balak mo?"
"Yun nga, ano ang gagawin ko?" Balik na tanong ni Star sa akin.
"Ano ba ang sabi ni Sir?" Jusme, chismis ito.
"Shhh huwag kang maingay. Pumasok ka nga sa kotse."
Nagmamadali akong pumasok sa kotse at parang hinabol ng sampung tanod si Star kung magmaneho palabas ng Ateneo.

"Ano na ang sabi ni Sir?" Pangungulit ko ng nasa daan na kami. Pasuspence pa, kinakabahan ako.
"Tinatanong nya kung kailan kami manonood ng sine ulit."
"Waaahhhh, shit." Hinampas ko sa braso si Star sa sobrang kilig. "Tangina, ang landi nyo. So, ano ang sagot mo?"
"Na bawal ang student-faculty achuchu sa school." She pointed out. Oo nga pala.
"Tama naman. Ano sabi niya? Magkwento ka nga ng buo, kailangan pa kitang tanungin."
"He said he doesn't care. Magreresign naman din daw siya." Sagot ni Star.
"Jesus, seryoso ba si Sir? Hala Star, seryoso si Sir sa iyo." Kenekeleg ako.

"Babalik daw siya sa Overdrive. Aalis na kasi si Drake. Mag-aasawa daw and magmimigrate sa US." Pagkukwento ni Star.
"Ahh so drummer boy ulit siya. Oh my God, Star. Pasado na tayo sa Math nito." Tumatawang conclude ko. Hahaha sarap gisahin ni Sir Blaze nito.

Pero bago ko magisa si Sir Blaze, ako muna ang ginisa sa Jollibee pagpasok ko.
"Rosie," Tawag ni bakla sa akin.
"Che," Nilagpasan ko siya at pumunta ako sa locker room.
"Palit tayo ng counter. Doon ka sa pinakadulo muna." Suggestion ni bakla sa akin.
"Malayo yun sa estante. Gusto mo akong mamatay sa kakalakad?" Tanga yata itong bakla na ito.
"Sige na para naman makasilay ako kung dadating ang mga wafu na fafa mamaya."
Dadagukan ko ito eh. Jusme, nangangarap pa rin hanggang ngayon.
"Ayaw kong makipagpalit. Doon ka na lang sa tabi ko kung gusto mo kagaya kagabi."
"Eh, nauna na si Tisay doon eh." Reklamo nito.
"Eh di makipagpalit ka sa kanya." Sagot ko.
"Di naman makasupport ito sa love life." Nakangusong reklamo ni bakla. Hindi na ako nakatiis, dinagukan ko na talaga.
"Su-support ko lovelife mo, bukas nakaburol ako sa pagod. Alam mong kaya nasa malapit ako dahil sa sakit ko sa puso, ilalagay mo pa ako sa malayong counter. Gaga ka ah. Lumabas ka nga, sasapatusin kita eh." Inambaan ko pa ng suntok si bakla kaya nagmamadali siyang umalis ng locker room.

Paglabas ko sa locker room, nagtatalo si Tisay at bakla kung sino ang tatao sa tabi ko. Dahil sa lecheng si Kenshin at Raiden, nagkagulo pa kami sa counter ngayon. Damoho 'tong mga hapon na ito.

Bandang 9: 30pm ng mapatulala si bakla sa counter sa tabi ko. Ako naman, dahil mahaba ang pila sa akin dahil first counter ako, hindi ko naman napansin kung bakit sila hindi gumagalaw ng katabi niya pang counter.

"Sir," Kaway ni Tisay sa dulong counter. Naglipatan ang ibang nasa pila ko kaya after ng sineserve ko napatulala din ako ng bumungad si Lego. Naka simpleng shirt lang naman siya pero bakit mukha siyang fresh.

"Hi," Bati niya.
"Welcome to Jollibee," Sagot ko.
Narinig kong tumikhim si bakla kaya ako natauhan.
"May I take your order, Sir?"

"Large fries, dahil hindi mo na ako dinadalan ng fries." Sabi niya.
"Ohhhh..." Comment ni bakla sa tabi ko habang nagpupunch ng order.
"Ma'am, pavoid." Sigaw niya. Ayan kasi, chismosa amputa.

"Would you like to order something together with fries? Dine in or take out?" Tanong ko kay Lego.
Sarado ba ang 7/11 at nandito ito ngayon?
"I'll go with Amazing Aloha. Dine in please." Sagot ni Lego.
Jusme, mas lalong namuti si Lego dahil sa liwanag sa Jollibee. May pores ka pa ba sa mukha?
"I suggest to make it a meal para may softdrinks na kasama."
"Sure. Make it large sprite." Sagot nito.
Inulit ko ang order niya at tumango naman siya.

Nakatingin pati ang manager ko kay Lego ng tumalikod ako para kumuha ng sprite. Para silang nakakita ng aparisyon kay Lego.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon