Chapter 7- That Love

12.2K 406 29
                                    

Lego

Nakakatuwang makita si Star na naglalaro ulit ng volleyball. Dati, noong mga panahon na hindi pa ako kinakain ng nararamdaman ko, madalas ko siyang inaasar at tinatawag na pangit. Bunso kasi eh, paborito ng lahat.

"Rose," Narinig kong tinawag si Rose ni Blaze. Ang crush ng kapatid ko na hindi ko maintindihan kung bakit.
"Sir."
"May sakit ba si Star?"
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Nakakunot ang noo ni Rose. "Wala naman, Sir. Bakit mo naitanong?"
"Lagi kasi siyang nakabeanie." Sabi ni Blaze. I rolled my eyes. Ang babaw ng dahilan.
"Ahhh... Ayaw niya kasing sumasabog sa mukha niya ang buhok niya." Paliwanag ni Rose.
"Bakit hindi ka sumali sa laro?"
"Hindi ako pwede, Sir." She replied.
"Bakit?"
"Bawal sa akin ang mapagod ng bongga." Sagot niya.
"Bakit?" Tanong ulit ni Blaze.
"Dami mong bakit, Sir ah." Angal ni Rose.
"Bakit nga? Kanina, ikaw lang ang hindi lumusong sa bukid."
"May sakit kasi ako sa puso, Sir." Sagot ni Rose.
Napatingin si Rose sa akin. Hindi ako nagbawi ng tingin kahit nakita nya akong nakikinig sa usapan nila.

Kung may sakit siya sa puso, bakit nagpupuyat pa siya? Kung makasabit sa jeep akala mo walang sakit. Nanloloko ba itong si Rose?

"Anong klaseng sakit sa puso? Broken hearted?" Biro ni Blaze sa kanya. Napatingin ulit si Rose sa kausap.
"Luh si Sir, chismoso ka din ano, Sir?! Mausisa ka din sa buhay." Pangbabara ni Rose.

Pawisan sila Star ng umupo sa tabi ni Rose. Si Kenshin at Raiden naman, parang mga aso na pinagpag ang basing buhok sa gawi ko.
"Taina," I scold them pero tumawa lang sila.

"Alam nyo bang pwedeng kainin ang suso?" Tanong ni Rose sa mga katabi niya. Napatingin sila sa pilapil at sa mga suso sa bukid.
"What's suso?" Tanong ni Michelle. Nagtawanan ang mga malisyoso sa pagkakasabi ni Michelle.
"Suso... Bilisan mo ang pag-pronounce, Michelle. Medyo bastos kasi ang pagkakasabi mo." Natatawang sagot ni Rose. Natingin sa akin si Rose at ewan ko ba kung bakit nanlaki ang mata niya ng slight bago nagbawi ng tingin.

Pasimuno si Rose sa pangunguha ng suso. Pinaluto niya sa may-ari ng bahay na tinutuluyan nila ang mga nakuha namin. Nakisalo ang mga farmers sa amin habang kumakain. Simpleng salo-salo lang pero ang gaan na sa pakiramdam.

Tinuturuan ni Rose nila Star kung paano kumain. Hindi rin naman namin alam kainin kaya nakikinig kami nila Kenshin at Raiden.
"Ganito, higupin nyo." Sabi ni Rose at hinigop nya nga ang laman ng suso.
"Tangina, ang galing niyang humigop." Bulong ni Kenshin.
Natawa si Raiden lalo na ng siniko ko ang kapatid niya. Tangino mo kang bastos ka.

Sinubukan namin higupin ang suso. Nadalok si Kenshin. Nahigop pati ang shell.
"Tangina, laman lang. Hindi kinakain ang shell." Sabi ng kapatid niya sa kanya habang kinakabog ang likod.

"Kung hindi kayo marunong magsipsip, butasan ninyo ang shell saka ninyo hipan." Sabi ni Rose.
Ginaya namn namin ang ginawa ni Rose. Butasan ang shell at saka hirap.
"Ayan, hipan mo para lumabas ang laman." Bilin ni Rose kay Star. Hinipan naman ng kapatid ko kaya lang napunta sa noo ni Blaze ang laman ng suso.

Doon yata gumalaw ang labi ko at bahagyang tumawa. Napatingin sa akin si Rose at nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Sir...Sorry, Sir." Narinig ko pang nanghingi ng paumanhin ang kapatid ko.

"Tangina, may himala ah. Nakangiti ka ah!" Tukso ni Kenshin sa akin.
"Suso lang pala ang makakapagpangiti sayo, Lego." Isa pa itong si Raiden.

That night, nakapaligid kami sa bonfire at nagtatanong si Blaze ng mga reflection namin sa maghapon. Pfff... Nagsisagot na si Michelle at Rose na parang kalokohan lang naman ang sinabi niya. Si Star naman, hindi ko naintindihan ang sinabi. Ang weird lang sa kanya, fascinated siya sa malalim na tagalog which even my parents can't understand.

