ZIARAH'S POV
---
Xiah and my birthdays are coming. I wish I could or we could still celebrate our birthday with our beloved ones. Where there's no trouble.
I'm glad that Ashton and Ashy are one, hindi ko na kailangan pang hanapin si Ashy dahil nahanap ko na pala.
I want to celebrate my birthday with him,kasi pagnagkataon this would be the best birthday I would ever have na.
My phone ring.
'Oh, ate Zianah is calling...'
"Zi, prepare yourself tomorrow. We will be having a dinner" She said in the line.
Argh! I hate it tutulo nanaman yung luha ko. I hate this feeling na na te teary eyed ka everytime makakasama mo ulit yung kapatid mo kahit sa isang simpleng dinner man lang, nakakamiss. Pero mas nakakamiss yung kasama niyo yung buong pamilya niyo. Tsk!
"I-I don't know if I can come, I'm busy. " I said trying to stop my voice from breaking.
"My cry baby. achuchuchu, huwag kanang umiyak! sige ka ako na ang mas maganda sa iyo. Siyempre ako naman ang mas maganda kesa sayo kaya iyak ka nalang there girl. Char " She said, tryin' to cheer me up.
Naalala ko nanaman kung paano niya ako i comfort noon whenever I cry. Hindi ito tipong pa sweet, kinocomfort niya ako by teasing me, teasing me na kapag umiiyak ako eh siya na yung mas maganda sa akin. And by that tumatawa na ako at malilimutan na kung ano man yung dahilan ng aking pag-iyak. She's a great ate.
"Anong I don't know,I don't know? Hoy mag aadvance dinner tayo for your birthday kasi alam ko namang mga kaibigan mo nanaman ang kasama mo ngayong birthday mo kaya kahit hindi man eksakto sa birthday mo nakapag celebrate ka naman na kasama ako. So if you will like it or not you will be having a dinner with me."sabi niya, ending our conversation.
Yun nanga e, mag cecelebrate ng birthday ng kasama lang siya, wala yung buong PAMILYA. Pero alam ko namang wala na talaga akong aasahan, nung tumuntong ako sa pagiging teenager e hindi na sila ang kasama ko tuwing mag bibirthday ako,aasa pa ba akong makakasama ko sila sa aking kaarawan ngayon?
Pinapaasa ko lang ang sarili ko.
Isang patak ng luha ang nanggaling sa mata ko, kaya agad-agad ko naman itong pinunasan. Napakaiyakin ko naman na ngayon,nakakabawas na talaga ng angas 'to.
"Ziarah?"
Good thing na dumating ulit sa buhay ko si Ashton.
"Y-yeah?" I said casually, avoiding to sound sad. But I think I failed.
"Are you crying?" He asked.
"No, I'm not!"
"Shh, I'm here, you can share your problems with me. I can be your human diary, I'm ready to listen. Just please be okay? "sabi niya kaya tuluyan na ngang pumatak yung mga luha ko. I so damn hate comforting words, naiiyak ako lalo.
Tumahimik ulit ang paligid.
"Ziarah? If I ask you one question that is answerable by yes or no, what will be your answer?" tanong niya sa'kin.
Honestly, I can't get him. There's a lot of questions that you can answer with yes or no. So I wonder, what's his...
"I don't know. Bakit ano ba'ng tanong mo?" Tanong ko sa kanya dala naring ng kuryosidad.
"Malalaman mo rin pagkarating natin sa first floor, sige mauuna na ako sa labas a? Sumunod nalang kayo,specially you" Turo niya sa akin sabay halik ulit sa aking noo.