[ 30 ]

1.1K 42 5
                                    

ZIARAH'S POV

---

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"kakagulat naman tong isang to! Bigla bigla nalang sumisigaw.

"Dahil hindi na ako baby,syempre di na malambot yung ulo ko."sagot ko"Atsaka matigas naman talaga ang ulo ng lahat ah?"sabi ko ulit sa kaniya. Syempre tama naman talaga yung mga sinasabi ko.

"Here we go again" He said,frustrated.

"San ba tayo pupunta?"Tanong ko.

"Sa lugar kung saan hindi mo pa napupuntahan at  hinding hindi mo kailanman malilimutan"sagot niya at nag smirk.

Putaena, yung lesson nga namin kahapon nakalimutan ko na, eto pa kaya? Alaws ka boi.


Hindi ko na siya sinagot pa at matutulog nalang dahil sabi niya medyo matagal pa ang biyahe kaya matutulog nalang muna ako.

---

"Zi,"Boses ni Ashton.Niyuyugyog pa ako"Ziarah! "Sabi niya pa ulit sa'kin.

Dahan dahan ko namang binuksan ang mga mata ko at bumungad kaagad sa'kin ang pangit na mukha ni Ashton. Nakakabadtrip!


"Good afternoon beautiful"Sabi niya ng nakangiti. Ow? what is he saying? Eh halos mamatay na nga ako sa kakarinig ng pangit ,pangit na 'yan e. Tas ngayon? Aba! Huwag ako.

"Where are we?"tanong ko nalang.

"Stop asking will you? Nandoon na sa loob ng hotel ang mga kaibigan natin and tayo nalang ang naiwan dito dahil ang tagal mong gumising. Dito tayo mag stastay ng isang gabi-"hindi ko na siya pinatapos.

" Pvta! Hindi ako matutulog na kasabay ka" Sigaw ko sa mismong mukha niya at sinapak ito ng mahina sa braso niya.

"Hey! Don't worry hindi naman ikaw ang makakasabay ko sa kwarto, matutulog ako with Tyler at ikaw matutulog ka sa kwarto na kasama si Xiah. Si Zycka and Trixie in one room naman. Travis and Lee too sa iisang kwarto okay,dahil medyo late tayo ng dating at bukas pa tayo uuwi,mamayang gabi pa ang date natin kaya mag pahinga ka na muna"Sabi niya.

Nakapasok na kami at nag check in na naman agad siya. Kaya dumiretso naman na ako sa loob ng kwarto namin ni Xiah at nadatnan ko nga doon sa loob si Xiah.

"Hey roommate HAHAHA" Xiah giggled after greeting me.

" Bagong magkakilala lang?"Sabi ko at sumalampak na ulit sa kama.

"Labas muna ako maya maya ah? Nagyaya kasi si Tyler e" Pagpapaalam niya.

Tinanguan ko lang siya bilang sagot. What's the score between them na?

By the way dalawang kama pala ang nandidito sa kwartong ito at isang C.R at may veranda din dito kaya pwede kang tumambay doon. Sadly, I can't na. Pero ang cute lang.


May kumatok kaya pinagbuksan ito ni Xiah. So annoying.

"Uy Ashton dali pasok ka." Yaya sa kaniya ni Xiah. "Ah, Zi alis muna ako ah baka hinihintay na'ko ni Tyler"Sumenyas  pa siya na lalabas na siya at kinindatan niya pa si Ashton.

Argh!

"Why are you here?"Tanong ko agad sa kaniya.

"Para tingnan ka"Sabi niya.

Ano ako? TV parang tingnan niya?

"E matutulog ako kaya umalis ka na!"Pagtataboy ko ulit sa kaniya. Awkward yan bess pag nagkataon kaya mabuti pang umalis nalang siya. Ayoko ng tinitignan ako!

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now