"Ikaw, what's your name?" Tanong ni Blaze sa akin.
"Lego."
"What is your reflection?"
"Mabilis tumakbo ang kalabaw." I replied sarcastically na ikinatawa naman ng iba.
"Anything else?" Naiinis na tanong ni Blaze.
"Giving everything that you have is stupidity."
"Paano mo nasabi iyon sa maikling panahon dito?" Nakunot ang noo ni Blaze.
"They don't have savings, they give everything to their children until there's nothing left." Sagot ko.

That's what you get when you give everything to someone.
"That's what parents do." Sagot ni Rose. "That's what parents supposed to do." May kaunting luha ang mga mata niya na ikinainis ko.
"Then what? After their child leave, what will leave to them? Nothing? Kapag iniwan ka, wala ng matitira sa iyo dahil binigay mo lahat."
Dahil binigay mo lahat kaya para kang wala ng maibibigay pa kahit sa sarili mo kapag nawala sila.

"That's what you called unconditional love." Giit ni Rose.
"And that is stupid." That's what I thought before. And look at me now, alive but dead inside.
"Who were you before they broke your heart? Clearly, you are bitter until now." Tumaas na ang boses ni Rose. Nakatingin siya ng taimtim sa akin na parang nababasa niya lahat ng nasa loob ko. Parang alam niya lahat ng wasak sa pagkataao ko.

Nakatitig siya na parang alam niya ang nangyari. Na parang alam niyang niloko ako. Niloko ako at iniwan. Niloko at pinaglaruan. Niloko at pinagmukhang tanga hanggang sa huling hininga nila.

Mabilis akong tumayo ay umalis sa harapan nila.

Putang-ina...

Dapat wala na sila sa akin pero bakit galit pa rin ako? Bakit hawak pa rin nila ako? Bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit ganito?

Putang-ina...

"Kuya..." Narinig ko ang boses ni Star sa likod ko.
Pilit akong umiiwas sa kanila. Ayaw kong magkwento. Ayaw ko.
"Kuya."
Nilingon ko si Star at para akong kakapusin ng hininga.

"She didn't know." She whispered. Pero bakit parang alam niya? Bakit nanunuot ang mga tingin niya sa akin kanina?
"Then she should shut up her mouth." Galit na sagot ko.
"Hindi naman tungkol sa iyo ang topic, Kuya. She's pointing at parents unconditional love."
Alam ko... but, damn it.

"Kuya, it's been years. Baka gusto mo namang magkwento. Kahit sa akin lang?"
Umiling ako kay Star.
"We used to be close." She murmured.
"People change. That's what pain taught me." I told her.
"Bakit pati ako ayaw mo ng papasukin?" May lungkot sa mga mata ni Star. Tuluyan na nga akong nawala kahit sa kanila.
"Don't start with me, Star." Bulyaw ko sa kanya.

Nagsimulang mangilid ang mga luha ng kapatid ko. And it kills me, knowing she is hurting because I am hurting until now.
"I missed you." Sabi niya.
Hindi ako sumagot but I hugged her.
"I missed myself too." I murmured.
"You used to call me pangit."
"Pangit ka pa rin naman until now." I tried to joke.
Pinahid ni Star ang mga luha niya sa t-shirt ko. Kainis naman talaga, oo.

"Hindi ito ang oras para magtagpo kayo sa dilim at magyakapan. Bumalik kayo doon." Nagulat si Star ng marinig ang boses ni Blaze pero hindi ko siya binitawan. Kung hindi ba naman tanga ang isa na ito, hindi nya ba alam na magkapatid kami ni Star?
"This asshole is your crush? Wala ka bang taste?" Bulong ko kay Star bago ko siya binitawan at inakay pabalik sa grupo namin. Nilagpasan namin si Blaze na nakapamewang. Manigas ka d'yan, tanga.

"Matutulog na ako." Paalam ko kay Star bago ko siya iniwan. Hindi ako pumasok sa bahay ni Mang Bong. Nagpunta ako sa pahingahan ng mga magsasaka kaninang tanghali. Doon ako naupo. Natatakot akong pumikit at matulog.

Bumabalik sa akin ang tagpo sa hospital. Bumabalik sa akin ang sakit ng malaman kong dead on the spot si Kyla during the accident. Bumabalik sa akin ang sakit na may kasama siya during the accident. Bumabalik sa akin ang sakit na niloko ako ng girlfriend ko at ng bestfriend ko. At hindi ko malalaman na magkasama sila kung hindi sila naaksidente at namatay na magkasama. Hindi ko alam... sa sobrang pagmamahal ko kay Kyla, hindi ko alam kung saan ako nagkulang para ipagpalit niya ako kay Noah.

After Her (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon