[ 58 ]

504 14 13
                                    

ASHTON'S POV

It's been five years since I last saw Ziarah.

Sa loob ng  tatlong taon ay marami akong nalaman, sa loob ng limang taon ay marami na ang nangyari.

Nalaman ko pa na hindi pala ordinaryong mga babae sila Charlotte. Nag-init nanaman yung ulo ko kapag naaalala ko ang pangalan ni Charlotte. That fvcking user and killer. Tinapunan ko ng masasakit na salita si Ziarah, akala ko sila yung manggamit ngunit laking pagkakamali ko dahil mas pinili pala namin ang mga taong may dala ng kapahamakan.

Noon paman ay pinagtatakhan ko na ang unang pagkikita namin dahil para lang silang mga multo na susulpot nalang kung saan.

Nung unang engkwentro namin sa mall ay naging normal lang para sa akin ito ngunit hindi ko aakalaing sa park na kung saan madalas naming tambayan ni Clyde ay nandodoon din siya, na ang babaeng kinikwento ni clyde sa akin matapos siyang bumili ng ice cream na sobrang ganda daw ay walang iba kundi si Ziarah pala. Iniisip ko pa din na baka coincidence lang ulit iyon eh tama naman pala ako dahil nagkataon lang naman yung pagkikita namin sa park.

Nung pasukan na ay hindi ko inaasahang makikita ko ulit siya sa school. Napapaisip ako na baka itinadhana talaga kaming pagtagpuin ng tadhana laking gulat ko pa nung mas naging malapit na talaga kami sa isa't isa dahil napasa nila ang entrance examination para maging kabilang sa Special section at ang lapit lapit pa ng mga chairs namin.

Minsan naman ay nakikita ko sila sa parking lot na para bang may inaantay sila ngunit aalis din naman ito kapag nakasakay na kaming apat na magkakaibigan sa kaniya kaniya naming sasakyan.

Iniisip ko lang na baka isa din sila sa mga babaeng nagkakandarapa sa amin kaya nagsimula akong magtaka noong sinabi ni Travis sa akin na palagi niyang namamalayan na madalas ang pagkikita nila ni Trixie sa iba't ibang lugar mapa mall man o restaurant.

Inisip ko na baka minsan lang sila nakakita ng gwapo kaya todo effort kung maka stalk. Pero naisip ko naman na sa galit na meron si Ziarah sa akin ay bakit niya pa ako iistalkin eh parang nasusuka na nga siya sa tuwing nakikita niya ako.

Nung sinabi naman sa akin ni Lee na may nagtangkang barilin siya ngunit kay Zycka tumama yung bala kahit dampis lang ng bala ay nagdulot ito ng sugat na akala mo daw na alam na nitong mangyayari ito at sinubukan siyang protektahan nito.

Ganon din naman si Tyler, napapansin niyang madalas si Xiah sa lugar na pupuntahan niya kaya nabuo na talaga ang ideya naming hindi lang sila normal na mga tao kundi isa sila sa mga mabibigat at malalakas.

nung nalaman naming isang killer yung nililigawan ni Lee ay mas lumaki ang ideya namin kung ano talaga sina Ziarah dahil nandoon sila sa mismong oras nung nangyari iyon at sa tuwing nasa hall sila ay panay ang lingon nila kahit saan tapos kalaunan ay lilingon na naman sa amin na para bang sinisigurado nilang okay lang kami.

Pagkatapos naman nung birthday ni Xiah ay laking gulat ni Travis nung hindi na sumasama sa kanila si Trixie ng mga isa o dalawang araw kaya tinanong na sila ni Travis ngunit makikita mong sa lahat ng dahilan nila ay sumisigaw ang kasinungalingan.

Nung nililinis ko ang kotse ko ay may nahagip akong isang chip sa sasakyan ko. Nung una ay hindi ko alam kung ano yun pero nung nag research ako about dito ay nalaman kong isa pala itong tracking device. Tinawagan ko din ang iba pang mga kaibigan ko at ipinatingin ko sa kanila ang mga sasakyan nila at nakita nilang may ganun din sila. Kaya nabuo na sa isip ko na ito ang ginagamit nila sa tuwing hindi na nila kami sinusundan.

Nung nalaman ko ding si Ziarah ay si Shayshay ay ang saya saya ko dahil para kaming itinadhana talaga pero malaking pagbabago na talaga ang nangyari.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now