XIAH'S POV
" Nakakapagoooood!! " sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa kwarto ng condo ko.
Isang buwan na ang nakalipas magmula nung nakauwi ulit ako dito sa pilipinas.
February thirteen na ngayon at bukas ay Valentine's Day na. " Sana all may ka date " sigaw ko ulit.
Stable na sana ang buhay ko doon sa France pero dahil sa kasong hindi pa matapos tapos ay napauwi ulit ako dito pati na rin yung tatlo ko pang kaibigan. Shook! Pagkatapos talaga ng misyong ito ay mag reresign na talaga ako sa SIA!
Fix na desisyon ko!
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at sinagot. " Oh Zi? "
" Architect Del Ramah, I already saw the lot where the new hotel of the Linton's will be build and it's very fine. But for finalization you and engineer Lopez will visit it so that you can already start the project as early as possible. Hindi itong trabaho natin dito ang focus natin Xiah ah, alam mo naman diba? Kaya habang may oras pa tayo ay ilaan na natin dito."
" Don't worry Miss Ziarah, sisimulan ko na ang pagiisketch ng design para sa hotel na yan. "
Humagikhik ito sa kabilang linya. " Tangina! Hindi ako sanay na pormal kang kausap. Tanga! "
Tumawa din ako. " Ulol ka kasi! Ba't mo sa'kin ibinigay 'tong proyektong ito. Taena mo! "
" Damay damay na'to "
" Nakapagmeeting na kayo? "
" Oo nung nakaraang week pagkatapos nung pagka discharge ng bruha " Sagot ko sa kaniya. " Isipin mo girl, ang yayaman na nila talaga ngayon. Nag double yung yaman nila girl kaya laging habol ng mga hangal sa pera. May Engineer, may mga CEO. Taena! Ke't di na sila magtrabaho mabubuhay parin sila diba? "
" Sana all " sigaw niya sa kabilang linya kaya pareho kaming natawa.
" Any plan for tomorrow? " tanong ni Ziarah. "Mag da date kayo ni Jake bukas nu? " pang-aasar pa niya.
" Kung magyayaya edi sasama, pag hinde edi punta sa headquarter hanap ng minor mission o di kaya mag pa firing. Ea Zi "
" Hanap ka ng ka date girl, hingi ka sa model nating kaibigan. Hoy meeting bukas!"
" Sira! Sige na babye " sabi ko at tinapos na ang tawagan namin.
Inikot ko ang tingin ko sa kwarto.
" Sinong unang lalaking tatawag sakin ay papakasalan ko na. Charot! " sigaw ko ulit.
As if namang may tatawag. Naknampucha! Amboring ng buhay ko.
Madami na talagang nagbago. Kung nung una ang ingay ingay naming apat na magkakaibigan sa bahay namin ngayon naman sobrang lungkot dahil hindi na kami magkakasama.
Kung sauna hindi matahimik ang bahay ngayon naman sobrang tahimik. Kung noon may kaaway ka kung sino maghuhugas ng pinggan ngayon naman sarili mo lang aawayin mo kasi sa huli ikaw padin maghuhugas. Am boring kaya I need jowa na.
Jowain ko na kaya si Jake? Char lang! Kaibigan ko yun at baka may iba pa yung type ayoko ng ganon. Bait bata ako!
Pumikit nalang ako at hinintay ang sarili na makatulog.
Kinaumagahan ay nagising ako ng 8:37 a.m.
" I don't know what am I going to do! " Bulong ko sa sarili.
Tiningnan ko ang buong kwarto ko at pumikit ulit. What a boring life!
Naisipan kong bisitahin ang kabilang kwarto ko kung saan nakatago ang nga lumang sketch at mga paintings ko. Baka mag makuha ding ideas sa mga lumang sketches.