Chapter 50✔

583 16 7
                                    

I woke up 5:30 in the morning at dahil sa naiinip ako ay napagisip isip kong mag lakad sa labas ng bahay namin. Naka hoodie at pajama lang ako at wala akong pake kung may makakita sa akin na eto ang suot, sapakin ko sila jan eh!

Nung may nakita akong upuan ay umupo ako doon at nag online.

Tamang tama na ang pinost ni Travis ang una kong nakita sa aking newsfeed isa itong picture niya na nasa airport ng japan.

'What the hell is this guy doing here?'

Nagdududa na talaga ako sa lalaking ito, is he following me? if yes, bakit? if nag bakasyon lang siya, ba't sa Japan pa? tae! diba may Valerie Venice na siya? Chaaar, ang assumera ko na naman. Kailan kaya ito titigil?

Napag pasiyahan kong pumunta sa Grocery store para maghanap ng makakain ko ngayong morning, 7:00 a.m ko na nahanap yung store, ikaw ba naman mag lakad kasi wala kang pera pang saka----

"Ooooppps, what did I just say? wala akong pera? tae pa'no ako bibili nito ehhh wala pala akong dalang pera" Mahinang bulong ko sa sarili at mangiyak ngiyak ng iniisip na maglalakad na ulit ako pauwi ng walang dala, taeeeena.. nasayang lang yung effort ko sa wala.

Tiningnan ko nalang ang glass door ng store at tumalikod, dismayado akong naglakad habang naka pout at iniisip kung bakit ang bobo ko.

Siguro pag nalaman to ni Ziarah, pagtatawanan ako nun.Haaaay! isang araw pangalang miss ko na sila.

Nakayuko lang akong naglalakad at iniimagine na kasama ko ang tatlong mga kaibigan ko at biglang pumasok sa imagination ang lalaking nasa Japan ngayon.

"Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon dito?" mahinang bulong ko sa sarili.

"Gusto ko kasing makasama ang taong mahal ko kaya ako nasa Japan ngayon" agad akong napatalon ng marinig ang noses ng isang lalaki sa tabi ko.

Huwaaaaat da! narinig niya mga pinagsasabi ko? Owwsheeet!

"what are you doing here!?" pagulat kong tanong.

"Hahaha, like I said, gusto kong makasama yung taong mahal ko" sabi niya at tumingin na sa harap.

Agad akong nanlumo, so nandito din si Venice? :<

hindi ko na siya hinintay pa't naglakad nalang ako ng dire diretso, kailangan paba yun sabihin sakin?

' pwede namang hindi nalang niya sabihin'

'Ehhh gago ka pala Trixie, eh pag nakita mo sila edi double sakit. Di karin nag-iisip minsan, mabuti ngang sinabi na niya sa'yo ngayon para makaiwas kana'

Para makaiwas na ako? :<

Wala na pala talaga ako para sa kaniya. Trixie tama na, ihinto mo na ang pagpapakatanga sa lalaking yun, can't you see? may Venice na siya, paki-usap itigil mo na.

Naalala ko naman kung pano niya ako ipinalit sa babaeng yun.

"Ahhhhh.. congrats pala sa inyo ni Venice, sa'n ba siya? ooopps! ba't ko pa t-tinatanong hahaha, btw enjoy n-nalang kayo" sabi ko sa kanya nag nag st stutter pa.

Mayghad I sounded like a jealous monkey, juskolord Trixie! Ayus ayusin mo sarili mo, nagmumukha ka nanamang tanga.

Tumalikod na'ko sa kanya at magsisimula na sanang maglakad nung narinig ko ang mahinang agik-ik.

'Pinagloloko ba'ko ng taong to?'

Bat pinagtatawanan lang ako? parang gusto kong manapak ah! Charooot

"Tsss tsss tssss Trixie, ala ka talaga"sabi niya at nag smirk, myghadd what a lips! ang sexy ng lips niya sarap kurutin hanggang maglasugat.

—___– mean na kung mean pero pake mo. Nasasaktan nako't lahat lahat pagtatawanan pa.

"Why are laughing?" kunot noo kong tanong.

"are you jealous?agik ik na tanong nito.

"At kailan pa naging tanong ang sagot sa isang tanong? kailan? haaa? kailan?" diretsong sagot ko.

tumawa lang ito "Are you jealous huh?!" nag smirk na siya at dahan dahang lumapit sa'kin.

