Chapter 49✔

1K 19 10
                                    

TRIXIE'S POV*

Kung may isang bagay man akong dapat pagsisihan, yun ay dahil minahal ko ang isang lalaking dapat binabantay ko lang, yung lalaking parte lang ng trabaho ko na ginawa kong parte ng buhay koo.

Nandito ako ngayon sa airport para lumipad patungong Japan para asikasuhin ang mga papeles para sa pag lipat namin sa susunod na taon. Nagpaalam na din ako sa ate ni Ziarah na magbabakasyon din ako doon para makalimut muna ng panandalian sa mga problemang hinaharap namin dito.

" Call us immediately if may nangyaring problema okay?" sabi ni Xiah at hinalikan na ako sa pisngi upang magpaalam.

Lumapit din si Zycka para i hug ako at magpaalam "Magpakasaya ka muna dun, kami na muna ang bahala dito."

"Mag-ingat ka doon, see you after a month" sabi naman ni Ziarah at tinapik na ang balikat ko.

Pumasok na ako sa loob at hinintay nalang ang oras ng aking paglipad. Inopen ko muna ang mga social media accounts ko nung nakita ko ang isang post ni Travis .

Posted 32 mns. ago

Fly  safe ♥

1.2k♥   201 comments  421shares

Para sakin bato? ang echosera ko naman kung yun ang naiisip ko. "Baka umalis din ng bansa ang bruha" pagtutukoy ko sa babaeng kasama ni Travis sa picture.

Nag flash nanaman sa utak ko yung araw na gumuho yung mundo namin. Yung araw na nakita namin ang litrato ng apat na lalaking mahal namin na may kasamang iba.

Pumatak ang isang butil ng luha ko. "Hindi maari" bulong ko sa sarili upang pigilan pa ang pagtulo ng luha "Tama na ang masaktan ng isang beses Trixie" bulong ko ulit sa sarili. Siguro masasabihan na ako ng mga taong tumitingin sa akin na baliw ako, pake nila kung baliw parin ako sa'yo travis!

--

After five hours finally nasa Japan na din ako.

"Nihon e yōkoso(welcome to Japan)" Bati sakin ng isang Babaeng Japanese na inutusan ni Ate Zianah na tutulong sa akin na ayusin ang mga dapat ayusin dito nang makarating kami sa bahay.Isa rin siyang agent sa organisasyon namin. Dapat kasi 'welcome to our house in Japan' yung greetings niya eh

Nagpasalamat naman ako dito"Arigatou(Thank you)"

"What's your name?" I asked her.

"Just call me Kaori, Kao-Ri"pagkaklaro nito sakin.

"Nante utsukushī namae" pag compliment ko sa magandang pangalan niya, syempre kasing ganda niya eh.

"Arigatou" sabi nito at ngumiti.

Buti nalang at nakakaintindi pa ako ng kunting Japanese at nakakapagsalita rin ng kaunti, Oh myyyy... kung hindi lagot akoooo, di ata ako magtatagal. HAHA

"Ogenkidesuka?" sabi niya, batid kong nagtatanong ito.

oh myyyy anoo daw?!

"Hihi, can you translate it in english?" tanong ko dito kaya tumawa nalang ito, di pala talaga ako mag tatagal, Chareeeeng!!!. Ang cute niya, siguro mag ka edad lang kami nito.

Tumawa ulit siya sa harap ko "I said, how are you?"sabi niya sabay tawa. Oh my ghad

"I don't know" sabi ko at naalala ko nanaman ang lahat ng nangyari, how the four royalties hurt us, how Travis hurt me, how I hurt my self.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now