Chapter 39✔

778 18 0
                                    


TRIXIE'S POV*

Umalis ako sa bahay kaninang 5:00 a.m and wala akong balak pumasok.Hahanapin ko yung flashdrive I know na may nakakuha na non and isa lang ang lugar na nakakasigurado akong nandodoon talaga sila.

Ang lumang bahay na malapit sa dagat,I know that they are doing illegal things there,may malapit na daungan doon at alam kong mismong pagmamayari iyon ni Geovani Ong.They are transporting illegal drugs and unlicensed weapons there.

Geovani Ong is earning billions of money and use it again for illegal things,and he is also the one who wanted to kill us and the Four Royalties.

Pagkatapos kong kumain sa isang restaurant ay nagpahinga muna ako ng ten minutes bago simulan ang aking byahe.I'm on my Bike,black jacket,black mask,black jogging pants and black T-shirt.

Alam kong walang makakakilala sa akin dahil sa suot ko.

Wala na akong pake kung anong mangyayari ngayon basta mabawi ko lang ang paper bag na naglalaman ng importanteng flashdrive na nakabalot sa isang handkerchief.

And yeah,naiiyak nanaman ako thinking of what I've done.I've lost a gold,a gold that could lead us to victory.That's why kailangan kong hanapin ito,I'm willing to put my life in danger mahanap lang iyon.

Don't worry Zi,I'll find it.

Nagsimula na akong bumyahe dahil alam kong malayo layo iyon,nakakakaba ma'y wala na akong magagawa para umatras,wala nang atrasan ito.

Tatlong oras ang nakalipas ay narating ko na ang paroroonan,nasa malayo paman ay tanaw na tanaw ko na ang bahay na malapit lang talaga sa Dagat.Mukhang tahimik ito o nababaguhan lang talaga ako.

Pinark ko ang motor ko sa ilalim ng puno dikalayuan at sinisigurado ko munang hindi ito makikita kung sakaling may mga tauhan ni Geovani na dadaan.

Wala itong kapitbahay,ito lang talaga ang nag-iisang bahay na nandidito,mga labinglimang metros lang siguro ang layo nito mula sa dagat,may makikitang isang malaking barko dito na inosente naman talaga ang itsura,hindi mapapagkamalang may mga ginagawang illegal dito dahil sa abandonado na nga ang itsura ng bahay ay malanis naman talaga ang pagkadisenyo sa labas.

Sa labas makikita mo ang inosenteng two Storey house pero sa loob pala nito ay may underground keme keme pa.Nandodoon sa baba ang mga makina na ginagamit nila sa paggawa ng illegal na droga,at ibang mga parts ng makina na mabebenta nila,meron naman din silang illegal na mga armas na ibinibenta sa labas.

Ipinalabas ko muna ang isang injection na nakakapagpatulog ng isang tao ng mga tatlong oras at ito ay inilagay ko sa loob ng jacket ko,at baril naman na itinago ko sa sapatos ko.

nagsimula na akong maglakad patungo sa abandonadong bahay,papasok na sana ako sa gate kaso nakakita ako ng dalawang armadong lalaki.

"Excuse me kuya's, pwede po bang maki cr?"sabi ko using my innocent voice.

"Ahhh ma'am di po pwede ehhh,pagagalitan po kasi kami ni Boss"sabi nung isang mataba.

"Sino ba kasi Boss niyo,pwede niyo bang sabihin na pakiusap,ihing ihi na kasi ako,please kuya"sabi ko.

"Sige po ma'am tatawagin na lang po namin si Boss"sabi niya at akmang kukunin na yung cellphone niya ng ininjection nan ko siya at yung isang kasama niya ng pampatulog kaya sabay sabay silang napahiga sa sahig.

"Tarantado kayo ehhh kung magkasakit ako sa bato niyan kung sakali...tsk,tsk"

naglakad na ako papasok sa malaking bahay.

"Ang inosente mong tignan ahhh,makasalanan ka palang bahay ka"bulong na sabi ko.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong isinuot ang mask,you know incase of may drugs hindi ako makasinghot...

-_____-

pagpasok ko sa loob oh may ghad,ang ganda.

pero agad ding bumalik ang diwa ko nung may narinig akong boses kaya agad agad akong nag tago at sinilip silang dalawa habang naglalakad patungo sa....sa underground factory nila.

"buti nalang at nakuha natin yung flashdrive,malapit na tayong mabuking nun,malalagot pa tayo kay sir Geovani. "sabi ng isang lalaki na siguro nasa mga 18 or 19 lang ang edad at yung kausap naman niya ay parang ganon lang din ang age.

And waittt...nakita ko sila sa birthday ni Xiah,silang dalawa ay nakasayaw ni Xiah.

Nung nadaanan na nila ako agad agad akong sumunod sa kanila at iniuntog ko ang mga ulo nila sa isa't isa at tinusok ko yung injection sa kanila kaya sabay din silang napabagsak.

"tarantado kayo ahhh"bulong ko.

nakakita ako ng isang cctv kaya nilapitan ko iyon at sinuntok kaya alam kong nasira na pero baka may iba pang camera kaya kailangan kong mahanap ang isang kwarto kung saan inooperate ang mga cams.

dumiretso lang ako at sa di inaasahan naka daan ako sa isang bintana at kitang kita ko talaga ang pag park ni Ziarah sa motor niya malapit sa motor ko.

"What is she doing here?"bulong ko sa sarili at sa di inaasahang pangyayari..

"Hoy,ba't nakapasok ka?"sigaw ng isang armadong lalaki sabay turo sa akin.

"Tinatanong pa ba yan?"sagot ko at agad agad na tumalon at sinakal ang lalaki,kaya nung nag -aagaw hininga na ay nag back flip ako para masipa siya ng paa ko.

tinusukan ko siya ng injection.

Naubos na ang laman ng isa kong injection,tatlo nalang ang naiwan.

Pero ano ba talaga ang ginagawa ni Ziarah dito?nahuli ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Nakita na nga niya ako.

lalapitan ko na sana siya nung paikutin ako ng mga tauhan ni Geovani Ong at ganun din si Ziarah.

"Well,well,well,look who's here?dalawang prinsesa bumisita dito sa palasyo namin?ohh my god,Mr.Geovani Ong would probably feel honored if he will know this"said my sister,yeah my  sister Frixie Dianne."Ohh hello there sis"sabi niya at kinindatan pa ako."I miss yah,kumusta?masaya ka na bang mamuhay bilang isang prinsesa?"tanong niya.

"Hindi ako sa mansyon nakatira!"sabi ko ng may diin.

"Bakit pinalayas karin ba nila tulad sa ginawa nila sa'kin?"tanong niya na tumatawa tawa pa habang kitang kita mo naman sa mata niya ang lungkot.

"Hindi ka naman pinalayas ahhh,ikaw ang kusang lumayas hoy 'Freaksy' bagay talaga sa'yo ang pangalan mo "Friksy"sabi ko sa kanya.

"Ohh chill,ang ganda naman ng kaibigan mo sis"sabi niya sabay hawak sana sa chin ni Ziarah kaso lang tinapik ko yung kamay niya.

"Don't you ever touch her skin or just a tip of her hair Frixie ,kundi you'll get what you're looking for Frixie"sabi ko at hindi na rinukoy ng....

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now