[ 21 ]

1.1K 43 0
                                    


TRIXIE'S POV

Aaminin ko. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa amin. Sa posibleng mangyari kay Travis,kay Ashton,Lee at Tyler. They're more in danger.

Kung si Ziarah akala niyo ay kalmado yun? Sus paganyan ganyan lang yan pero di rin mapakali isip nun. Siguro para sa kanya madali lang ito tulad ng mga nakaraang engkwentro,nakaraang Mission. Pero eto ngayon iba to eh mabibigat na kalaban,malalakas,malaking kalaban na 'to.

Natatakot ako na baka mawala nalang si Travis. Takte naman kasi eh! Hindi ko pa nga naaamin sa kanya yung nararamdaman ko para sa kaniya tas ngayon posibleng may isa sa amin na mag aagaw buhay. Nako it's a no no!

Ilang araw nalang Grand Ball Party na. Kung anong ikinakilig ko nung nalaman kong niyaya ni Ashton si Ziarah na maging date niya ay malaking problema naman pala ang kapalit.

Pero ito ang ipinasok namin eh. We can't have normal lives anymore!

Isa akong ranggo at dapat patunayan ko sa kanila na nararapat talaga ako sa posisyon ko.

I'm the ranked five Agent Coleen. I'm one of the five highest ranked and I'll prove to everyone of you that I am brave and I deserve that spot kahit buhay ko pa ang kapalit,basta para sa misyon ay gagawin ko,susulong ako mag kamatayan man. Para sa buhay niya.

At naisip ko tuloy ang unang pagtapak ko sa pagiging SIA Agent,ang unang panunumpa ko.

Five Years Ago..

'I am Trixie Coleen Dominguez the new agent of Secret Intelligence Agency. Promising to stay loyal and an active agent to this organization. To accept all the missions, to save lives even if I'll have to risk my own.'

Nasa murang edad palang ako ay pumasok na ako sa isang organisasyon,kung kapalit man ng buhay ko ay ang kaligtasan ng aking nga magulang,kaibigan at ng iba pa ay gagawin ko.

Other girls are playing with their dolls while we're playing with the guns.

-----

Naisip ko din yung mga panahong magkakasama kami nina Ziarah, Ate Zianah,Xiah,at Zycka sa pag eensayo.

Pero dahil sa mas hasa sa pakikipag laban sa amin ang Nakakatandang kapatid ni Ziarah ay siya ang napiling bigyan ng pinakamataas na ranggo sa mga kababaihan.

Pero di namang maitatanggi na magaling din si Ziarah. Mapa close combat man o long range. Ang suntok ng isang normal na tao ay parang pitik lang sa kaniya.

Si Zycka ay mas magaling sa close combat. She's good in punching, kicking, and what so ever.

Si Xiah naman ay hasa sa pag gamit ng iba't ibang mga armas. Different types of guns, knives, daggers and many more.

I can do all of it but only in a slower move.
-----

XIAH'S POV

"Xiah balita ko may gaganaping Grand Ball Party sa A.I.S. Hindi kami makakapunta ng daddy at kapatid mo dahil may important meeting kami sa Canada. Don't worry I'll hire a famous designer nalang for your gown and a famous make up artist.I love you baby bye! "

"Yeah. Thanks mom I love you too and tell dad and Xander that I love them too. Miss all of you,see you soon."

My parents know that I'm already here in the Philippines but they don't know anything about this agent thingy. Ang alam lang nila ay kaya ako palipat lipat ng bansa ay dahil hindi ako komportable at okay naman lang sila doon.

Nabalitaan nila ang paparating na event ay dahil isa din ang mga magulang ko sa mga may malaking naiambag sa A.I.S.

Kaya ayun todo todo sa pag peprepare kahit na nasa malayo sila nina Dad at ng bunso kong kapatid na si Xander.

I really love them.

"Hoy Xiah! Aba't pati ikaw ay tulala din? Ano bang nakain niyong dalawa ni Trixie ha? kaloka ang peg niyo ha."Sigaw ni Zycka"Kanina pa kita tinatawag." Sabi niya ulit.

"Bakit?"Tanong ko

"Kakain na daw"

Ganon naba ako katagal na tulala? Hay nako!

"Sige susunod na ako"Sabi ko at dali daling lumabas ng kwarto ko.

Lumabas na ako at dumiretso na sa hapag kainan.

Habang kumakain kami ay parang may dumaang anghel dahil sa katahimikan,walang umiimik at para kang mabibingi sa katahimikan.

Nauna nang tumayo si Ziarah dahil tapos na siyang kumain,dinala na niya ang kaniyang pinagkainan sa lababo ng hindi umiimik sa amin. Probably still thinking about the upcoming event.

Sumunod naman si Trixie. Kaya dali dali nadin akong kumain at sumunod narin ako para ilapag yung nakainang plato ko. Baka ako pa paghugasin ng mga pinggan, ayoko pa naman!

"Hoy! Aba't ayaw niyong mag salita ah? Ziarah kung hindi ka maghuhugas ng mga pinggan hindi na kita pag lulutuan. Ikaw naman Trixie hindi na kita papansinin,aba't Xiah huwag ka ding mag inarte di rin kita pag lulutuan"Sigaw ni Zycka sa'min.

"Okay lang makakakain din naman ako sa Labas" Sagot ni Ziarah.

All of us was shocked.

Dati dati kapag tinakot mo siya na hindi mo siya lulutuan ay hindi ka niya titigilan,basta makumbinsi ka lang niyang lutuan siya pero ngayon? Weird.

'Okay lang makakakain din naman ako sa labas'

Nang dahil ba talaga ito sa Balita? Kay Ashy? Ashton? hay nako!

Akala ko ba madali lang ito para sa iyo Zi?Wag ka namang bumalik sa dating ikaw,sa dating ikaw na hindi makausap ng maayos,sa dating ikaw na kay tahimik,sa dating ikaw na parang hindi namin kilala,sa dating ikaw na hindi kami na papansin. Mabuti na nga ngayon level up kana.

Isang buwan na lang din ay birthday na namin ni Ziarah,naaalala niya pa kaya ang birthday namin? Magkasunod lang yun.

Kung mapagtatagumpayan namin itong misyon na ito ay magcecelebrate kami ng bonggang bongga.

Kaya promise magtatagumpay kami?

Napaka oa namang isipin na parang misyon na lang palagi ang iniisip ko pero,talagang nakakakaba,kayo kaya ilagay ko sa sitwasyon ko, tingnan natin. Char lang!

I always feel this everytime we receive mission. Siyempre tao pa rin naman kami. Natatakot din kami siyempre.

----

Enjoy reading!

: )















 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now