[ 16 ]

1K 38 0
                                    

ZYCKA'S POV

Nandito ako sa bahay nina Lee or should I say mansion nila. Tapos na kami sa aming ginagawang project kaya naisipan kong umuwi na. Siyempre wala naman na akong gagawin dito eh.

"Ah Lee sibat na ako. " pagpapaalam ko.

"Hmm.. Okay"Sagot niya sa akin.

"Clarrise,Kierah una na ako"Pag papaalam ko din sa dalawa.

Nung naka labas na ako sa Mansion nila para kunin na sana yung motor ko ay may napansin akong itim na van sa labas ng mansion nila Lee.

'Wala naman silang van na itim na naka park sa parking lot nila dito sa loob ah?'

Tatlong araw din akong nandidito pero wala naman talaga akong napansing itim na van.

"Zycka.."Tawag sa akin ni Lee kaya napagayo ako sa gulat.

'Bakit nandito siya?'

'Shit!'

Pumasok ka na Lee maaaring manganganib ka!

"Ah yeah! Chinicheck ko pa muna ang kondisyon ng motor ko kung okay lang ba yung hangin sa likod na gulong. Baka ma flat sa daan nakakahiya naman." Pagpapalusot ko.

Nakikita ko sa labas ng gate na bahagyang nakabukas ang bintana ng van. Tinted ito ngunit nagtataka ako kung bakit ibinaba parin nila ang bintana.

Posible talaga!

Binabantayan ko padin ang galaw ng mga nasa itim na van. Kinalahati nito ang pagbaba ng bintana at may baril na inilabas.

"Ah akala ko kasi nakauwi kana. Sina Clarrise at Kierah pala nakauwi na sa Back Gate sila dumaa---"Di ko na sya pinatapos dahil sumigaw na ako.

"Upo!"Mabilis na sigaw ko at hinila siya pababa. Niyakap ko siya para masigurong hindi talaga siya matatamaan kung sakali ma-

Dalawang putok ng baril ang sumira sa katahimikan.

"Ah shit! " Bulong ko dahil may dumaplis na bala sa kanang balikat ko. Fvck! Mabilis namang umandar ang itim na van at dali daling umalis.

Tiningnan ko ang balikat ko at may tumutulo ngang dugo.

Takte naman oh! Nakakabawas chinita points tong pingis na to.

"Z-Zycka, Fvck! Your shoulder is bleeding." Nanginginig na ani ni Lee matapos makita ang dumudugo kong balikat. " Dadalhin kita sa hospital, fvck! What just happened?"

" Lee, okay ka lang ba?" Mabilis na Tanong ko sa kanya at hindi na ininda pa ang sakit. Agad ko siyang sinuri at nagpapasalamat namang hindi siya natamaan. Kung hindi ko siya nahila ay malamang sa malamang, matatamaan siya sa balikat.

Good move Zycka!

"I'm the one who suppose to ask you that! Get inside the car now!" Galit na sigaw niya.

Imbes na indain ang sakit ay natawa nalang ako sa hitsura ni Lee. Ang cute!"Lee,I'm fine. No need to panic, first aid lang katapat nito okay na kaagad to. Galos lang to kaya sige na uuwi na ako. Please naman mag-ingat ka. Sasabihan ko ang guard ng subdivisiong ito na wag basta basta papasukin yung mga hindi kilalang sasakyan. Damn! You guys are so rich! Kailangan talaga ng mahigpit na security, kung wala ako edi ano na sanang nangyari sa'yo!"

"Fvck! What the fvck are you saying? Let's go inside, I'll clean your wound. What if-"

"What if what?"Tanong ko sa kaniya.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now