[ 52 ]

663 14 6
                                    

---

'Akala ko tapos na? akala ko okay na ako? akala ko magiging normal na ulit ang lahat? pero akala ko lang pala ang lahat ng iyon.'

Hindi na ako pumasok pa sa klase ko at namalayan ko nalang ang sarili kong nasa parking lot na na may luha pang dumadaloy sa pisngi ko. Ayst!

Ganon nalang ba talaga ka dali na iwan ako? Tas ngayon naman gusto niyang makipag-usap sa akin. Para ano? Para saktan nanaman ulit ako? alam ko naman na hindi ako perpekto tulad ng iba, makasalan ako, pumapatay ako, hindi ako kagandahan, hindi kasing sexy tulad ng mga tipo niya, isa lang kasi akong normal na tao, na ang kayang gawin ay ang mahalin siya.

"Why it has to be like this?" mahinang bulong ko sa aking sarili nang marating ko ang dulo habang punas punas ko ang likidong dumadaloy sa pisngi ko. Sumandal ako sa motor ko at ipinagpatuloy ulit ang pag-iyak. I really hate this feeling.

"Crying is not bad, let it all out. I'll just be here to listen saeng. " agad akong napahinto sa pag hikbi ng marinig ko ang boses ni kuya.

Nanlambot ang mga tuhod ko at namuo nanaman ang mga panibagong luha.

For once, I felt like I was precious.

"K-Kuya" sabi ko at agad na niyakap si kuya habang tuloy tuloy ang pagbuhos ng mga luha ko.

" Shh, kuya's here already. "

Patuloy parin akong umiyak hanggang sa naramdaman ko na ang pagod kaya dahan dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata.

Nakatulog na pala ako dahil nagising ako sa bahay naming magkakapatid, sa ngayon siya nalang ang nakatira dito kasi si ate busy sa trabaho niya at may sarili itong condo habang ako naman ay nakatira sa bahay naming magkakaibigan.

Masakit pa din ang ulo ko dulot ata ng kakaiyak kaya napagdesisyonan kong bumaba muna upang kumuha ng tubig ngunit sa hagdanan palang ay amoy na amoy ko na ang sinigang na niluluto ni kuya.

"'sup Zi? " bati ni kuya sa akin.

Naka apron lang ito habang naka t-shirt ng puti, matangkad si kuya and he has this almost perfect face, matangos ang ilong, sakto lang ang laki ng mata, meron itong mapupulang labi, makapal na kilay, at maputi rin ito. Full packaged na si kuya, and masasabi kong swerte talaga ang magiging girlfriend ni kuya and if someday magkaka girlfriend man si kuya ay dapat papasa muna siya sa amin ni ate bago siya maging girlfriend si kuya, mahirap na. Baka malugi si kuya.

Sana lahat ng lalaki gaya ni kuya.

" What are you thinking baby sis? huh? "  at nag puppy eyes pa ito sa harapan ko.

"N-nothing" sabi ko ng nakangiti bago umiling.

"Si Ashton ba ang -?" hindi ko na siya pinatuloy pa sa sasabihin.

"Cut it out kuya" banta ko sa kaniya and I am expect him to be quiet na and continue cooking pero mali ako. Agad nalang itong ngumiti, pero ang ngiti niyang iyon ay may kapaitang dala.

" I'm a useless kuya, I didn't protect both of my sisters from those Linton boys" you're not useless kuya, sadyang jerk lang talaga ang magkapatid na Ashton Linton at Jaxon Linton. Lamang lang talaga ang galit ko kay Ashton.

"Don't say that kuya" sabi ko sa kanya at ngumiti "You're the best kuya and hindi ka useless, okay?" sabi ko sa kanya kaya agad nalang din itong ngumiti sa akin at tumango.

"If they'll hurt the both of you again, pwes ako ang makakaharap nila, kahit kaibigan ko pa yung isa. " sabi ni Kuya.

"What did Ashton do to you Ziarah!?" agad nalang kaming napatigil ni kuya ng marinig namin ang boses ni Ate.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now