[ 72 ]

374 14 2
                                    

---

I continued packing my things while waiting for Jake's call.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tumunog ang cellphone ko. At tama nga ako, si Jake na'to.

"Hello elle, open the door po. " sabi niya kaya dali dali akong tumakbo palapit sa pinto at binuksan na ito.

Nakangiting Jake naman ang sumalubong sa akin sa labas, pati narin mata niya ay nakangiti. Nandito na ang may dugong intsik kwakang at buhis na bihis na.Samantalang ako ay naka white pants, at black and white blouse padin.

Naalala ko nanaman ang katangahan ko earlier. Nagbihis pa talaga ako ha?

Sinilip ko ang white hard hat ko sa tabi ng letter sa taas ng mini table ko kaya napatingin din naman si Jake dun ngunit yung letter ang nakaagaw ng pansin sa kaniya.

Kinuha niya 'to at binasa. Pagkatapos basahin ay kunot noo niya akong tiningnan.

" Are they up to this again? Hindi pa ba 'to natapos? Elle, I thought iba na ang huma handle ng case nito ngayon!? " Tanong niya sa'kin. " Is this the reason why you guys came back? " Inis niya ng tanong sakin habang hinihimas ang sentido.

Nginitian ko nalang siya. " It's okay Jake. Alam mo naman, kami..."

" No, it's not! " Sigaw niya. " You know how dangerous this mission right? "

" My God Jake! Every mission is dangerous. " Inirapan ko kuno ito para takasan lang ang tension.

" Hayaan niyong iba nalang ang mag handle nito please? " Nanlambot ako sa ekspresyong ipinakita niya.

" Ang baduy mo, promise. " I said and raised ny right hand. " Date na nga tayo, tara. " sabi ko at tumalon. He gave me a piggyback ride.

Cellphone ko lang ang dinala ko at hindi na nag bother na mag dala ng wallet o cash.

" Libre mo'ko ha! " Sabi ko habang buhat buhat niya parin ako palabas ng unit ko.

" Oo na, oo na! Pero candy lang share mo. " He said, laughing.

" Utot mo! " Angal ko.

Tumawa siya " Mabango. "

" Ang baboy! " sabi ko sa kaniya at binatukan pa 'to. " Hoy! Kailan mo balak maghanap ng jowa? Sa loob ng tatlong taon nakakaumay na, ikaw lagi kong ka date sa Valentine's Day. " I joked.

" Madami naman kasing pagpipilian. Ang hirap mamili. " Sabi niya at muli akong inangat sa likod niya dahil nahuhulog na'kon.

We're still walking in the hallway patungong elevator. Obviously avoiding the glances of the people. Bala sila!

We're this close now, for the past years ay si Jake kasi ang nakasama ko.

Hindi dahil sa magkasama kaming apat na babaeng magkakaibigan na umalis ng Pilipinas ay magkakasama na din kami sa labas ng bansa.

After we caught the evil Geovanni ay naghiwa hiwalay na muna kami. We try to live a normal life for the past three years.

" Ang bigat mo! " sabi niya sa'kin at inilapag na sa floor nung makapasok kami sa elevator.

Nag make face ako. " Oy, excuse me " sabi ko sa kaniya at inirapan siya.

Nag-asaran pa kami sa loob ng elevator hanggang sa makapasok na sa kotse niya.

" Gano ka katagal dun sa Palawan? " Tanong niya sa'kin.

" One freaking month. " Sabi ko at hinawak pa kuno ang sentido.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now