[ 18 ]

1K 45 0
                                    

ZIARAH'S POV

"Bastos na batang to" Dinig kong sigaw ni Dragon sa loob ng classroom kaya rinig na rinig ko parin dito sa labas kasi sumigaw eh!

"So saan na ako ngayon pupunta?"tanong ko sa sarili. "Aha! Sa library nalang at matutulog nalang ako doon. "bulong ko ulit sa sarili.

Siguro nababaliw na ako dito,kagagawan to ni Dragon, kasalanan niya.

Nung dadaan na sana ako sa locker papuntang library ay may nahagip ang mata ko. Isang babaeng nakaitim at parang hindi siya taga rito,kaya napatago agad ako sa halaman. What is she doing?

Teka It's Ashton Gray's locker ah?!

Palingo-lingo siya na animoy may binabantayan at nung hindi niya ako nakita at napansin siguro niyang walang taong nakakakita sa kanya ay may binunot siya sa bulsa ng kanyang makapal na itim na jacket at inilagay ito sa locker ni Ashton.

Nang matiyak niyang nalagay na niya ito sa locker tumakbo na siya palayo sa locker.

Isa itong maliit na itim na envelope

Oo maliit na itim na envelope ang inilagay niya sa loob ng locker ni Ashton.

Parang nakita ko na ang ganoong klaseng envelope, hindi ko lang talaga matandaan. Maybe it's a death threat.

Nakarating ako sa library nang punong puno ng tanong ang laman ng aking isip.Sinabi ko na lang din sa librarian na may babasahin akong libro dahil kinakailangan ito sa quiz namin,yun yung ginawa kong excuse at pumwesto na sa pinakatagong sulok dito sa library at umupo na. Tinanggal ko muna ang makapal na bilog na salamin ko bago yumuko at natulog.

---

Hoah!

Pagiinat ko sa aking braso nung ako ay nagising at napatingin sa aking stealthy spy watch.

"4:28 p.m"Bulong ko sa sarili

Yeah late na ako ng twenty-eight minutes sa last subject ko kaya hindi na nga lang ako papasok.

Naglakad na ako patungong parking lot dahil ano mang oras ngayon ay lalabas na ang apat na Royalties para umuwi.

Kaya umupo nalang ako sa motor ko at sinuot ang aking earphone at pumikit na nakikinig ng music.

Mga ilang minuto rin akong nakinig ng music ng biglang--

"What the heck?"Sigaw ko sa kung sino mang hampas lupa ang tumanggal ng earphone ko sa aking tenga.

"HAHAHAHA"Si Luke na tinatawanan ako.

What the Heck?

"What do you think you're doing? You missed three subjects Ms. Smith! "Sigaw sa akin ni Ashton at doon ko lang napansin na kasama niya ang kaniyang tatlong kaibigan at ang tatlo ko ring kaibigan.

"Waeyo?"Tanong ko pabalik sa kanya

"You are a new student of the special sectiom and you think by doing that you can be a good model to other students? Huh? Pathetic."Sabi niya sa akin. Wow! Galit masiyado si Koya!

"Why do you care? Hindi ko naman pangarap maging model ah."Sagot ko sa kaniya at inayos ko na ang sarili.

"San ka galing?"Kalmadong tanong niya. Wow, interview?

"Somewhere and I can't tell you where that 'SOMEWHERE' is"Nakangiting sabi ko sa kaniya at inagaw ulit ang earphone ko mula sa kamay ni Luke.

Kung may dapat mang tawaging bastos si Dragon eh si Ashton at squad niya na yun.

Daragon at Ashton. Psh,magkatunog. Wow parehong wala hiya!

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now