"Noo! freaking No!" sagot ko na nanlalaki pa ang mata kasi patuloy parin itong lumalapit sakin, at ako eto dahan dahan ding tumatalikod hanggang sa poste na ang nasa likod ko "No,I am not j-jealous, ughhhh, w-why would I be jealous? and at the first place, I don't have the rights to be jealous!" kumalma ako nung tinawanan nanaman niya ulit ako "Hey young guy! stop laughing, it isn't funny"

"Hahahaah, sa simpleng tanong ko ang dami mo nang nasabi" tawa na naman siya.

Iniisip ko nanaman kung ano nalang ang saya niya kapag ai Venice na yung kasama niya. Etong tawa niyang ito, pang kaibigan nalang ata eh.

" hahaha Ms. Jelly"

"Ang lakas mong mam babae, hoiiii kinalimutan mo na pangalan ko agad agad, ako to si Trixie isipin mo mag ba bonding pa kayo ni Venice tas Jelly² na naman yang binabanggit mo, kapal ng mukha, babaero!" sigaw ko dito.

"You really are jealous, you're always mentioning Venice name"

"Bat naman ako magseselos? may karapatan ba ako? di ba wala naman? kasi wala namang tayo, at hindi naging tayo. Ang hinihiling ko lang naman, na pagkatapos mo akong landiin magpaalam ka naman kung ayaw mo na. Hirap kayang ma Ghosting, kita mo na? hindi pa Halloween, pero para ka nang ghost, ang hilig hilig mong mang Ghosting, tas ako yung nahihirapan kasi GHOSTo  kita!"

"shhhh baby.. ikaw lang din GHOSTo ko at mamahalin ko" para akong nanlamig sa sinabi niya "wag kanang magalit okay? may dahilan ang lahat nang ito, kaya please trust me and don't unlove me"  pagpapatuloy niya pa.

'May nalalaman naba siya tungkol sa misyon na ito? alam na ba niya? o baka hinuhuli niya lang ako? kasi kung ganon lang naman, hindi na ako magtatago pa! deserve din naman niya malaman ang totoo, pero kung sakaling nasabi ko na yun ay hindi ko nasabi pa sa tamang panahon.'

Umupo muna kami sa isang bench, sinabi ko sa kanya ang lahat lahat, ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko na siya ang dahilan.

"I'm sorry for  making you cry, sana pala nag paalam muna ako sa'yo" sabi niya na kinamot kamot pa ang ulo niya.

"Y-yung sa mga kaibigan mo? totoo ba iyon o as if lang din?"nauutal na tanong ko.

"Peke lang yung kina  Ashton, kina Lee at yung kina Ty-"

"I should text my friends, na peke lang ang lahat ng iyon para tumigil na sila sa kakaiyak, nakakaawa na kasi sila" kukunin ko na sana yung cellphone ko ng pinigilan ako ni Travis.

"Noo Trix, yung kay T-Tyler, maaaring maging totoo yun"agad nalang akong nnapahinto"Athena is his past girlfriend, hindi naman masasabibg break na sila, kasi umalis lang si Athena ng walang paalam at pumunta ng states,hindi na nakipag communicate kay Tyler siya ang first love ni Tyler, nahirapan siyang makamove on dito,si Tyler, pero agad nalang kaming nabigla nung sinabi niyang gusto na niya si Xiah ehh sa iksing panahon palang ba ng pagkakakilala nila sa isa't isa ngunit nitong nakaraang buwan, bigla nalang itong si Athena na tumawag kay Tyler, at sinabing magpalatulong ito para sa papers kasi babalik na siya sa AIS, di ko din alam kung bakit na suggest niya ang pagpapalit namin sa inyong magkakaibigan agad agad. pero Trix Baby, etong samin ni Venice, this is just a play hindi ako mahuhulog sakanya kasi ikaw lang ang laman nito" sabi niya at tinuro ang dibdib niya kung san naroroon ang kanyang puso.

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon, masaya ako at magaan ang kalooban ko, panatag na ako dahil wala palang relasyon tunay sina Travis at Venice.

---

naka updateeeee uliiiit akoooo yaaaaaay!

hahahaha

Sino wala ka date this feb. 14? sabayin niyo akong sumigaw ng 'SANA OL' ahahahah♡

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now