Chapter 9- Pangarap

11.2K 382 12
                                    

Lego

Ang sarap niyang matulog, tangina, kinakainggitan ko ang pagtulog niya. Hindi ako nakatulog kagabi. Natatakot ako sa mga panaginip ko. Natatakot ako sa katahimikan dahil sa tuwing tahimik ang lahat, doon mas lalong nagwawala ang utak ko. Doon ako mas sinasaktan.

Umuwi ako sa Country Club pagkatapos ng excursion. Isinama ko si Star kahit may pasok na din kami bukas at kailangan naming bumalik bukas ng umaga.

Habang nagmamaneho ako, iniisip ko ang mga sinabi ni Rose. Ano ba ang maitutulong niya kung magsasalita ako sa kanya? Kung ang Psychiatrist nga, hindi ako natulungan, siya pa kayang estudyante pa lang?

My room in the Country Club is a bitter reminder of my pain. Kyla's picture is still at my bedside table. My picture with Noah is on the other side of my bed. Nasa wall pa rin ang mga picture namin ni Kyla mula ng maging kami. It's like a museum of painful memories.

"Saan ang room ng victim sa road accident sa SLEX?" tanong ko agad pagpasok ko sa hospital.
"Nasa ER pa." Sagot ng receptionist.

Nagmamadali akong pumunta sa ER. Nandoon nap ala ang magulang ni Kyla.
"Tita, how's Kyla?" Tanong ko sa kanila. Biglang yumakap sa akin si Tita Estella at nagpatuloy sa pag-iyak.
"Tita, si Kyla po?" Kinakabahang tanong ko.
"I thought she's with you." Sabi ni Tita.
"Tita hindi po. Nasa bahay po ako."
Mas lalong umiyak si Tita Estella. Kinakalma siya ng Tito Dante na nagpipigil din ng iyak.
"She's gone, Lego." Sabi ni tito Dante sa akin.

Para akong tinakasan ng lakas na napaupo sa upuan.
"How?... Why? Saan ba siya pupunta? Bakit kasama niya si Noah?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Lego," Puno ng pagdaramdam si Tita Estella.
"Ang paalam niya sa amin ay ikaw ang kasama niya." Sabi ni Tito Dante sa akin.
Umiiling ako habang tumutulo ang mga luha.

Dumating ang parents ni Noah at hinimatay agad si Tita ng malamang wala na rin si Noah.
"They were together." Sabi ni Tita Leni.
Kailan pa?
"Nagpaalam si Noah sa akin na pupunta sila ng Cam Sur dahil first monthsary nila ni Kyla." Sabi pa ni Tita Leni na hindi yata ako napapansin na nakaupo.
Kailan pa naging sila?

"Noahhh, anak." Tita Leni started to get hysterical habang umiiyak naman si Tita Estella sa tabi ko.
"Tita," I said in a soft voice. "Bakit Tita? Alam nyo po ba na may ibang boyfriend si Kyla habang girlfriend ko siya?"
"No Lego. Please, huwag kang magalit kay Kyla. Please Lego, huwag mo ng dungisan ang pangalan niya lalo na at wala na siya para ipagtanggol ang sarili." Pakiusap ni Tita Estella sa akin.
"Noahhhh, anak." Sigaw ni Tita Leni. Pinipigilan siya ni Tito Noel na magwala sa hallway ng hospital.

Namanhid ang buong katawan ko sa nalaman. Parang bigla akong tinakasan ng pakiramdam at unti-unti akong nilukuban ng galit. Unti-unti ring tumahan ang mga luha ko. Ang pagluluksa ay hindi ko maramdaman.

Kasalanan ko ba? Bakit ako ang sinisisi niya gayong may kasama siyang iba? Kasalanan ko ba? Ako ang buhay at hindi sila? Kasalanan ko ba talaga?

"Lego," I heard my mom's sweet voice. Parang may switch na bumukas at bumalik ako sa kasalukuyan.
"Mommy,"
"Kanina pa ako nandito. Nakatulala ka lang sa picture ninyo ni Noah." Sabi ni mommy sa akin. Umupo siya sa tabi ko at sinuklay ang buhok ko.
"Hindi mo pa ba tatanggalin ang mga picture nila sa kwarto mo?" Tanong ni mommy sa akin.
Umiling ako.
"Hindi kita nakitang umiyak man lang kahit noong libing ni Kyla, Lego. Hindi na talaga healthy ang ginagawa mo."
"Okay pa ako mommy."
"Hanggang kailan?" May lungkot ang mga mata ni mommy na tumingin sa akin.
"Gusto mo bang pag-usapan?" Tanong niya sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nagtry si mommy na kausaapin ako.
Umiling lang ako sa kanya.

Nahiga ako sa kama pagkaalis ni mommy. Kinapa ko sa ilalim ng unan ang isang maliit na eroplano na gawa sa goma. Pinakatitigan ko iyon at inikot-ikot sa daliri ko. Pangarap kong maging piloto kagaya ni daddy. I already passed the entrance exam sa USA for further studies. Meron na nga akong Private Pilot License bago pa... bago pa maglaho ang gana ko sa buhay.

I glide the airplane smoothly in fron of me. Saan napunta ang mga pangarap ko? Kasabay yatang namatay ni Kyla at Noah. Bakit hindi ko nagawang umiyak after kong nalaman na may relationship sila?

Noah is my bestfriend. Bakit niya akong nagawang traydorin at ahasin ang girlfriend ko? At si Kyla, bakit sa bestfriend ko pa?

Hindi ka nag-iisa sa pinagdadaanan mo.

Pilit sumisingit sa utak ko ang mga sinabi ni Rose.

Makikinig ako. Pangako, hindi ako magsasalita. Hindi ko rin sasabihin kay Star ang nangyari sayo. Makikinig ako sa iyo, Lego.

Huminga ako ng malalim.
"Hindi ka rin makulit ano, Rose?" Bulong ko sa eroplanong laruan na hawak ko.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon