[ 80 ]

526 17 23
                                    

XIAH'S POV

"I'll just send the files later Architect. " Ani ng kasamahan ko nang makita ako. " By the way, can I have the blue print of this project? natapos na ba? " pagsasalita ulit nito. Wala man sa katinuan ay napatango nalang ako.

Hindi parin masink in sa utak ko ang naging mabilisang tawag ni Ziarah sa akin na kahit ni hi, hello o kahit isang letra man lang ay hindi ko na nabanggit pa.

Tumunog ulit ang cellphone ko kaya bago ko pa man sagutin ang tawag ay sinenyasan ko na ang kasamahan ko na umalis na dahil sasagutin ko na ang tawag.

" Oh my gee, girl... " tili ni Zycka sa kabilang linya kaya napapikit ako. Ang tinis ng boses.

" What? "

" Umuwi ka na, let's hang out. "

" Ha? Why? "

" I'm getting married. " nabikaukan ako sa sarili kong laway nang marinig iyon kay Zycka. What the fvck?

Pinalo palo ko ang dibdib ko at rinig ko naman ang malakas na tawa nito sa kabilang linya.

" Here, drink this. " lumitaw sa harapan ko si Tyler at inabutan ako ng tubig, kinuha ko naman agad ito at ininom. Hinagod hagod naman nito ang likod ko. " Feeling better? " tumango nalang ako.

" I'll try " pagkakausap ko ulit kay Zycka.

Umangal ang boses nito. " Anong I'll try? Hoy kailangan mong umuwi ngayong linggo. Hindi talaga kita papansinin forever and ever. " Tumawa ako. This girl! So noisy! " Dalhin mo din yang boyfriend mo sa Palawan. "

" My boyfriend? Geez, Okay, okay. Uuwi ako. " tinapos ko na ang tawag namin at inilagay na sa bulsa ang cellphone ko. Nang hinarap ko na si Tyler ay agad akong nagtaka ng makitang nakakunot nanaman ang noo nito. Galit?

" Why? "

" Uuwi ka? Bakit? Nililigawan ka ba nung Jake mo? Tapos ngayon pinapasagot kana kung gusto mo ba siyang maging boyfriend? " sunod sunod na tanong nito kaya naguguluhan ko siyang tiningnan. Anong ligaw? Boyfriend?

" What are you talking about? "

" Never mind. " umalis na ito at lumapit na sa tatlong engineer.

Lumingon naman sa akin yung tatlo. " Architect... " sigaw ni Erick kaya nag wave nalang ako sa kanila bago sila tinalikuran. Hindi nakatakas sa akin ang pangangatyaw nila kay Tyler kaya napailing nalang ako at tumawa.

Papasok na sana ako sa hotel nina Ashton upang tumungo sa office namin dito at para tapusin na ang blue print nang may mahagilap ng mata ko at ito ang itim na van, nasa madilim na lugar ito, kung saan walang masyadong nagpapark kaya nang nilingon ko ang nakabukas na bintana nito ay naabutan kong may lalaking nakatingin sa labas, kung saan ako nanggaling at nang sinunod ko kung san ito nakatingin ay nakita kong nasa kay Tyler  na ang mga mata nito. Naglabas pa ito ng nakakalokong ngiti na nakapagpatindig balahibo sa akin. What the fvck! It's Jake's brother or whatever.

Sabi ko na ngaba, may masama itong balak.

Tinawagan ko si Ziarah ngunit hindi ito sumagot kaya nagtipa nalang ako ng mensahe para dito. ' Check Jake's profile. Tingnan mo kung may kapatid ba ito. Kindly send me it's name kung meron man.'

Nagtago ako sa mga halaman kaya naman nagtataka akong nilingon ng guard, nginitian ko nalang ito.

Dahan dahan nang itinaas ng lalaking nasa van ang salamin, ngunit para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng nagkasalubong padin ang mga mata namin bago niya pa maclose nang tuluyan ang salamin, nahuli ko pa ang nakakalokong ngiti nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now