Chapter 17- Cloud 9

12K 468 40
                                    

Lego

"Hindi ba delikado sa lugar ninyo?" I asked Rose ng nasa daan na kami.
Hindi siya kumibo. Nakahulakipkip siya na parang bata at nakatingin sa bintana.
"Hoy Rose. Kinakausap ka ha!"
"Bati ba tayo ha? Bati tayo?"
Natawa ulit ako ng bahagya.
"Ano ka, bata?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Antok ka na ba?" Tanong ko ulit.
Bumuntong hininga si Rose bago sumagot.
"Hindi pa nga eh. Ang aga-aga pa. Ano ang gagawin ko sa bahay nito?" Reklamo niya.
"Eh di tambay muna tayo. Sinabi ko na kay Kenshin ang nangyari."
Muntik ng matanggal ang ulo ni Rose sa biglang pagharap sa akin. Di, exaggerated lang pero you get my point di ba?
"Ano ang sabi ni Kenshin? Kanina lang na nasa Jollibee kayo? Kaya pala hindi nya naubos ang fries." Sunod-sunod na tanong niya.

Hindi ako kumibo. Instead na ibaba ko siya sa Marikina, dumeretso ako ng daan pa-Antipolo.
"Hoy, ano ang sabi ni Kenshin? Kilala niya ba sila?" Usisa niya.
"Kilala niya yun. Kabarkada namin si Noah sa dating school namin." I replied.
"Ahhh... Oh tapos?"
"Ang usisa mo." I playfully told her.
"Mag-U-turn ka nga, ibaba mo na lang ako." Utos niya na bumalik na naman ang pagkakainis.
"Pikon nito. Mamaya na kasi magkwento. Nagmamaneho pa ako."
"Pero magkukwento ka?" Pangungulit niya.
"Ewan."

Dinala ko si Rose sa Cloud 9 resto. Gusto ko ang view dito pero ayaw ni Kyla noon.
"Ganda naman dito." Sabi ni Rose.
"You think so?"
Tumango si Rose.
"Grabe ang ganda ng Metro."Sabi niya habang nakatanaw sa mga ilaw ng Metro Manila.
"Kaso ang ginaw." Biglang nagshake ang katawan ni Rose.
"Nu ba yan, ang ginawin mo." Hinubad ko ang jacket ko at pinasuot sa kanya.
"Hindi ako lumaki sa aircon, pasensya na." Sarcastic na sagot niya.

"Ano gusto mong kainin?" I asked her.
Umiling si Rose. "Hindi ako gutom. Bakit nga pala tinakas mo ako sa trabaho ko para lang tustahin sa ginaw ng Antipolo?"
"Alam mo ayaw ni Kyla dito."
Nakunot ang noo ni Rose. "Bakit?"
"Ayaw niya ng malayo sa city."
Natawa ng bahagya si Rose. "Nakakasawa kaya ang ingay ng Metro Manila. Jusme, dun lang sa mga kapitbahay ko, sawang-sawa na ako eh."
"Hindi ba delikado sa inyo? Tinatanong kita kanina, hindi ka sumasagot."
"Delikado sa chismis. Konting kembot, may chismis. Pati iPhone na binigay ni Michelle, nachismis."
Napapailing ako habang namimili ng kakainin.
"Kakain ka na naman?" Tanong ni Rose.
"What's wrong with that?" Tinawag ko ang waiter at binigay ang order ko. Share na lang kami ni Rose, for sure naman hindi maselan 'to sa pagkain.

"Kaya ka siguro binabangungot dahil busog ka tuwing natutulog." Sabi nito.
Natawa ako ng bahagya.
"Tawa ka ng tawa, para kang engot. Bakit ayaw mong sabihin kay Star ang nangyari sa'yo?"
"One at a time, Rose." I inhale deeply.
"Pwedeng magtanong?"
Tumango ako. Eto naman talaga ang kailangan ko sa kanya, ang kausapin siya.
"Paano mo nalaman na magjowa...you know... sila?"
"When they got into an accident, I went to the hospital and found Kyla's mom. Tapos dumating ang parents ni Noah and they started to get hysterical. Sabi ng mommy ni Noah, they were going to somewhere in Bicol for their monthsary ng maaksidente sila."
"They knew you, right?" Tanong ni Rose.
"Yes. Noah was my best friend." Huminga ako ng malalim.

"Hindi man nila binawalan ang anak nila? I assume kilala nila si Kyla as your girlfriend."
Tumango ako.
"When Noah's parents saw me at the hospital, wala man lang remorse sa ginawa ng anak nila. As if I didn't exist." Pagkukwento ko.
Hindi nagsasalita si Rose, nakikinig lang siya sa akin. Siguro kaya hinahanap ko ang presence niya dahil marunong siyang makinig. Hindi gaya ng mga dating Psychologist at Psychiatrist ko. They wanted me to do things without asking me what's really went wrong.

"Have you talk to them since then?"
Umiling ako. "I can't..." Humanga ako ng malalim ulit.
I was saved by the food that I ordered.
"Ang dami mong inorder. Mauubos mo lahat iyan?" Tinaasan ako ng kilay ni Rose. Binigyan kami ng tig-isang glass ng waiter at sinalinan ng iced tea.
"Eat, Rose. Magugutom ka sa kwento ko." Inusog ko sa kanya ang pica-pica.
Kumuha si Rose ng potato wedge at nagtanong.
"Why?"

"Why I haven't talked to them?"
Tumango si Rose bago kumagat ng wedge.
"I dunno. Maybe..."
Natahimik ako at hindi ko namalayan na nanginginig ang kamay ko until Rose hold it.
"It's fine, you don't have to answer." She said.

"I'm still angry." I murmured.
"And you have all the reason to be angry." She patiently said.
"I trusted them, Rose."
Tumango siya. "Alam ko."
"But they betrayed me."
Hinigpitan ni Rose ang paghawak sa kamay ko.
"That's selfishness on their part, Lego. Okay lang na aminin mong galit ka."
Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko.

"Ngayon ko lang naamin na galit ako sa kanila."
She smiled a little and let go of my hand. And for a while, I wished she didn't release it.
"Because somehow Lego, you were walking away from their memory that binds you. You are starting to have your life back, little by little."
The wind blows her hair and she tucked few behind her ears.
"Thank you," I said softly.
Tumango si Rose at kumuha ulit ng potato wedge.

Could it be? I have a chance to be healed? Is she healing me?

------------------
A/N

I am terribly busy today. Kumuha lang ako ng sandali para makapagsulat.
Pero dapat talaga nagluluto na ako sa mga oras na ito hahaha.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon