[ 56 ]

397 13 0
                                    


Sinabi namin kay Dean Dominguez na wala na kaming ibang choice kundi ay ang umalis na talaga sa school. Kulang na ang mga nagbabantay kina Geovanni at alam nila ito kaya mas pinapadali nila ang proseso , kailangan na silang mahuli sa buwang ito.

Anyways..

Pupuntahan na namin ngayon ang kambal sa Cafeteria dahil lunch time na at alam naming nandodoon na ang dalawa.

Malayo palang kami ay tanaw na namin and dalawa, may dala pa silang isang rolyo ng tissue. Pinaghandaan. Humalakhak naman ako nung nakita kong maigi ng pinupunas ni Jc ang luha niyang dumadaloy sa kanyang pisngi. Si Cj naman ay naluluha na din, iilang metros nalang ang agwat namin nung nilingon nila kami.

" Mga Shuklaaa " sabay nilang sigaw. Nilingon kami nung mga schoolmates namin at mahinang pinag-uusapan kaming anim.

' Tsk. Chismosang frogies '

" Ohhh.. easy , easy " natatawa kong sabi nung niyakap nila kami.

" Totoo bang aalis na talaga kayo ? " narinig ng iilan naming schoolmates ang pinag-uusapan namin. Ohmygod Cj tone down your voice. Damn it! pero di ko naman to pwedeng sabihin sa kanila so..

Okay shit! aabot talaga to sa mga royalties .

" Ya " ani Ziarah.

" Nako shuklang Ziarah , aalis ka na ngalang yan lang yung sasabihin mo ? " naiiyak na sambit ni Jc. Hay nako Ziarah!

" Nakapasa na ba kayo sa mga tests niyo ? " tanong ni Cj. Eto oh! umaasa pa atang babagsak kami sa test para lang mag stay. Nako nako!

" Baka " pagkikibit balikat ni Ziarah. " o wala "

" Mamimiss namin kayo uy! " umiiyak na si Cj " Back to uno na naman kami nito, wala na kaming kasamang kumain. Mga shukla kayo, mga mang-iiwan " hagulgol nito.

" Magsitahimik nga kayo, mangingibang bansa lang kami. Hindi kami mamamata- " well napatigil din si Trixie sa sasabihin niya nung na realize niya kung ano yung mga sinasabi niya. Wala pang kasiguraduhan ang mga buhay namin.

" So ingat nalang kayo bukas sa flight niyo "ani Jc "Eihhhh"pumapadya padyak pa ito. " Ba't pa kasi kailangan niyong umalis? hindi ba pwedeng dito nalang kayo? "

" Pagbalik namin dapat mga lalaking macho na kayo ha? " huling sabi ni Zycka sa kanila at binalewala ang huling tanong at nag wink pa sa kanila. Tumawa nalamang sila at nakipag beso beso na sa amin at nag picture muna kami sa mga cellphones namin.

Papunta na kami sa labas para kunin yung mga motor namin ay narinig ko ang ilang boses ng mga babae.

" Bakit mo sila hinayaan? " sigaw nito kaya rinig na rinig ko. Agad ding napahinto sina Ziarah , Trixie, at Zycka . " gawan mo ng paraan para hindi sila makaalis " sigaw ulit nito.

Her voice is so very familiar.

" Wala na akong magagawa dahil titigil na sila nang pag-aaral pag hindi naipasa ang exams " sigaw ni Mr. Daragon.

Is that us ? they're talking about?

" What the hell ? " confirmed, it's Charlotte's voice.

" Wala na akong magagawa putang ina naman, pakawalan niyo na ako " sigaw ulit ni Mr. Daragon

Dahan dahan naman kaming nagsilapit.

" Gagawan mo ng paraan o sasabog yang ulo mo ora mismo? " sabi ni Venice. " Sagot!! "narinig ko ang pagpalo nila ng baseball bat ata kay Mr. Daragon. Mga babaeng walang hiya. Tsk!

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now