[ 67 ]

569 23 6
                                    

..

Pagkagising ko ay tiningnan ko agad ang watch ko at nakitang 9:40 a.m na.

' Og crap! ba't hindi ako ginising ni Ashton? '

Tiningnan ko ang kama niya ngunit wala na siya doon kaya bumangon na ako nang tuluyan at nag shower na.

' Shit, nag-aalburoto na yung tiyan ko! Di pala ako nakakain ka gabi '

Dali dali kong tinapos ang pagshoshower at nagbihis na agad ng isang off shoulder floral dress ngunit mas makapal na ito ngayon kumpara kahapon.

Napagdesisyonan kong lumabas nalang mag-isa pagkatapos kong mag-ayos dahil alam kong busy na naman yun si Ashton sa mga gOrlz niya! Duh!

Ngunit binawi ko na ang desisyon ko dahil dinalhan na ako ng pagkain ng Ashton.

" Eat up! Di ka nakakain kagabi " mahinahong sabi niya sa akin. " Pagkatapos aalis na tayo " oo nga pala! huling araw na namin ito dahil bukas aasikasuhin na namin ang hotel at pagkatapos ay uuwi na rin.

Tiningnan ko ang nga pagkain sa tray at nakitang may beef steak dun at may mga seafoods din. ' Shaks! Ang sasarap '

" Thanks " sabi ko at kinuha na ang bowl ng kanin at inilagay sa plate ko. Ngunit natigilan ako nung naalalang dapat ay nag salad nalang pala ako kasi diet ako, ngunit hindi naman ako ang bumili ng pagkain ko kaya wala akong choice.

Napansin ni Ashton na natigilan ako. " Oh! you're on a diet diba? I forgot you only eat grass. I'm sorry " nakangiti ito sa akin. Hindi ko alam kung apologetic smile ba yan o pang-aasar na ngiti?

Hindi ko nalang ito pinansin at kumain na ngunit nakakailang dahil kada subo ko ay tinitingnan niya ako. Gutom ba siya? " Hindi ka pa kumain? " tinanong ko siya.

" Busog na ako matitigan ka lang " natatawa niyang ani kaya sinamaan ko nalang ulit ito ng tingin at tinapunan ng unan. Duh! Kung ayaw mong kumain edi huwag.

Di ko nalang pinansin ang mga paninitig niya at binilisan nalang ang pagkain.

Nung natapos na akong kumain ay tumawag na siya ng crew at ipinaligpit na ang mga kinainan ko.

Bumaba na agad kami para maaga kaming makapunta sa secret lagoon. Naglalakad na kami ngayon ni Ashton papunta sa pwesto kung saan si Mang Junnie at ang bangka nito.

Hindi nakatakas ang mga paninitig ng mga babae kay Ashton. Ang iba ay nagtutulakan pa habang may hawak hawak na camera. Obviously gusto nilang magpapicture. Duh!

May lumapit na mga babae dito kaya tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. ' Oh! pasado ata yang mga yan sa standards ni Ashton '

" Pwede papicture? " tanong ng mga babae. Malandi naman silang tinanguan ni Ashton. ' Hoy lalaki! kasama mo yung ex mo tapos ngayon lalandi ka sa harap nito? Duh! '

Iniwan ko na ito kasama ang mga babaeng ito at dumiretso nalang sa bangka ni Mang Junnie. " Ma'am asan na po si ser? " tanong ni Mang Junnie. Tiningnan ko ang pwesto nina Ashton at itinuro iyon. ' Hindi pa ata napansin na hindi na niya ako kasama '

" Nandoon po Mang Junnie, may mga kalandian pa po " Tumawa naman si Mang Junnie kaya mas kumunot pa ang noo ko.

" Ma'am halatang nagseselos kayo "

Hindi ko nalang ito pinansin at umakyat na sa bangka.

Ilang minuto ang dumaan ay nandito na ang malanding si Ashton. " Mabuti naman at naisipan mo pang sumunod " masungit na ani ko dito.

" Ba't ka umalis? "

" Alangan namang tumayo lang ako dun habang pinapanood ko kayo ng mga FANGIRLS mo! Baka pag hindi pa ako umalis, ako pa yung uutasan nilang magpicture sa inyo. Duh! "

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now