[ 78 ]

393 12 2
                                    

XIAH'S POV

Manghang mangha akong pumasok sa bahay ni Tyler. Alam ko naman kung gaano sila kayaman at galing din naman ako sa isang may kayang pamilya pero di ko parin maiwasang mamangha. At his age, may sarili din siyang bahay dito sa Palawan. Baka saang lupalop ata ng Pilipinas ay may bahay na tong lalaking ito.

" You can stay in my room. " ani niya kaya agad akong napalingon dito at itinaas ang kaliwang kilay. " I mean, dun kana sa Master's bedroom dahil ako nalang ang matutulog sa isa sa mga guest room. " paliwanag niya kaya umayos ulit ang mukha ko.

" No, I can sleep in any of your house rooms. It's fine " agad na depensa ko.

Tumango lang naman ito at hinila na ang mga gamit ko. Tanaw ko ang likod nito dahil nakasunod lamang ako dito. Kung wala lang kaming naging problema ay ay pupurihin ko na sana ito.

" Stop staring, " Nabigla nalang ako nung magsalita ito. Paano niya nalamang tinitingnan ko ito?

Mas kumunot ang noo ko nung tumawa ito habang nakatalikod parin. Ngunit napapikit nalang ako sa kahihiyan ng malamang may malaking salamin pala sa harap namin. Oh great!

Shet!

" So, ba't kayo bumalik? " he asked. Breaking the silence.

Hindi ko alam kung anong sasagutin ko sa tanong niya.

" Another mission? " casual na tanong nito.

Kahit hindi naman ito nakaharap sa'kin ay umiling parin ako. " Nope. "

" So, kami parin? " tumango ako. Humarap siya bigla sa'kin kaya napatigil ako sa paglalakad. " Diyan... " turo niya sa kaliwang bahagi ng dibdib ko kung saan pumaparoon ang puso ko. " Ako pa rin ba? " tanong nito. Tuluyan na'kong nawalan nang sasabihin.

Gusto kong ibahin nalang ang topic namin kahit dapat naman ay manahimik nalamang ako ngunit kahit gustuhin ko man ay hindi ko ito magahawa dahil nakatuon padin sa'kin ang mga mata ni Tyler.

Magsasalita pa sana ulit siya ng biglang tumunog ang cellphone ko.  Kung sino man ang tumawag ay napakasalamat talaga.

" Elle! " napapikit ako at inilayo agad ang cellphone nang sumigaw si Jake sa kabilang linya.

" Pwede ba? huwag kang sumigaw sa susunod? " sabi ko dito ngunit tawa lang naman ang isinagot nito sa akin. " Ba't ka napatawag? " tanong ko dito at tinalikuran na si Tyler. Ngunit alam kong kahit lumayo pa ako ay maririnig niya parin ako dahil sobrang tahimik ng bahay na kahit anong maliit na bagay ang gawin ko ay gumagawa ito ng malaking ingay.

" Na miss kita " sabi nito sa akin kaya tumawa ako.

" Batukan kita jan e, "

" Di kaba naputulan ng paa? ng kamay? daliri? may masakit ba sa'yo? okay lang ba yang tinutuluyan mo? di kaba nasugatan? Elle? " sunod sunod na tanong ni Jake kaya napahalakhak ako.

" Ang OA ha! " tumawa ito sa kabilang linya.

" Umuwi ka kaagad dito ah? Kung hindi, hahanap nako ng mga babae dito. " sabi niya sa kabilang linya kaya humagikhik ako.

" Di nalang ako uuwi para mahanap ka na ng chic "

" Bisitahin kaya kita? " tanong niya sa'kin ngunit di paman ako nakakasagot ay may humablot na sa cellphone ko.

" She can't entertain you, she came here for work so please stop calling her! " pagkatapos sabihin ni Tyler ang linyang iyon ay pinatay niya na agad ang tawag.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now