Chapter 12- Battousai

11.2K 394 20
                                    

Rose

"Rose," Sigaw ni Michelle sa hallway.
"Hey, lower it down." Pagbabawal ng isangs student council sa kanya.
"I'm not talking to you ha." Sagot ni Michelle sa babae.

"Saan ka galing kanina? I thought you were just in the Library? I made hanap you everywhere."
Sasabihin ko ba sa kanya? Baka maraming follow up questions si Michelle na hindi ko masagot. And besides, nawindang din ako sa sinabi ni Lego. Although hindi na ulit siya nagkwento, it's enough para malaman ko na hindi pa siya nakakamove on sa nangyari sa kanila ng bestfriend at ex niya.
"Kumain lang somewhere." I replied.

"Oy Michelle, ilang babae pa ang tatawag sa phone na ito." Kinuha ko ang iPhone at binabalik ko sa kanya.
"Did someone called?" Nakangiting tanong ni Michelle.
"Uh-huh. Baka mapatay pa ako sa iPhone mo. Balik ko na sa iyo."
"Huwag na. Please sa iyo na. Kunin mo na, Rose. Anyway, saan ka after class?" Tanong niya at sinabayan akong maglakad.
"May pasok ako sa Jollibee."
"As in? Wala akong kasama after class." Sabi nito.

"Saang Jollibee?"
Napatalon kami ni Michelle sa boses ni Kenshin. Jusme yung puso ko. Taenang mga ito.
"Huwag nga kayong nanggugulat. Nakastapler lang ang puso ko eh."
Natawa si Kenshin at nakisabay sa aming maglakad. Himala at wala ang kapatid niya.
"Wala yata ang anino mo." Hinanap ko pa si Raiden.
"Ahh, may pinopormahan eh." Sagot nito.
"Ayun pala, eh di kayong dalawa na lang ang magsama after class." Tinuro ko si Michelle kay Kenshin.

"Uy Rose, may boyfriend ka na ba?" Biglang tanong ni Kenshin na ikinatawa ni Michelle at ikinahinto kong maglakad.
"Nice, ninja moves. Battousai." Nakipag high five si Michelle kay Kenshin.
"Wala akong boyfriend. Ako nga huwag nyo akong nilolokong dalawa." Sagot ko.
"Nagtatanong lang ako." Kaila ni Kenshin.

"Ken," Napatingin kaming tatlo sa likod namin.
"Uy Lego," Bati ni Kenshin. "Tamang-tama. Pakisabi naman kay Rose na mabait akong tao."
Kumunot ang noo ni Lego kay Kenshin. Si Michelle naman ay tawa nang tawa na parang baliw.
"Alam natin na babaero ka. Gagawin mo pa akong sinungalin." Sagot ni Lego.
"Yun lang. Tsk...tsk..." Pang-aasar ni Michelle.
"D'yan na nga kayo." Naglakad ako palayo sa mga baliw na mayayaman na yun.

Pagkatpos ng klase ko, suot ko ang ngiti sa labi, bumati na ako sa counter ng isang "Good afternoon, welcome to Jollibee. May I take your order?"

Sa loob ng ilang oras ganun ang dialogue ko at kung todo smile. Alam ng manager ko na may sakit ako sa puso kaya nasa cashier lang ako at hindi sa kitchen. Kailangan ko ang work na ito kung hindi mamamatay akong dilat sa gutom.

Naningkit ang mata ko ng makita si Michelle na kung todo ang kaway kasama si Kenshin at Raiden. Kakatusan ko ang tatlo na ito.
"Hi, welcome to Jollibee." Bati ko sa kanila ng nasa harapan ko na sila.
"Hello Rosie," Bati ni Kenshin. I rolled my eyes and plaster my smile kahit gusto kong pukpukin ng tray si Kenshin. Alam mo yung ngiti niya na may halong kapilyuhan.
"May I take your order?" Magalang na tanong ko sa kanila.
Nagkagulo ang tatlo sa order nila. Hindi magkasundo kung bucket ang kukuhanin orseseparte na order. In the end tig-isang bucket silang tatlo. Mauubos ba nila iyon?

Hay jusme, mabuti nga at nandito si Michelle. Nabadtrip kami kanina kay Ms. Rodriguez. Naikwento ko tuloy kay Star kanina bago ako pumasok dito kung paano maglandi ang babae na iyon. Mukhang badtrip pa rin si Michelle dahil nakakatatlong manok na.

"Psst...Rose, Kilala mo?" Ngumuso si bakla na katabi ko sa counter sa table nila Michelle.
"Schoolmate ko." Bulong ko habang nagpupunch ng order ng nakapila.
"Wafu. Ano name nila?"
"Michelle yung babae." Sagot ko naman.
"Baliw, yung dalawang fafa." Tanong ulit ni bakla.
"Beh, Ateneo nag-aaral yan. Huwag ganun ang pangarap. Dun lang tayo sa budget meal." Sagot ko sa kanya na ikinaikot ng mata. Nakangiti akong nagthank you sa customer.
"Next," tawag ka sa susunod.
"Grabe naman. Di ba pwedeng friends lang ang gusto ko?" Tanong ni bakla.
"Friends lang ba ang gusto mo?"
"Syempre hindi." Mabilis na sagot nito.
"Dun tayo sa realidad, gurl. Magtrabaho ka." Taboy ko kay bakla.

Kahit nakajeans lang ang tatlo mukha pa rin silang kakaiba sa loob ng Jollibee. May ano sila eh, may kakaibang glow, parang may spotlight laging dala. Alaga kasi sa glutha. Hahaha, natawa si innerself.

"Rosie, what time ang out mo?" Tanong ni Michelle. Dahil hindi naman kalayuan ang table nila sa counter, nilakasan na lang niya ang boses niya.
"Mamaya pa." I replied.
"As in? Gosh, I am antok na. See you na lang tomorrow Rose." Kaway ni Michelle sa akin.
"Let's go guys." Yaya niya sa dalawa.
"Busog pa ako." Angal ni Raiden.
"Rosie, ingat ka ha. I'll see you tomorrow." Kaway ni Kenshin.

"Nanliligaw ba sa'yo yung isang singkit?" Usisa ni bakla.
"Hindi noh!" Hay, kinilabutan ako.
"May pa-Rosie pang tawag sayo. Kyaaahhh landi." Kinurot ako ni bakla sa tagiliran.

Jusme, pahamak ang Kenshin na iyon. Tutuksuhin na naman ako ng mga hinayupak na kasamahan ko nito.

"Haba ng buhok ni Rose, pakiiwasan nyo nga." Tukso ng Manager namin.
Ayan na nga. Tatamaan si Kenshin sa akin bukas.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon