[ 1 ]

5K 85 18
                                    

ZIARAH'S POV

After hundred of years, finally we're back. Charot!

Nandito na naman ulit kami sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral namin at pasukan na sa susunod na araw,wala pa kaming mga gamit para sa school. We're that confident.

"Ziarah saan ang magiging kwarto ko?"Tanong sa akin ni Trixie, cause ngayon lang ang dating namin dito sa bahay namin.

"Kung saan kayo comfortable, yun na yung magiging Kwarto niyo." sagot ko sa kaniya.

Tiningnan naman ako ni Xiah"Eh yung kwarto mo?" Hindi ko nalang sinagot si Xiah at dumiretso na sa ikalawang palapag ng bahay namin kung saan naroroon ang napili kong kwarto.

Oo bahay namin,Kung nag tatanong kayo kung bakit nasa iisang bahay lang kami eh malay ko, nakakapagod mag salita.

"Hey, hey, hey mga pips!" Argh ang ingay niya. Shit! " Yohoo!, na late lang ako ng dating wala ng sasalubong sa akin?"sigaw ni Zycka na para bang nagtatampo. Hay nako napaka oa naman nitong babaeng ito!

"Celebrity ka girl? Tumahimik ka na nga lang Zycka ampangit na nga ng boses mo tapos sumisigaw kapa?"binara agad siya ni Trixie. Oh well magsisimula nanaman sila. They're that close.

Sa halip na i entertain sila ng bibig at tenga ko ay pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko upang mag-ayos ng mga gamit ko.

Nalate siya ng dating dito sa bahay namin dahil may inasikaso muna siyang papeles ng pagtransfer namin dito at tungkol nadin sa trabahong gagawin namin. Galing pala siya sa headquarter dahil nandodoon si Madam Vi or Madam Victoria.

"Okay lang na pangit ang boses kesa sa pangit ang mukha" Savage! Zycka na naman. Hay nako ang iingay nila, hindi talaga pwedeng magkasama sa iisang place.

"Anong pangit? Hoy mas lamang lang syempre ako dahil maganda na nga ang boses lamang pa ang ganda sayo!" isa din ito ehhh hindi din nagpapatalo.

"Alam mo tumahimik ka nalang at mag handa ng makakain natin yan naman ginagawa ng mga magaganda diba?"Zycka gamit ang nandidiri niyang boses. Loko loko talaga 'to! Nagmana sa'kin.

"Ewan ko sayo!" Sagot naman ni Trixie at umirap.

Pagka-ayos na pagkaayos ng mga gamit ko ay bumaba na agad ako para pumunta sa kitchen namin para kumain syempre alangan namang mag concert ako doon diba?

For sure nandoon na yun silang lahat sa kitchen at ako nalang ang hinihintay. I like being on the spot.

"Uy nandito na si Ms.Silent" Umagik-ik si Zycka.

Ms.Silent tawag nila sa akin dahil daw sa pagiging tahimik ko. Wow!

"Punta tayong mall mamaya bili tayong school supplies." Pagyayaya ni Xiah.

"Kyaaa! talaga? Excited na ako!" hay nako Trixie bakit ang ingay mo? Pwede namang simpleng salita lang diba? Kailan talaga isigaw?

"Sabihin mo nalang Trixie na hahanap ka nanaman ng mga gwapo. Boy hunting amp. perto support naman ako kaya share tayo"Zycka kadiri kayong kasamahin ,gwapo? Diyos ko nakakaloko.

Tas ngayon naman ay lumipat na ang mga tingin nila sa akin.

" Okay "simpleng sagot ko nalang. Alangan namang magparty pa ako bago sila sagutin diba?

"Yan lang ang sasabihin mo Ziarah? Nakakadisappoint ka day!"

"Wae? Wae?"tanong ko sa kanila. Bakit ako nanaman? Ano bang problema sa sinabi ko?

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now