Chapter 30- Oppa

12.9K 429 26
                                    

Lego

The last three years have been good to her. She looked beautiful in her dress. She looked happy with our friends. The only thing I don't like is how that guy put his hand on her back. A small gesture, probably to help her get stable because of her high heels. Her back that is lacking of fabric today and it suits her.

"Hindi mo lalapitan?" Tanong ni Kenshin sa tabi ko.
"Mamaya na lang. Baka himatayin kapag nakakita ng multo." Biro ko.
"Natatakot ka lang eh. Mauna na kami. Kita tayo sa reception." Ken clapped my shoulder and they went to the group.

"Rosie," Bati ni Kenshin at biglang niyakap si Rose mula sa likod at binuhat. Tarantado talaga.
"Ibaba mo ako, bwisit ka. Nakadress ako ah." Nagpupumiglas si Rose.
"Dalagang-dalaga ah." Tukso ni Raiden.
"Syemps. Kamusta mga hapon?" Tanong nito. Nakipagbiruan siya sa mga kaibigan namin habang hinihintay si Michelle.
Pasimpleng tumingin sa akin si Kenshin at ngumisi. Very mature, Ken.

Naupo ako sa pinakamalayong upuan para hindi ako makita ni Rose. Pero luminga-linga siya. Can she feel my stare? Ako ba ang hinahanap niya. Then that guy whispher something to her and hold her hand to put on his arm.

"Tang-ina." Bulong ko na narinig ng isang matanda na padaan sa gilid ko.
"Nasa simbahan ka." Saway niya sa akin.
"Sorry po." Hinging paumanhin ko.

Nagsimula na ang kasal at lumakad si Rose kapartner ang lalaki na iyon. At hindi ko gusto ang nakikita ko. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maghiwalay sila sa harap ng altar. Did he wink on her? Ahhh putangina, Kenshin. Bakit hindi ko alam ito? Sino ang lalaking ito? Kulang ka sa balita Kenshin.

Panay putangina ang inabot ng kapartner ni Rose sa isip ko habang kinakasal sila Michelle at Brix.

Sa reception, panay pa rin bulong nito kay Rose. Naabutan ako nila Kenshin at Raiden na mukhang papatay na sa inis sa pinakadulong table.

Nagtatawanan silang dalawa ng lumapit sa akin.
"Sino yun?"
"Sabi na eh." Naghigh pa si Raiden kay Ken. Tumabi sila sa akin at pinagitnaan ako. Parang tukso ang dalawa ng umusog sa magkabilang tagiliran ko.
"Si Ryker, bandmate ni Brix." Sagot ni Ken.
"At?"
"At nagseselos ka." Biglang tumawa si Raider.
"Lego, matagal kang nawala." Nakangising sagot ni Kenshin.
"Mag-uumpisa ka sa umpisa. Walang shortcut pre." Tinapik-tapik ni Raiden ang balikat ko.
"Talagang nasa huli ang pagsisisi." Bulong ni Ken.
"Ay bumubulong kay Rose... ano kaya ang sinasabi ni Ryker?" Sulsol ni Raiden na nasa tabi ko.

"May we call the Maid of Honor and Bestman for their message to newlywed?"

Tumayo si Rose at kumapit na naman sa braso ni Ryker.
"Ang clingy nya." Ang bitter ng comment ko, oo na. Tawa ng tawa si Raiden at Kenshin.

"Tangina, hindi ka naman seloso dati. Kaya nga siguro hindi mo napansin na close na si Kyla at Noah noon. Pero malapit ng bumuhal si Ryker sa sama ng tingin mo." Puna ni Raiden.
"Malapit na nga." I replied.
"Ganyan talaga. Tanga ka eh. Iniwan mo eh." Sige pa Raiden, asarin mo pa ako.

"Hala, yumakap ba sa likod si Rose?" Inosenteng tanong ni Kenshin habang pinapanood namin ang speech ng kumag na si Ryker.
"Namo ka, sige pa. Gatungan mo pa ako. Gatong pa, konti lang eh." Naiinis na nga ako eh.
Nagtawanan na naman ang dalawa.
"Tigilan na daw si Oppa." Tanginang Raiden... Hayop na mapag-asar.
"Annyeonghaseyo, Oppa Lego." Ginaya ni Raiden ang accent ng Korean. Walang hiya.
"Saranghaeyo."

"Hayop ka, iwanan mo nga ako, Raiden." Tinulak ko siya palayo sa akin.
Tangina, napapagkamalan nga akong Korean kahit saan ako magpunta.

"Ayan na pre, humiwalay na. Chance mo na. Bilis." Kalabit ni Kenshin sa akin sa balikat.
"Pasukin mo na sa CR." Bulong ni Raiden.
"Gago..." Binato ko ng table napkin si Raiden bago ako tumayo. Inayos ko pa ang suit ko at baka nagusot.

Okay...
Kamusta na Rose? Fuck, so lame.
Uy, we meet again. Haha, tangina, ano ba?
Can we talk? Much better siguro yun.
Okay, I'll start with can we talk.

Hinintay ko siyang lumabas ng toilet. Nakatayo ako sa hallway at ng lumabas siya ng nakayuko, hindi ko alam kung haharangin ko ba. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi siya naiwasan ng mabubunggo niya ako.

"Ay, sorry." Hinging paumanhin niya agad.
Nag-angat siya ng tingin and my God, I forgot how to speak. Natulala ako sa kanya. Her eyes went wide when she saw me and her lips parted a little like she wanted to say something but no words came out. My heart beats fast and I swear I wanted to weep in front of her and ask for her forgiveness but I can't find my voice.

"Rose," Tawag ng isang lalaki mula sa likuran ko.
"Okay ka lang?" Tanong ni Ryker. Nakaharap siya kay Rose at nakatalikod sa akin.
"Okay lang." She replied. Her voice, iba pa rin sa personal.
I sometimes call her just to hear her say hello. I missed talking to her and listening to her voice. I miss her.

"Let's go. Kailangan na tayo doon." Hinawakan ni Ryker ang kamay niya at inakay palayo si Rose.

Doon lang ako natauhan ng wala na si Rose sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin and when she looked back, I know that I will do anything just to win her back. I will win her back.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon