Chapter 5- Kwento ng Buhay ko

12.3K 410 20
                                    

Lego

Nag-inat pa. Kung hindi ba naman nakakabwisit late na nga, pagkasandal ng likod sa upuan nakatulog agad. Siya lang yata ang walang pakialam sa nangyari sa biyahe. Nagkakaingay ang iba, siya nakakanganga at tulog.

"Ano ang gagawin natin dito?" Tanong ni Kenchin sa amin pagpasok namin sa kubo na tutuluyan namin.
"Magiging mahirap in few days." Sagot ni Raiden.
"What's that noise? Listen..." Hinawakan pa kami ni Kenshin para hindi gumalaw.
There are noises, all right. Those are insects...
"They were like chanting. Iaalay yata tayong lahat." Biro ni Raiden.
"Gago," Binatukan siya ng kapatid niya.

Nakaupo kami sa maliit na bahay na gawa sa mga bamboo. Halos walang gamit dito maliban sa mga unan sa gilid. Sa ibaba naman ay natatanaw ko ang maliit kusina.

"Naku pasensya na kayo. Ginabi ako sa bukid." Sabi ng isang matandang lalaki ng pumasok ito sa bahay niya.
"Goodevening po." Bati naming tatlo.
"Ako nga pala si Bong. Mang Bong na lang itawag nyo sa akin." Sabi nito at nagbutingting sa kusina.
"Mang Bong, nasaan po ang mga kasama ninyo sa bahay?" Usisa ni Raiden.
"Wala akong pamilya." Sagot nito.
"Matandang binata po?" Tanong ni Kenshin. Chismoso ng dalawang hapon na ito.
"Hindi. Iniwan ako eh." Napakamot ng ulo si Mang Bong. "Nagsawa sa simpleng buhay." Sabi niya.

Simpleng pagkain ang niluto ni Mang Bong. Talbos ng kamote at bagoong isda daw ang tawag doon. Tinuruan niya kaming magkamay. Mas marami pa ang natapon sa sahig kaysa sa nakain namin. Pagkatapos naming kumain, tinulungan namin si Mang Bong na maglinis ng pinagkainan. Dinala niya kami sa poso at tinuruang magbomba ng tubig.

"Fuck shit, ang sarap ng tubig." Nagbasaan ang dalawang hapon at nadamay ang ibang naglilinis lang ng mga pinagkainan.

"Oh...I want to try." Sigaw ng kasama nila Star. Nakisiksik siya sa poso at parang batang nagtatalon kasama ang hawakan.
"Hala ka, nasira mo." Natanggal niya ang hawakan ng poso.
"Oh no," Sabi niya habang binabalik ang hawakan. "How to make balik?"
"Hala, lagot. Naku, wala na silang tubig."Pananakot ni Kenshin.
"Patay ka. You will make the whole barangay die in thirst." Dagdag pa ni Raiden.
"OMG...Sir... Help." Natataranta siyang nagtatalon lalo habang yakap yakap ang hawakan ng poso.
Natatawang kinuha ni Mang Bong ang hawakan at kinabit sa poso. Nakahinga siya ng maluwag.
"This is so much fun." Kaibigan ba ni Star ito?

Iniwan ko sila na nagkakagulo sa poso at umupo sa isang upuan na nakaharap sa bukid. Ang tahimik, nakakatakot umidlip.

"Ang lalim ng iniisip mo." Narinig ko ang boses ni Rose sa likod ko bago siya umupo sa isang bato sa tabi ko.
"At ginugulo mo ako." Pangbabara ko sa kanya.
"Hindi naman kailangang akuin mo lahat."
"Ano ba problema mo, Rose?" Naiiritang tanong ko.
"Alam mo pangalan ko?" Nagtaka pa siya.
Hindi ako kumibo at nakatitig lang sa kawalan.

"Two years ago, namatay ang nanay ko sa pagkalunod sa Marikina River." Sabi ni Rose. Ano ang kinalaman ko sa nanay mo?
"Bumabagyo noon at pinapalikas na kami pero natatakot si nanay na umalis dahil wala naman kaming pupuntahan. Madaling tumaas ang tubig sa ilog at katabi lamang namin ang ilog. Una kaming maapektuhan sa pagbaha."

Hindi ako kumibo. Ano ang trip ni Rose? Dami ko ng problema, ipapasalo pa ang drama ng buhay niya.

"Noong hanggang binti ko na ang tubig, nagpasya na si nanay na umalis kami. Tapos tumunog ang malakas na serena kaya nagtakbuhan na ang mga tao palayo sa ilog. Sa sobrang taranta ko, nalisat ako sa tabling tulay at nalaglag. Inanod ako noon sa ilog."

Natining ako kay Rose at pasimple siyang nagpahid ng luha.

"Pero nandoon si nanay. Alam niyang hindi ako marunong lumangoy kaya tumalon siya sa ilog para sagipin ako. Sobrang lakas ng agos noon. Nahawakan ni nanay ang kamay ko ng palubog na ako. Pinakapit niya ako sa isang puno ng saging na tinatangay ng agos. Sa sobrang lakas ng agos, tinangay si nanay."

Oh God!

"Kinabukasan na nakita si nanay. Maswerte pa nga daw at nakuha pa ang bangkay niya. Ako naman ay nasagip ng mga rescue volunteer habang tinatangay ng agos. Nakakapit daw ako ng mahigpit sa puno ng saging at walang malay." Huminga ng malalim si Rose.

"Bakit mo kinukwento sa akin yan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Baka kailangan mo lang marinig sa ibang tao na hindi ka nag-iisa sa pinagdadaanan mo. Kung ano man yan, patawarin mo ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo kontrolado." She gave me a small smile before she left. Para akong sinuntok si Rose sa lalamunan. Hindi ako makapagsalita.

Malakas na sigaw ang narinig ko kay Kyla sa kabilang line.

"Kyla," I called her name.
"Help," She shouted. "Help,"
"Kyla," I called her again.
"Lego, this is all your fault." Ang sabi niya habang natatakot at naghi-hysterical.

Bang.
Another loud noise and I heard the siren in the background.

"Kyla!" I shouted by she didn't speak anymore.

Matagal akong naghintay sa kabilang line hanggang sa may nagsalita ulit.

"Hello," Sabi nito.
"Hello. Where is Kyla? I was talking to her a while ago."
"Sir, ano po kayo ng victim?" Tanong nito.
"Boyfriend nya po. Nasaan po siya? I heard her screaming then a loud noise followed."
"Sir, dadalin po sila sa hospital. Ibibigay ko po sa medic ang phone para makausap ninyo." Sabi nito.

"Hello," Boses ng babae ang sumunod na nagsalita.
"Sir, dadalin po namin ang mga katawan ng victim sa..." Sinabi niya ang pangalan ng hospital sa akin.

Ang mga katawan. Hindi siya nag-iisa?

"Sir, kaano-ano po kayo ng victim?"
"Girlfriend ko siya. Girlfriend ko si Kyla." I replied.
"Yung lalaki po, kilala ninyo?" She asked.

Lalaki? May kasama siyang lalaki?

"According to his ID, his name is Michael Noah Navarro. Are you related to him?" Tanong nito na ikinapanlamig ng buong katawan ko.
"No," Maikling sagot ko.

Napaupo ako sa kama. Magkasama sila ni Noah.  Bakit?

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon