[ 77 ]

366 8 3
                                    

TRIXIE'S POV

" Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you. " Sabay na awit ng mga kaibigan ko.

Inabot sa'kin ni Trevor ang cake kaya pumikit ako at nag wish.

' Sana maganda lang ako habang buhay. ' yun lang ang tanging hiniling ko dahil wala naman na akong dapat hilingin pa. Binlow ko na ang cake kaya sabay sabay din silang sumigaw.

Binati din ako ni Xiah at Tyler sa screen dahil hindi na sila makakauwi ng Manila ngayon dahil under construction pa sila. Walanghiyang Ziarah 'to, walang patawad porket nagkabalikan na sila ng ex niya.

" Happy Birthday Shukla! " Sabay na bati sa'kin ng kambal. Lumapit naman agad si Laura at hinalikan ako sa pisngi.

" Happy birthday girl! " Bati niya at inabutan ako ng dalawang designer bags. Wow! Binigay ko naman sa kaniya ang boots na ibinili ko noong nakaraang buwan. Exchange gifts.

Nandito kami sa bar ngayon at dito namin diniwang ang kaarawan ko. " Happy Birthday! " bati sa'kin ni Ziarah at hinampas din ako ng designer bag. Langya! Ginantihan ko din siya at hinampas din sa balikat niya ang box ng gucci.

" Favoritism " sabay sabi ng baklang kambal kaya tumawa nalang kami.

Yumuko ako at tiningnan ang cellphone ko. Anong hinihintay ko?

May naglapag ng paperbag sa harap ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagbigay nito ngunit agad na lamang sumama ang loob ko nang makitang si higad ito.

" Happy birthday! " bati nito at inipit na ulit ang kamay sa balikat ni Travis.

Aba't sino'ng nag invite sa dalawang to? Ha! Ang kapal.

" Thanks. " Tipid na sabi ko at tumayo na.

" Happy Birthday Trix! "Bati sa'kin ni Travis kaya natigilan ako. Dahan dahan ko itong nilingon at tipid nalang ding nginitian.

" Hmmm " tumango ako at umalis na ng tuluyan. Anong gagawin ko dun? Tititigan sila magdamag? Para ano? Para lang masaktan ako? Hay, no thanks!

Umupo na muna ako sa couch.

Kanina lang ang saya saya ko pa, pero nung nakita ko na sila? Nag-iba na ang mood ko. Oh my God!

Nilingon ko ulit ang pwesto ng dalawa. She's a bitch, ba't siya nagustuhan ni Travis? Ba't sila masaya? Ba't niya nakuha si Travis? Taena! Ako lang pwede sa lalaking 'yan e,

" You should enjoy, it's your birthday. " pagsasalita ni Trevor ngunit hindi ko ito pinansin dahil nakita ko kung paano niyakap ni Travis ang higad sa bewang. Sanaol! " Napaghahalataan kang nagseselos. " sabi niya kaya inirapan ko nalang ito at nilipat na ang tingin ko sa ibang grupo ng mga taong inimbita ko na ngayon ay nagtatawanan na. Sanaol ulit, masaya!

Lumabas na muna ako ng bar at naabutan ko naman si Zycka dun na kakababa lang sa sasakyan niya-- may corvette ba si Zycka? Nabigla ako nung may lumabas ding lalaki sa driver's seat, obviously the owner. Oh M, it's Lee!

Titingnan ko pa sana ulit sila hanggang sa pagpasok nila ngunit biglang tumunog ang cellphone ko kaya hindi ko na ito napagtuonan pa ng pansin. Oh, it's my ate.

What the! Himala?

" Trix "

" Ano nanaman? Babantaan mo nanaman ba ako? Tigilan mo na ako ate, wala na kami ni Travis kaya hindi mo ako pwedeng gamitin laban sa kaniya o siya panlaban mo sa'kin. Tigilan mo na ate, please. "

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now