[ 65 ]

521 19 10
                                    

ZIARAH'S POV

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa NAIA.

Sa sobrang preoccupied ng isip ko ay nakalimutan ko nang mag book ng flight, mabuti nalang at nakapagbook ng dalawang ticket si Ashton.

The flight took one hour and twenty minutes bago kami nakarating sa El Nido Palawan.

" Saang hotel tayo mag checheck in? " tanong ko sa kaniya dahil syempre siya yung may alam dito.

" May reservation na ako sa Hotel namin!" sagot niya at naglakad na kaya sinunod ko nalang siya.
" Standard triple, One king bed and one single, ako na dun sa single bed. "

what!? iisa kami ng room?

" Iisa tayo ng room? " nakakunot na noo kong tanong sa kaniya.

" Yup! " at ngumiti ito sa akin. " Any problem with that? " tanong nito sa akin.

Malamang! Meron, duh!

Umiling nalang ako at ngumiti na rin sa kaniya. Pumasok na siya sa loob ng hotel nila dala dala ang mga maleta namin kaya sumunod narin ako.

' Zi, don't show any affection! act normal as if wala lang sa iyo ang presence mo! Malala na ang ipinapakitang mong comfortableness sa kaniya. '

Pumasok na kami sa room namin at okay lang naman pala kasi malaki ang space at elite room talaga. Dumiretso na siya sa single bed at inayos na ang mga gamit niya sa closet kaya inayos ko nalang din ang akin.

" Are you sure diyan ka lang sa single bed? " tinanong ko siya habang hawak hawak pa ang damit kong ilalagay ko sa closet.

Lumingon ito sa akin at naglabas ng malanding ngiti. Tangina! " Bakit? gusto mo ba akong tumabi sa'yo? " malanding tanong nito sa akin. Agad akong umiling at tinapunan siya ng damit. " Anong gagawin ko dito sa  one piece mo? " sumilay ulit ang pilyong ngiti nito at itinaas ang one piece na itinapon ko sa kaniya at sinuri ako mula ulo hanggang paa.

Fvck! ba't 'yan pa yung natapon ko.

" Tangina mo! " nararamdaman ko na ang init sa pisngi ko.

Humalakhak ito " Oh Ms. Smith, san na ang iprinaktis mong formality chuchu?! " nang-aasar na tanong niya ulit sa akin.

" Ewan ko sa'yo " inayos ko na ang mga gamit ko at pumasok na sa cr para mag shower. Pagkatapos kong mag shower ay nagpalit lang ako ng floral dress at nag tsinelas na lang. Pagkalabas ko ng cr ay naabutan ko si Ashton sa kama niya at nakatingin na sa akin habang hawak padin ang cellphone sa kanang kamay niya at may DSLR sa kaliwa.

" Lalabas ka? " tanong nito sa akin.

" Magpapahangin lang ako sa taas "

" Susunod ako " sagot niya at tumayo na " Shower muna ako. " at pumasok na rin sa C.R

Lumabas na ako ng room namin at sumakay na ng elevator papuntang top floor at agad naman akong sinalubong ng sariwang hangin. Damn! this place is so familiar.

Dumaan ako sa isang side na very familiar sa akin kaya pilit ko namang inaalala kung ano ang scenariong kabilang ako at bakit napaka familiar ito sa akin.

Dang! this is exactly where I first saw Ashton as Ashy. Dito nag-uusap usap noon ang mga magulang namin at dito ako unang kinausap ng batang si Ashton.

Nakalimutan kong sa kanila pala ito.

Napatalon ako nung may yumakap sa bewang ko sa likod kaya hindi agad ako naka galaw. " Pamilyar ba ang lugar na ito sa iyo Ms. Smith? " bulong nito sa tenga ko.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now