Chapter 11- As a Kakilala

12.2K 440 43
                                    

Lego

"Saan ba tayo pupunta?"
Pang-ilang tanong na ni Rose iyan. Nagpark na ako sa Greenbelt, hindi niya pa rin alam na nasa Makati kami?
"Kakain dito."
"Bakit dito pa? Ang layo naman ng kinakainan nyo." Reklamo niya.
"Maraming tao sa mall na malapit sa school." Paliwanag ko.
"Eh di sana sa SM Megamall na lang."
"Malagkit ang sahig sa SM." Hindi niya ba nararamdaman yun?
"Ay wow..." Sabi niya. Anong level ka sa kaartehan?

I am craving for bulgogi kaya sa isang Korean BBQ ako pumunta. Nakasunod naman si Rose at hindi kumikibo.
"Table for how many, Sir?" Tanong ng waitress sa akin.
"For two." I replied.
Lumingo ako kay Rose na nakakunot naman ang noo habang sumusunod sa waitress.
"Eat all you can ha, kaya kumain ka ng kumain." Sabi ko sa kanya.

Tahimik pa rin na sumunod si Rose sa akin sa buffet table. Kumuha ako nga meat samantalang puro gulay ang kinuha niya.
"Bakit puro gulay yan?" Tanong ko sa kanya ng naggi-grill na ako sa table namin.
"Hindi pwede sa akin ang baboy." Sagot niya.
"Beef?" Tinaas ko ang beef sa harapan niya bago nilagay sa grill.
"Bawal din. Actually, bawal yung taba pero gulay na lang ang kainin ko kung gusto ko pang mabuhay ng matagal." Sagot niya. Nilagay ang corn sa grill at saka sya sumubo ng kimchi.
"May sakit ka ba?"
She rolled her eyes. "As if hindi ka nakikinig sa usapan namin ni Sir Blaze nung weekend."
"Akala ko nagdadahilan ka lang."
"May pagka-antipatiko ka ano?" Sarcastic na tanong niya.

"So may sakit ka nga sa puso?" Usisa ko.
"Dinala mo ako dito para makichismis ng buhay ko? Akala ko ba ako ang makikinig? Bakit panay ka tanong?"
Nagkibit ako ng balikat. "Kumakain pa ako eh. Baka mawalan ako ng gana."
Natahimik na naman kami ni Rose. Hinayaan ko muna syang kumain bago ako nagtanong ulit.

"Anong klase ang sakit mo sa puso?"
Nanguso si Rose sa tanong ko.
"Ayaw kong pag-usapan." Sagot niya.
"Ako din naman, ayaw kong pag-usapan ang inuusisa mo sa akin." I told her.
Nakatitig si Rose at ngumunguya bago siya tumango.
"Fair enough.' She replied.

"I had coronary artery disease. Lumiliit ang coronary arteries ko that cause my heart failure." She shrugged her shoulder. "Pang mayaman ang sakit ko."
"Are you in meds?"
Hindi ba serious ang heart failure? Bakit nagtatrabaho pa ang isa na ito?
Tumango si Rose. "Mayroon naman libreng gamot sa PGH. Free naman ang check-up doon ni Doc. Trevor."
"Trevor? Agoncillo?"
"Hala bakit mo kilala?" Manghang tanong ni Rose. I snorted and continue to eat.

"Kung may sakit ka puso, bakit nagtatrabaho ka pa? Kung sumabit ka sa jeep parang wala kang pamasahe."
Natawa ng bahagya si Rose. "Actually, wala akong pamasahe talaga nung nakita mo akong sumabit sa jeep. Saka wala na nga si nanay ko di ba? Ako na lang mag-isa sa buhay."
Paano ka pa nakakabangon sa umaga?
"Your father?"
Parang nawalan ng gana si Rose at binaba ang chopstick.

"Kapag kinuwento ko ba sa iyo, magkukwento ka sa akin?" She challenged me.
Napaisip ako. Kaya ko na bang magkwento talaga?
"I can share with you the things I can say." Maingat na sagot ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Rose bago kinuha ang chopstick.
"Anak ako sa labas." Sabi niya.
"Hindi mo kilala ang tatay mo?"
Bakit ang gaan kausap ni Rose?
"Kilala ko." She replied. "Pero ayaw akong kilalanin." Nagkibit balikat siya.

"And okay lang sa iyo yun?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko hawak ang utak ng tatay ko. Pero hawak ko ang emotions ko, kaya pinili kong huwag na lang masaktan. Kung hindi niya ako matanggap, may magagawa ba ako? Sagot ni Rose.
"And besides Lego, tinulungan na akong mabuhay minsan ng tatay ko. Para sa isang tao na ayaw akong kilalanin, siguro sapat na yun para kapalit ng mga pagkukulang niya. Pero hindi naman ako magpapaka-hypocrite na hindi nasasaktan. Mayroon din akong insecurities dahil sa pagtanggi niya."

Paano niya nakakaya? Nawala ang nanay niya? Wala siyang tatay?

"Paano mo nakakaya?" Curious lang ako kung bakit hindi pa siya sumusuko.
"I can't change the direction of the wind, but I can adjust my sails to always reach my destination." Sagot niya.

"My bestfriend and girlfriend cheated on me." I blurted out. Napakunot ng noo si Rose pero hindi nagcomment.
"I didn't know they were together until," Huminga ako ng malalim.
"Until they died in a car accident."

Parang pati ang paligid namin ay natahimik. Gaya nga ng sinabi ni Rose, hindi nga siya kumibo.
"Wala ka bang sasabihin?"
"You want me to say something as a Psychology student or as your kakilala?" Tanong niya.
Smart ass...
"As a Psychology student," I replied.
"Grieving and anger, a lot of times go together. Grieving for others may not be the same to you or to me. We have a unique way to deal with it. It is common to grieve when you lost someone as long as you feel that anguished. Same as anger. You have your own way of dealing with it. Probably in your case, you just kept it inside of you which is not good because you are hurting your self in a long run. Start to accept that they are gone. Then forgive them for what they did and yourself for what you didn't do. Then slowly, let go. Sometimes holding the rope is more painful than letting go."
I heard that already. Different words but same meaning. From Psychiatrist to Psychologist, clinic by clinic. There is nothing new on what she said, but there is something new on how she said it.

"As my kakilala? What can you say about that?"
"Tangina, kawalan nila yun Lego. Ikaw ang naiwang buhay at hindi sila. Ang sarap kayang mabuhay. Learn to live again." Sabi nito.

I don't know, for the first time in three years, every word make sense. And I think my lips move and I made a small smile.

"Kumain ka na nga. Mapagmura ka." I told her.

Start to accept sabi nga ng huling Psychologist na nakausap ko. Ayan siya, kinain ang mga inihaw ko, nagutom yata. Nagpapanggap lang itong ayaw ng meat. Napapailing akong tumayo at kumuha ulit ng beef.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon